Prologue 1.3
Location: Massachussets, America
Limang daang Police Officers ang nakapalibot sa maliit na studio flat ng Ocampo Family ng mga sandaling iyon. Bawat pulis ay may kanya-kanyang hawak na Armalite AK45 baril na para bang handang pasadahan ng putok ang buong kabahayan. Bukod sa mga pulis ay naroroon din ang ilang agents ng CIA sakay ng aircraft upang alamin kung may nakuhang DHCP (Dynamic Host Configuration Protocol). Ito’y isang protocol na ginagamit sa pag-assign ng Internet Protocol Adresses to host or workstations on the network.
Hindi mawari ni Mrs. Ocampo ang mararamdaman habang mabilis na nililisan ang maliit bahay. Mabigat at masama ang loob na binitbit niya ang dala-dalang bagahe habang kasabay na naglalakad ang binatilyong si Niko na nagtataka din ng mga oras na iyon.
Isang madamdaming luha ang lumabas sa kanyang mukha habang pinipilit na lumingon sa iniwan na bahay. Nang mapalingon sa dakong iyon ay ganoon na lamang ang gulat niya nang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa likod-bahay ng nasabing kabahayan. Gustong niyang umiyak o kaya naman ay sumigaw. Kung maari niya lang ilabas ang hapdi at kirot na nararamdaman habang naglalakad palayo sa asawa. Asawang hindi na niya masisilayan kailanman.
"Mom!"maya-maya’y bigkas ni Niko sa gitna ng daan.
Pilit niyang pinapa-natag ang kalooban kahit alam niyang dumadagsa na ang mga media at broadcasting network kasama ang mga correspondents ng mga sandaling iyon. Halos mabaliw siya isipin pa lamang niya na papatayin ang asawa niya. Ganito na lang ba? Wala ba silang maaaring gawin kahit pakiusap o sorry man lamang? Ganito ba kahina ang Pilipinas? Ganito ba? Kung maari lang sumigaw ay malamang ginawa na niya sa tindi ng nararamdam.
"Hey, you two! Hold over there!"
Kapwa sila natigilan mag-ina sa boses na iyon ng Amerikano na kung hindi sila nagkakamali’y isang sheriff. Papalit ito sa gawi nilang mag-iina at para bang nag-hihinala. Napapalunok na napatingin siya kay Niko.
"Umalis ka na Anak! Iwan mo na ako dito. Bilis!"madiin ngunit mahinang usal ni Mrs. Ocampo sa binatilyong si Niko.
"But Mom!"
Isang pagalit na sulyap ang ipinukol niya sa anak bago patagong ibinigay dito ang hawak-hawak. Nagtataka man ang binatang si Niko ay napilitan itong kunin ang bagay na inaabot ng ina nito.
“Huwag na huwag kang lilingon sa likuran mo! Naiintindihan mo?”iyon ang huling naipahayag ni Mrs. Ocampo bago matapang ngunit maingat niyang itinulak palayo ang binatang anak na si Niko.”Bilisan mo’t lumakad ka!”makapangyarihang utos pa niya sa anak.
Mabigat ang loob na sinunod iyon ni Niko kahit nagtataka at naguguluhan sa mga nangyayari.
Bahagyang pumatak ang luha niya habang pinagmamasdan ang likuran ng anak. Nagdadasal na sana’y makaligtas ito at hindi paghinalaan ng ilang mga amerikano.
“Hey!”ang boses na iyon ng Amerikano ang nagpatindi ng kaba sa kanya bago lihim na pinupunasan ang luhang pumatak sa kanyang mukha.
Hindi pa siya nakakaharap sa mga Amerikanong pulis ay mabilis na siyang nahigit sa kamay ng mga ito dahilan upang magwala siya.
“Let me go! Why in a world did you just drag my hands without no particular intent? For your information sir, I’m just walking here doing my normal routine and-------“
“Shut up!”pigil ng Amerikano sa sasabihin pa sana niya nang walang-atubiling kinuhaan siya ng picture gamit ang cellphone nito.
Kagyat nag-ring ang cellphone nito at patalikod na kinausap ang taong tumawag dito. Nakikiayon sa kausap nito sa cellphone samantalang hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Nang matapos makipag-usap ay ngiting kuneho na bumaling ito sa kanya.
Ganoon na lamang ang gulat niya nang itutok ng Amerikanong pulis ang baril nitong hawak-hawak sa kanya. Magkakambal na takot ang naghari sa kalamnan niya sa maaring gawin ng pulis sa kanya habang hawak-hawak ang baril nitong nakatutok sa kanya. Isang diin lang nito’y paniguradong patay siya.

BINABASA MO ANG
The Hacker (An IT-Expert)
ActionNiko Ocampo, ang lalaking magbabago ng ekonomiya ng Pilipinas gamit ang teknolohiya. SPG: Theme, Language, Violence, Sex and Drugs (Matured Story/Tagalog)