Chapter 5:
Hanna:
Pag katapos kong ayusin ang mga gamit at ang sarili ko bumaba na ko ...
"Yaya paki dala sa kotse paki sabi kay manong pupunta kami ng airport ngayon" utos ko sa kasambahay agad naman tong sumunod sakin
"Iha sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?" Pag tatanong ni yaya Fe saakin ...tumango naman ako at niyakap ko sya
"Babalik din po ko dito mag papalipas lang po ako" sabi ko habang pinipigil ang pag iyak ...hinawakan ni yaya Fe ang likod ko at hinagod dun na nag simulang lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan
"Shhh magiging ok ka din Hanna ...tahan na"iyak lang ako ng iyak sa balikat ni yaya Fe ...after a minute humiwalay na ko sa kanya at pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ...
"Thank you po manang ...wag po kayong mag alala babalik din po ko dito tatapusin ko lang po ang 4th year sa korea tapos babalik po ko ..." Niyakap ko ulit si manang"thank you po ulit"pag kasabi ko nun umalis na ko ...pag dating ko sa labas tanaw ko ang sasakyan ni Jc at sya na nakikipag talo sa security namin ...
......
3rd person:Pag dating ni Jc sa tapat ng bahay ni Hanna ay kinausap na nya agad ang guard ...
"Kuya sige na please gusto ko lang makausap si Hanna please po" pag mamakaawa nya sa security
"Sorry po talaga sir hindi po talaga pwede" sabi ng security sa binata ...
Bep bep ...
Nung narining ng guard ang busina agad nyang binuksan ang gate para makalabas ang sasakyan ...
Sa loob ng sasakyan umiiyak si Hanna habang sinusundan ng tingin ang binata ...habang ang binata naman ay nakikiusap parin sa security ...pero tumigil din sya hindi dahil sa pagod na syang makiusap kundi nakita nya ang dalaga ...agad syang lumapit sa sasakyan at pinag kakatok pinipigilan naman sya ng security ...
"Hanna please bumaba ka dyan mag usap tayo" pakiusap nya habang kinakatok ang pinto ...
Sa loob ng sasakyan
"Kuya bilisan muh na po" utis nya sa driver at sinunod naman nito ang utos ...
Sa labas nung biglang umandar ng mabilis ang sasakyan agad syang pumasok sa sarili nyang sasakyan at hinabol ang sasakyan ng dalaga ...
Please Hanna let me explain ...
Sabi nya sa sarili ...mga ilang minuto laking gulat nya ng nasa airport sila ...
Anong gagawin nya wag nya sabihing ...hindi baka dumating na yung parets nya ...pero hindi eh wala sya saking sinasabi na uuwi ang parents nya ...no way hindi pwede to ...
Agad bumaba ang binata sa sasakyan ...habang ang dalaga naman ay papasok na sa airport ...
"Hello mom...yeah were's my private plate...ok thanks..." Tapos nag patuloy na sya sa pag lalakad ng biglang
"HANNA!!!" nagulat ang dalaga dahil sa may sumigaw at pamilyar ang boses pero sa halip na huminto ay lalo syang nag madali ...pag pasok nya ng eroplano agad na lumipad to ...
....
Wala na iniwan nya na ko ...umalis na sya ...wala na sya
Umiwi ang binata sa bahay nila na wala sa sarili
"Master Jc ok lang po ba kayo?" Tanong ng dalaga na kasambahay
Hindi nya pinansin ang tanong ng dalaga at pumasok sa kwarto ng may dalang alak ...
"Bakit di mo ko hinayaang mag paliwanag bakit bigla kang umalis" hindi nya alintana ang mga luhang pumapatak sa mga mata nya ...
"Aaaaaarrrrrggggghhh" sabay hagis ng bote ng alak "bakit Hanna?bakit di ka nakinig sakin bakit?"
"Master Jc ok lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong ng kasambahay
"Pabayaan nyo ko" sigaw nito sa labas
Tok tok ...
Hindi na nila hinintay mag salita ang binata at pumasok na sila sa kwarto nakita nila ang maraming basag na bote at sa sulok ang binatang umiiyak
"Jc pare tama na yan natatakot na ang mga katulong nyo oh" sabi ng binata sa kaibigan
"Iniwan nya na ko Dave wala na sya ...wala na si Hanna" patuloy ang pag iyak nya at patuloy din sya sa pag inom ng alak
"Hayaan mo muna syang mag palamig baka naman gusto lang nyang mapag isa" alo ni Dave sa kaibigan
"Pano kung di na sya bumalik ...Dave mahal na mahal ko si Hanna at di ko kaya ng wala sya" iyak nya sa kaibigan
"Pare intindihin na muna natin si Hanna ...at saka sa tingin mo ba matutuwa sya pag nakita ka nyang ganyan pare ayusin mo na ang sarili mo"
"Tsk kung hindi lang ako hinalikan ng babaeng yun, kung hindi sana kami nakita ni Hanna edi sana mag kasama parin kami ngayon at masaya hahaha wala na wala na yung babaemg mahal ko iniwan na nya ko" sabay inom ng alak pag tayo ng binata bigla syang nawalan ng malay buti na lang at maagap ang kaibigan at nasalo nya ito at inihiga sa kama
....
Sa kabilang banda pag baba ng dalaga sa korea
"Renz!!" Tumakbo agad sya sa binata at niyakap ng mahigpit habang umiiyak
"Shhh tama na" alo nya sa dalaga
"Renz niloko nila ko, pinaikot nila ko sinaktan nya ko renz" iyak parin sya ng iyak sa binata
"Shhhhh halika na iuuwi muna kita aa" inalalayan nya ang dalaga papasok ng sasakyan
....
"Tita sorry po kung ngayon lang kami" sabi nito pag kadating nila sa bahay nila Hanna
"It's ok ...where is my daughter?" Pag tatanong nito
"She's sleeping at the car" sabi ng binata sa ina ng dalaga
"Thank you sa pag sundo sa anak ko pwede bang paki hatid na lang sya sa kwarto nya" pakiusap ng ina sa binata tumango lang ito at bumalik sa kotse at binuhat ang dalaga ng bridal style ...hiniga nya ng maayos ang dalaga sa higaan pinag masdan nya lang ito
Ipinapangako ko na hindi ka na masasaktan ng kahit sino ...hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng walang kwentang lalaki na yun sisiguraduhin kong wala ng makakapanakit pa sayo Hanna
Sabi nito sa isip at umalis na sa kwarto ng dalaga.
......
To be continue ...

BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee (COMPLETE)
RomancePano kung may isang taong nanakit sayo ...nag daan ang maraming bwan na nag dusa ka dahil sinaktan ka nya ...tapos isang araw napag disisyunan ng parents mo na iarrange marriage ka ...then you find out na ang fiancee mo pala eh ang ex mo ...