Chapter 6:
Hanna:
Pag gising ko kinaumagahan ibang kwarto ang nakikita ko ng bigla kong maalala ang mga ngyari kahapon lang. Bigla nanamang tumulo ang mga luha ko biglang bumalik lahat ng sakit. Ang sakit ang sakit sakit.
"Gising ka na pala" sabi ng isang pamilyar na boses ng makapasok sya sa kwarto ko dun ko lang nakita kung sino ang nag salita. Agad akong lumapit sa kanya, niyakap ko sya at umiyak ako sa mga balikat nya
"Renz*shift*"tawag at iyak ko sa kanya
" shhh nandito na ko Hanna. Sige iiyak mo lang yan aa. Ilabas mo lahat ng sakit pero."humiwalay sya sa pag kakayakap sakin at hinawakan ang mga pisngi ko at nag katitigan kami
"Pero bukas pag gising mo di ka na iiyak huh. Alam mong ayokong umiiyak ka diba" sabi nya habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga pisngi ko
"Pero*shift* Renz hindi ko kaya*shift* sobrang sakit ng ginawa nila sakin" sabi ko naman sa kanya
"Alam ko. Pero Hanna dapat mas maging matatag ka gamitin mo yang pain para makapag simula ka ng panibagong buhay. Gawin mo yang lakas para wala ng makapanakit pa sayo. Maging matatag ka" tapos ngumiti sya tumango lang ako
Tama si Renz dapat mas maging matatag ako ngayon bubuuhin ko ang bagong Hanna Kim magiging malakas ako. Eto na ang huling araw na papatak ang mga luha ko. Kakalimutan ko na si Jc kakalimutan ko na lahat ng sa amin.
Ilang oras akong umiyak sa balikat ni Renz hanggang sa wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko siguro naubos na kakaiyak ko.
"Feel better now?" Pag tatanong ni Renz ng wala na syang marinig na hikbi sakin
"Konti. Thank you Renz dahil nandito ka para sakin aa." Sabi ko sa kanya
"Naku ikaw pa eh di kita matiis alam mo yan" sabi naman nito at ngumiti
"Thank you for your comfort I'm so glad to have a bestfriend like you" sabay yakap sa kanya
"Sus ikaw pa halika na nga at kumaen ka na anong oras na oh" tapos hinila nya ko pababa sa bahay namin.
"Nasan sila mommy?" Pag tatanong ko kay Renz. Pinaupo nya ko
"Nasa office si tita alam mo naman ang parents mo bc sa office diba. Ikaw kumaen kana at mag palakas kailangan mo yan." Sabi sakin ni Renz ngumiti lang ako sa kanya.
Kung kailangan kong mag bago ng style gagawin ko sa pagiging baduy magiging maganda ako yung tipong lahat ng lalaki pag nakita ko mag lalaway sila oh diba bongga
"Hanna your mind is outing univers" rinig kpng sabi ni Renz
"Huh?ano yun?" Takang tanong ko. Napabuntong hininga naman sya
"Ay naku ka talaga Hanna kahit kelan ka talaga" napailing na lang sya
"Hmmmp Renz" tawag ko sa kanya
"Hmmm?" Sabi nito ng hindi tumitingin sakin
"Pwede mo ba kong samahan mamili ng bagong damit?" Sabi ko naman habang sumuaubo ng strawberry cake
"Sure. Anything for you para malibang kana rin at maka pamasyal dito sa korea" sagot nya sa tanong ko
"Thanks." Tapos tumayo na ko at naligo.
....
3rd person:Sa pilipinas.
"Hi jc" sabi ng isang babae pero dedma lang ito
"Kyaaaaahhh ang gwapo ni Jc kahit seryoso sya"kilig na sabi ng isang babae
" girl balita ko wala na daw si Hanna"girl 1
"Edi masaya wala na yung babaeng mukang higas na yun" girl 2
"May chance na ko kay Jc" girl 1
"Wala ka ng pag asa sa kanya dahil mapupunta sakin si Prince Jc" girl 2
"Tsk" yun lang ang sinambit ng binata
"Pare ibang klase ka talaga pare lakas ng tama ng mga babae sayo" sabi ng kaibigan nya
"Tama tama" pag sang ayon naman ng isa pang kaibigan
"Tigililan nyo ko!" Inis na sabi ng binata sa mga kaibigan
"Bumalik na ang dating Jc mga pre hahahaha" pang aasar nanaman ng kaibigan
"Tigilan mo ko Lewis kung ayaw mong batuhin kita ng walis" inis na sabi nito
"Hahahaha Lewis bumalik na ang masungit" sabi naman ng isa nyang kaibigan
"Tumigil ka Rain kung ayaw mong sa hospital ka pumasok ngayong araw" pananakot nya natigilan naman ang mga kaibigan nya sa sinabi nito
"Welcome back Jc" walang ka gana ganang sabi ng kaibigang kanina pa tahimik
"Minsan ka na nga lang mag salita Kian pero nakakainis lahat ng sinasabi mo" inis na sabi nito
Pag dating sa classroom nila
"Hi loves" sabi ng isang babaeng pamilyar ang boses at pinaka susuklaman ng binata
"Lumayo ka sakin Jessy baka di ako makapag pigil sayo" sabi nya na may halong pag babanta at nag patuloy mag lakad umupo silang mag kakaibigan sa pinaka dulo. Pag ka upo nila may biglang lumapit sa kanilang babae
"Jc para sayo ako mismo nag bake nyan masarap yan"sabay abot ng box
"Hindi ako interesado" sabay yuko ng ulo sa lamesa
"Salamat Dian" sabay kuha ng box
"W-walang anuman Lewis" ngiti ng dalaga ngumiti din ang binata sa dalaga.
"Libreng cake pre" sabi nito sa mga kaibigan
"Ayos" sabi ng isang kaibigan nilang si Rain at Lewis
Napailing na lang ang dalawa na si Jc at Kian
"Teka mga pare bakit wala pa pala si Dave?" Pag tatanong ni Rain
"Malamang nandun nanaman sya sa nililigawan nyang babae hahahaha" sagot naman ni Lewis
"Akalain nyo yun yung gag* yun pinahihirapan ni Brenda hahahaha" sabi naman ni Rain ng biglang
*pak
Napahawak si Lewis at Rain sa ulo nila
"Dahil sa kakadaldal nyo di nyo napansin si Dave sa likod nyo" sabi naman ng tahimik na si Kian
"Nag bibiro lang naman kami pare diba Rain" sabi ni Lewis
"Si Lewis ang nag umpisa" pang lalaglag nito sa kaibigan
"Rain!!"
"Sorry Lewis mahal ko pa buhay ko ayoko pang mamatay" pag bibiro nito
"Tumigil na nga kayo!pag di kayo tumigil ako mismo mag papatahimik sa inyong dalawa" inis na sabi ni Jc tumahimik naman ang dalawa sa takot
....
To be continue ...

BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee (COMPLETE)
RomancePano kung may isang taong nanakit sayo ...nag daan ang maraming bwan na nag dusa ka dahil sinaktan ka nya ...tapos isang araw napag disisyunan ng parents mo na iarrange marriage ka ...then you find out na ang fiancee mo pala eh ang ex mo ...