G/N:
Shap Interaction Sytem- it was a fiction. A programmable system created by Niko Ocampo, Donald Villanueva and Weynard Galvez including Derio Cabitran. It contains significant data, statistics, documents and files ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ang dahilan kung bakit nakakagawa sila ng pekeng ID at kung anu-anong pekeng documents at magpanggap ng ibang katauhan by controlling the information.
BJMP- Bereau of Jail Management and Penilogy
NCRPO- National Capital Region Police Officer
DOE- Department of Energy
PICC (basement)
Chief Supt. Geraldo Esposo
Sumambulat sa kanya ang labing-limang kapulisan na nakahandusay sa sahig. Gulat na gulat siya habang papalapit sa gawi ng mga ito. Kagyat niyang kinuha ang baril sa tagiliran at maingat na nakikiramdam sa paligid. Nakasunod sa kanya ang limang tauhan.
“Anong nangyari dito Chief?”tila hindi makapaniwala na tanong sa kanya ni SPO2 Raymundo Villar. Nakasunod ito sa kanya habang mataman na inoobserbahan ang mga nakahandusay na kapulisan.
Pinulsahan ang mga ito ng isa sa mga tauhan niya kung buhay pa. Habang siya naman ay nakamasid sa mga surveillance camera na naroroon.
“Tinurukan sila ng chloroform!”na-ibulalas ng isa sa mga tauhan niya.
“SPO2 Villar!”maya-maya’y tawag pansin niya sa tauhan.
“Chief?”sagot ng tauhan niya.
“Puntahan mo ang Security Department ng building at alamin mo sa CCTV Operator kung gumagana ang mga surveillance camera sa paligid. Nakakapagtaka na hindi agad ito nakarating sakin bago maganap angpangyayari. At hangga’t maaari ay walang media na makakaalam nito. Ipaalam mo agad ito kay BJMP Officer-in-Charge Chief Supt. Madrigal. Tumawag ka na rin ng mga taong mag-aassist upang maidaan ang mga kapulisan sa likuran ng building.”mahaba niyang utos.
Hindi ito simpleng pangyayari. Kailangan nilang mailabas ang mga pulis bago pa may ibang makaalam. Bumaling siya sa isa sa mga National Capital Region Police Officer na naroroon.
“Naisara na ba ang mga exit at entrance gateway?”tanong niya sa isang NCRPO.
Mabilis na tumango ang isa.
“Kasalukuyan silang nag-checheck-point sa mga sasakyan na lumalabas at pamapasok sa building, Chief!”report ng isa.
“Kayong dalawa, paigtingin ninyo ang obserbasyon sa paligid kung mayroong kakaibang pagbabago dito sa basement. Gamitin niyo ang mga walkies ninyo at i-report agad sa akin. Tumawag kayo ng mga security personnel para magpatulong. Madali”maawtoridad niyang utos bago kinuha ang walkie sa bulsa.
“Yes Chief!”panabay na sagot ng dalawang Pasay City Police Officer.
“Chief Supt. Esposo, do you copy?”boses iyon na nagmumula sa walkie na hawak-hawak.
“Speaking!”sagot niya.
“Chief, apat na pulis at isang gwardiya ang namataan dito sa labas ng gate ng building. Wala ng buhay”mula sa walkie.
Panandalian siyang nabigla sa nalaman bago nakahulma ng tamang isasagot.
“Kausapin mo si Public Prosecutor Benjamen Sabas. At i-report niyo sa akin ang mga sasakyang lumabas ng PICC bago maganap ang pangyayari. Do I make myself clear?”
“Roger, Chief!”
“Mayroon bang mga taga-media ang nakakaalam niyan?”muli niyang tanong.
“Sa kasamaang palad Chief ay kasalukuyan na nilang kinakalat ang balitang ito. Tumanggi ako na magbigay ng komento pero ayon sa isang security personnel na nakausap ko ay mayroong isang gwardiya ang nakasaksi sa mga pangyayari. Inutusan ko ang ibang kapulisan na hanapin ang gwardiyang iyon. Magpapatulong na ba tayo sa National Bereau of Investigation, Chief?”

BINABASA MO ANG
The Hacker (An IT-Expert)
ActionNiko Ocampo, ang lalaking magbabago ng ekonomiya ng Pilipinas gamit ang teknolohiya. SPG: Theme, Language, Violence, Sex and Drugs (Matured Story/Tagalog)