Chapter 38:
Hanna:
Break time na at kasabay namin ngayon ni Angel sila Dave wala si JC eh nauna na sya sabi ni Rain eh may susunduin daw sya kaya nauna na.
Nandito kami ngayon sa canteen at kumakaen habang nag chichichat.
"Alam nyo ba nung bata dati si Rain eh may napulot sya noon na akala nya chocolate tae pala ng insekto hahahahahaha" pag kukwento ni Lewis natawa naman kaming lahat.
"Hoy sobra ka Lewis aa aba meron din akong baon noh anong akala mo sakin. Alam nyo ba nung first year high kami eh may hinalikan si Lewis na sexy at maganda." Seryosong sabi ni Rain
"Naks oh tapos ano ang nangyari?" Pag tatanong ni Angel na nag hihintay ng sasabihin ni Rain.
"Napag alaman naming hindi sya babae dahil isa pala syang lalaki hahahahaha halos maubos noon ang toothpaste at mouth wash sa mall hahahahaha kulang na lang pati factory eh bilhin nya hahahahahaha" tawa kami ng tawa dahil sa mga kalokohan ng dalawa.
"Teka si JC ba yun?" Naputol ang tawanan namin ng mag salita si Dave tinignan nilang lahat ang tinuro ni Dave ng lilingon na sana ako eh bigla akong hinawakan sa pisngi ni Angel
"B-bakit?" Takang tanong ko.
"Diba wala ka pang tulog?" Tanong nya nag tataka man ako pero tumango lang ako.
"Hanna, Angel sa garden na lang tayo para presko" pag yayaya ni Dave teka nga ang gulo naman eh.
"Akala ko ba nandito si JC. Teka nasan ba sya?" Akmang lilingon na ako ng biglang hinawakan ulit ni Angel ang pisngi ko
"Hindi pala si JC yun. Tara na sa garden" sabi ni Kian tapos nag si tayo na sila ano bang problema ng mga to haist kahit naguguluhan ako eh tumayo na din ako at sinundan sila. Alam nyo ba ang formation namin aba si Dave nasa unahan ko si Lewis sa kaliwa si Rain sa kanan si Kian ang nasalikod tapos si Angel sa gilid ni Dave. Alam nyo yung puro body guards ka tapos nakapalibot sila sayo na halos wala kang makita ayun ganun ang formation namin. Haist mga abnormal na ata tong mga to.
Nasa garden na kami ngayon at grabe lang bess antok na talaga ko. So nahiga na ko sa damuhan habang sila nag kukwentuhan. Makatulog nga muna.
Papikit na sana ako ng naramdaman ko naiihi na ko. Shit.
Tumayo agad ako at mag lalakad na sana.
"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Angel.
"Sa CR" tipid na sabi ko sabay lakad na palayo sa kanila naiihi na talaga ako. Nang makapasok ako ng CR agad akong pumasok sa isang cubicle at umihi.
Woooo succes hahahahaha. Lumabas agad ako ng CR. Habang nag lalakad ako sa hallway napapansin kong lahat ng student nakatingin sakin hinayaan ko na lang sila. Aba bangag ako ngayon kaya wag silang lolokoloko hehehehehe.
Habang nag lalakad ako pabalik ng garden may isang familiar na couple ang nahagip ng mata ko. Nung malapit na sila sakin nakita ko kung sino ang dalawa. Nakakapit ang braso nung babae dun sa lalaki. Tinignan ko yung babae na sobrang lapad ng ngiti habang sya ay umiwas ng tingin.
"Oh hi my dear ex-bestfriend nga pala si JC boyfriend ko. Kilala mo naman na sya diba" sabi ni Jessy. Oo bess si Jessy nga at si JC ang nakita ko.
"B-boyfriend?" Takang tanong ko putcha lang bess gusto kong umiyak pero baka mali lang ang narinig ko.
"Yeap me and JC are official in a relationship." Tinignan ko si JC at inaabangan kong sabihin nya saking wag akong maniwala sa mga sinasabi ni Jessy pero tumungo lang sya.
Fucking tape parang kelan lang ang saya namin tapos putchapie....
*pak
Sinampal ko ng malakas si JC.
"Hey don't hurt him." Sigaw ni Jessy pero di ko sya pinansin at binaling ko ang tingin ko kay JC
"Manloloko ka! May pasabi sabi ka pa dyan na mahal mo ko at wala kayong relasyon ng babaeng yan tapos malalaman ko na kayo na pala. Tangnang yan, ang saya pa natin eh tapos babawiin mo ng ganito kasakit. Hayop ka mali hindi ka pala hayop, dahil mas masahol ka pa sa hayop pinag laruan mo lang ako. sana pala umiwas na lang ako sayo at hindi naniwala sa mga kasinungalingan mong tarantado ka" galit na sabi ko tapos sinampal ko ulit sya nag pipigil lang ako ng iyak pero feeling ko konti na lang ay babagsak na yung luha ko.
"Nakakarami kana Hanna aa. Wala kang karapatang saktan ang boyfr...." Hindi ko na sya pinatapos dahil sinampal ko na rin sya
"Para yan sa pananakit nyo sakin, hindi na kayo nahiya. What do i expect for a bitch like you. You're a slut bitch serves you right" nakakalokong ngiti ang binigay ko kay Jessy. Akmang sasampalin nya ko ng hinawakan sya ni JC.
"Don't you dare to hurt her" may diing sabi nya napatawa naman ako ng peke
"Don't act like you are still care for me JC. Kasi alam ko na ang totoo. I'm such a stupid di ko man lang napansin na umaarte ka lang pala." Sabi ko sabay lakad at syempre binangga ko silang dalawa sa gitna nila ako dumaan noh.
"H-hanna i-im s-sorry" rinig kong sabi ni JC
"At bakit ikaw pa ang nag sosorry samantalang ikaw ang sinampal ng bitch na yan" rinig kong sigaw ni Jessy
"Shut up Jessy!" Sigaw ni JC
"Hindi mo na kailangang humingi ng sorry nangyari na ginawa nyo na. Sana sinabi mo na lang para hindi ganito ka sakit." Sabi ko sabay takbo dahil di ko na talaga kayang pigilan ang mga luha ko. Nakita ko naman sila Angel na nag lalakad tumakbo agad ako sa kanya at umiyak.
"H-hanna anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Angel tapos niyakap nya ko
"Ok ka lang ba Hanna?" Rain
"Anong nangyari?" Lewis
"Bakit ka umiiyak?" Dave
"She need a peaceful place." Kian
Nag lakad na kami, ako naman nag lalakad habang nakayakap kay Angel at umiiyak.
Ang sakit sobra. Nanghihina na rin ako. Wala akong tulog at pagod na kong umiyak. Feeling ko babagsak na ang katawan ko mukhang di ko na talaga kakayanin pa.
Bigla akong bumagsak habang nakayakap kay Angel narinig kong tawag nilang lahat pero napapikit na lang ako.
Eto nanaman yung sakit na naramdaman ko....
....
To be continue ...

BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee (COMPLETE)
RomancePano kung may isang taong nanakit sayo ...nag daan ang maraming bwan na nag dusa ka dahil sinaktan ka nya ...tapos isang araw napag disisyunan ng parents mo na iarrange marriage ka ...then you find out na ang fiancee mo pala eh ang ex mo ...