**
Prologue 1.2
Date: 1998 Malacanang Palace.
Lokasyon: Pilipinas
Nagsalita na ang Deputy Presidential Spokesperson na si Meynard Balte sa di umano’y Filipino Cyber-Hacker na nag-scythe ng sensitive files at perceptive statistics about exposure of US barriers. Ang mga special correspondent ng iba’t ibang broadcasting network sa loob at labas ng bansa’y halos hindi magkan-daugaga upang malaman ang kampo ng Pilipinas ukol sa nasabing balita. Bago paman ang pangyayaring iyon ay hindi na maganda ang pagkakaibigan ng Pilipinas sa Amerika dahil sa pangyayaring pagka-lubog ng US Shipping Marine Lines na kinapapalooban ng mga animnapu’t miyembro ng USMC (United States Marine Corps) sa kalagitnaan ng oceanic large sea ng Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. Sinasabing mayroong mga coral reefs ang nasira at iba pang yaman ng dagat sa pangyayaring iyon. Sa pagkakataong iyon ay hindi pinalampas ng Pilipinas na isawalang bahala ang pangyayari. Kaya naman napag-desisyunan ng embahada ng Amerika na babayaran nila ang nasabing pag-kasira.
Lumipas man ng ilang buwan ang balitang iyon ay sariwa parin sa alaala ng mga Pilipino ang pangyayaring iyon. Isang malaking katanungan ang pagka-lubog na iyon. Tila ba nagtatalo sa kautakan ng mga Pilipino kung sinadya ba o aksidente lamang ang lahat. Ngunit sa maliit na bansa at mahinang economic growth kasabay na ang paglago ng populasyon. Anong magagawa ng Pilipinas laban sa Amerika? Wala kundi ang makiayon at makipag-kaibigan sa mayamang bansa upang maging malakas. Wala kundi ang makisama at maki-anod sa agos ng reyalidad.
"The President of the Philippines is still looking forward for the approval of the United States of America about the assessment and positive proceedings against the Filipino-Cyber-Hacker who lacerate the sensitive files and perceptive statistics exposure of US barriers. Regarding that matter, the President drop a line to the United States Department of State and hoping that it could not lead into flawed relationship between Filipinos OFW living in their country and the Americans. The President respectfully admit our fault regarding that matter----"
Iyon ang umuugong na boses mula sa mga tahanan ng mamayang Pilipino sa kani-kanilang mga telebisyon. Napapangiwi na para bang na-didismaya si Derio Cabitran matapos marinig ang balitang iyon.
"Ang hina talaga ng Pilipinas!"naiinis na naibulalas niya habang iiling-iling. Kasama si Derio Cabitran sa miyembro ng SHAP na pinabuwag taong 1995 kasama na duon si Coco Ocampo na tinutukoy sa balita na isa sa matalik niyang kaibigan.
Sa sampung miyembro ng SHAP, siya lamang ang naglakas-loob na nagpaiwan sa Pilipinas. Bukod sa wala siyang pamilyang sinusuportahan at sa kadahilanang ayaw niyang iwan ang bansa ay nag-desisyon siyang magpa-iwan. Lihim na itinatago ang sarili sa gobyerno. Sabay silang nag-aral ni Coco Ocampo sa Arellano University sa kursong Bachelor of Science in Computer Science. Matapos makapag-aral sa pwestihiryosong unibersidad ay sinubukan din nilang magtrabaho sa Members of Special Cultural Groups, Ambassadors of Goodwill bilang volunteer. Tumutulong sila sa mga kabataan na gustong makapag-aral sa mga walang sapat na pera kaya nagbibigay sila ng scholarship program sa mga ito. Matapos iyon ay naging IT analyst silang dalawa ng Department of Foreign Affairs headed by Secretary Helbert Ong.
A rowdy ringing sounds suddenly bang his mind. Tumayo siya sa kinauupuan niya upang tumungo sa kinalalagyan ng telepono. Nakapakunot-noo sandali nang makitang oversees call ang incoming call. Nagtatakang sinagot niya ang unknown caller.
"Hello?"tanong niya mula sa kabilang linya. Maingay sa kabilang linya. Mayroon siyang naririnig na tila ugong ng eroplano.
"Pare, hello? Si Coco Ocampo ito!"pakilala ng unknown caller sa kanya. Humihingal ang boses nito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Pare, kailangan ko ng tulong mo! Nakikiusap ako!"dagdag nito sa kabilang linya.
"Teka, a-ano bang nangyayari at tila humahangos ka?"walang-atubiling baling niya sa kabilang-linya. Kung nakikita niya lamang ang kausap ay para bang nakini-kinita na niyang pawis na pawis ito.
"Nanunuod ka ba ng balita? Anong ipinahayag ng Presidente tungkol sa Filipino Cyber-Hacker?"kagyat na tanong mula sa kabilang linya.
Napamaang lang siya na animo’y unti-unti ng nauunawaan ang dahilan kung bakit ito humahangos.
"Wag mong sabihing--------"
"Oo Derio. Ako iyon! Alam ko masyado akong nagpadalos-dalos ng naging desisyon ko. Mismong pamilya ko ipinain ko sa kapahamakan. Kaya nga nakikiusap ako sayo, tulungan mo pamilya ko Derio, pakiusap! Ikaw na lang ang maaasahan ko sa ngayon. Pareho tayong nagtrabaho sa Department of Foreign Affairs. ‘Yung mga several networks models like internet layered protocol kasama na TCP/IP 4 layered protocol, as well as Microsoft Networking Protocol ay sauladong-saulado natin. Madali mo akong matutulungan para mapabilis at convenient ang pag-process ng passport ng mag-ina ko papunta diyan sa Pilipinas."mahabang pahayag nito.
Napapalunok lang siya matapos marinig ang pakiusap nito. Nakahanda siyang tulungan ito dahil eksperto siya pagdating sa ganoong bagay. Lalo na ngayon na tatlong taon na pag-aaral ang iginugol niya patungkol sa mga network security ng bawat ahensya ng gobyerno sa Pilipinas gamit ang mga Network devices gaya ng Network Repeater, Bridge, Network Router, Brouter at Gateway. Ngunit naguguluhan parin siya at hindi makapaniwala sa laki ng problemang pinasukan nito.
"Derio!"putol ng kabilang linya sa malalim niyang iniisip."Baguhin mo na rin ang identity ng mag-iina-------"
Naputol ang sinasabi nito nang makarinig siya ng sunod-sunod na alulong ng baril mula sa kabilang linya.
"Pare!"malakas na sigaw niya."Ayos ka lang ba diyan?"nalilito niyang tanong mula sa kabilang linya ngunit walang sumasagot.
"Lintik!"kagyat niyang mura bago mabilis na binuksan ang Computer System.

BINABASA MO ANG
The Hacker (An IT-Expert)
ActionNiko Ocampo, ang lalaking magbabago ng ekonomiya ng Pilipinas gamit ang teknolohiya. SPG: Theme, Language, Violence, Sex and Drugs (Matured Story/Tagalog)