Chapter 27:
"Hanna meet my CHILDHOOD FRIEND. CRISELLE si Hanna ang taong MAHAL NA MAHAL KO." Pag papakilala nya. Anong trip nitong JC na to..
"Ahm h-hi im I'm Hanna kim Saeung." Nahihiyang sabi ko at nag bow sa kanya eh. -_-" nakasanayan ko kasi eh.
"I know you bitch" she said. Aba anong sabi nya
"I'm not a bitch." Mahinahong sabi ko.
"Oh yes you are." She said tsk sayang lang oras ko kainis.
"JC papasok na ko. Nakaka sira na ng araw eh." Sabi ko kukunin ko na sana yung bag ko ng bigla akong hawakan ni JC at hinala palayo sa friend nya.
"Don't mind her she's nothing" he said with a serious tone. Nang makarating kami sa room ko binigay nya sakin yung bag ko. At pumasok na ko sa room.
Waaaaahhhh buti na lang tapos na lahat ng subject hihihihi nag hihintay na siguro si Angel sa gate.
Tumakbo na ko at tama ako nag hihintay na nga sya sa gate. Nung makita nya ko ngumiti sya sakin. Tatakbo na ko ng may biglang huminto na van sa likod nya at sapilitan syang kinuha.
"ANGEL!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo pero nakaalis na yung van.
Napaupo ako sa sahig. At umiiyak naloko na. Anong gagawin ko bwisit wala kong magawa. Sino sila?
"Hanna?" Napatingala ako ng may tumawag sakin.
"D-dave s-si A-ngel!" Iyak na sabi ko. Tinayo nya ko at tinitigan
"Bakit anong nangyari kay Angel?" Nag aalalang tanong nito
"Si A-angel may kumuha sa kanya. Dave anong gagawin ko? Bakit nila kinuha si Angel!" Iyak na sabi ko narinig ko syang napamura at agad na kinuha ang phone nya.
"Hello....kasama ko sya.....pupunta kami dyan ngayon.....oo isasama ko sya.....ok sige...." Rinig kong sabi nya
"Dave si A-angel iligtas natin sya." Iyak parin ako ng iyak. Niyakap nya ko at pinatahan
"Shhhh. Ililigtas namin sya. Sa ngayon sumama ka muna sakin nag hihintay satin si JC" tumango lang ako at iyak parin ng iyak. Sumakay na kami sa car nya at pinaharurot to.
Nakarating kami sa isang tagong bahay na hindi naman kalakihan.
Pag pasok namin agad na may yumakap sakin. At alam kong si JC yun dahil sa amoy nya.
"JC si Angel iligtas natin sya. Please." Umiiyak na sabi ko.
"Oo ililigtas namin sya. Pero ikaw mag stay ka muna sa condo ok?" Mahinahong sabi nya pero umiling lang ako
"Ayoko! Sasama ko. Gusto kong malamang ligtas sya. JC natatakot ako! Hindi ko alam kung bakit araw araw may sumusunod samin ni Angel lagi kaming minamanmanan. JC natatakot ako na baka pag umuwi ako sa condo natin kunin din nila ko" iyak na sabi ko. Niyakap naman nya ko ng mahigpit
"Sorry Hanna!" Mahinang sabi nya
*blag
"Shit! Nilagay ko sya sa panganib" sabi ni Dave nag taka naman ako
"A-anong ibig mong sabihin Dave?" Takang tanong ko. Tumingin naman sya sakin.
"It's my fault. Dapat di ko na sya nilapitan. Sana hinayaan ko na lang sya. Hanna kasalanan ko kung bakit nanganganib ngayon si Angel." Sabi nya sabay sabunot sa mga buhok nya. Eh wala kong magets -_-"
"Hindi kita maintindihan Dave ano bang sinasabi mo?" Takang takang tanong ko.
"Gangster kami Hanna." Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Gangster? Anong sinasabi mo JC?" Tanong ko ulit.
"We have a group. Gangster kami Hanna matagal na hindi pa kayo mag kakilala ni JC eh Gangster na kami. Nakikipag basag ulo pag may umaagrabyado samin o nag hahamon." Paliwanag ni Lewis kaya napatingin ako sa kanya
"At yan din ang dahilan kung bakit nakipag hiwalay ako noon kay Angel dahil ayokong mapahamak sya. Pero fuck nangyari parin ang kinakatakutan ko." Frustrated na sabi ni Dave napatingin naman ako kay JC na nakayuko lang.
"Sinubukan kong sabihin sayo pero naduwag ako na baka layuan mo ko." Malungkot na sabi nya.
"Pero bakit di mo parin sinabi?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry Hanna" yun lang ang sinabi nya
"JC sana sinabi mo sakin. Matatanggap naman kita eh" hinawakan ko ang mga kamay nya.
"Hanna." Mahinang tawag nya at tumingin sya sakin ngumiti naman ako sa kanya.
"Pwede bang mamaya na tayo mag usap. JC iligras na natin si Angel" malungkot na sabi ko
"Hindi ka pwedeng sumama. Dito ka na lang Hanna." Sabi nya
"Eh ayoko. Pano kung ako din kunin nila. Pano kung mapahamak din ako. Ayoko sasama ako sa inyo" narinig ko naman syang napabuntong hininga
"Haist. Ok basta sa tabi lang kita ok?" Ngumiti ako ng malapad at tumango sa kanya.
"Promise! Pero pano natin sya mahahanap?" Tanong ko sa kanila
"Can i barrow your cellphone?" Binigay ko naman sa kanya yung phone ko. "Rain track mo yung cellphone ni Angel." Sabi nya sabay bigay kay Rain
"Areglado boss" naka salute na sabi ni Rain.
"Kian and Lewis get ready." Pag kasabi ni JC nun umalis na yung dalawa.
"Eh ako JC?" Tanong ko heheheheg wala piling gangster ako eh xD
"Tsk. Dave mag handa ka na" seryosong sabi ni JC
Lahat sila kumikilos. Nag plano agad si JC. Sinabi nya iyon kila Dave, Rain, Lewis at Kian. Ahm eh wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya hahahaha eh pano ba naman may ituturo sya tapos sasabihin.
"Kian dito ka. Alm mo na ang gagawin" sabi nya tapos tumango si Kian.
Oh diba wala akong magets haist ba yan oh.
"Dave ikaw ng bahala kay Angel we give you way ok?" Tumango lang ito.
Tumayo na silang lahat.
"Rain saan banda ang pinag tataguan nila?" Tanong nya kay Rain.
Sinabi ni Rain ang location kung saan dinala si Angel. Tinignan ko ng mabuti si Dave galit ang makikita mo sa mukha nya. Pag sakay namin ng van katabi ko sa right side ko si JC sa left ko naman si Dave. Si Kian nasalikod si Rain ang nag dadrive tapos katabi nya si Lewis.
"Yes action nanaman to" excited na sabi ni Lewis
"Makakapag banat nanaman ako ng buto at muscles" nakangising sabi ni Rain. Napatingin naman ako kay Dave nakakuyom ang kamao nya. Hinawakan ko sya sa braso kaya napatingin sya sakin.
"Mahal ka parin ni Angel. Sigurado ko na kapag sinabi mo yung dahilan mo kung bakit mo sya iniwan noon tyak mapapatawad ka nun." Nakangiting sabi ko.
"Natatakot akong masaktan sya Hanna." Yung kaninang galit na nakita ko sa mata nya napalitan ng lungkot.
"Mag tiwala ka lang sa sarili mo. Alam kong kaya mo syang protektahan. Mas masasaktan lang kayong parehas kung iiwas kayo sa isat isa." Nakangiting sabi ko sa kanya
"Thank you Hanna" niyakap nya ko kaya niyakap ko din sya.
.....
To be continue ...

BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee (COMPLETE)
RomancePano kung may isang taong nanakit sayo ...nag daan ang maraming bwan na nag dusa ka dahil sinaktan ka nya ...tapos isang araw napag disisyunan ng parents mo na iarrange marriage ka ...then you find out na ang fiancee mo pala eh ang ex mo ...