Lumuwag ang airsacs ko pagkatapos marinig yon. Akala ko seryoso siya.
"We got your back princess." saad ni Ria na nakapameywang.
"Uhhuh" dugtong ni Art.
Tinignan ko silang tatlo na nakatayo sa harap ko kaya't kusa akong napangiti.
Ang swerte ko sa kanila.
•••
"Hey.." hindi pa nga kami nakapasok sa club pinagtitripan na kami dito.
"Don't touch me." sinamaan ko ng tingin ang lalaking sunod-sunod sa'kin.
Pa'no ba kasi, ang dami ng mga tao dito kaya hinahanap ko ngayon sina Ria. Nakikipagsiksikan pa yung iba.
Nawala kasi sila sa pananaw ko..
Or ako yata 'tong nawawala.
"Bakit? It's entertainment night!" natatawang sabi ng lalaki.
Entertainment night yang mukha mo. Tas ipapaamoy nya sa'kin ang amoy alak nyang hininga?
Ibang level ng suffocation ang ikakamatay ko.
Mas prefer kong tumalon mula sa barko kesa abutan ako ng umaga langhap ang hininga niya.
Naramdaman kong may humila sa kamay ko. Bibitawan ko na sana ito nang narinig ko ang boses ni Ria. "There you are. Let's jive in while wala pang maraming VIPs ang dumarating!"
Pumasok kami sa nasabing club. First time kong makapasok sa mga ganitong lugar. Ang sabi nila, nakakahype daw yung active music.
Ewan pero nawalan ako ng gana pagkatapos makita ang dancefloor.
Tas nakakabingi rin yung sounds. Tas yung amoy, kombinasyon ng alak at pawis.
Nakita ko sina Art at Kara na naghihintay sa may counter.
Agad lumapit sa'min ang isang waitress na malapad ang ngiti. "You want drinks?" alok niya.
"Yes please." inabot ni Ria ang VIP tickets sa waitress.
"Ooh. VIP's." tumigil siya saka tinignan kami. "We reserved a special room for you. Follow me."
Napangiti kami pagkatapos marinig ang sinabi niya. Napaghalataan ko na alam niyang demigods kaming apat.
Special room pala huh?
Pinapasok niya kami sa isang madilim na videoke room. May couch at malaking screen.
"Is it locked?" tanong ni Kara.
Chineck ni Art yung doorknob at siniguradong nilock nga ng waitress mula sa labas ang pinto.
Biglang nagdilim ang buong silid kaya kinapa ko nalang ang earplugs na naka insert sa short na suot ko ilalim ng dress.
May naririnig na akong sounds galing sa speakers kaya dali-dali ko nang sinuot ang earplugs.
Binasa ko ang lyrics na nasa screen.
May lyrics pa yung kanta nila.
Pagbalik ng lights, tinanggal na namin ang earplugs sabay higa sa sahig.
Ang sabi kasi sa lyrics, 'sleep' kaya kinailangan naming magpanggap na natutulog.
Mayamaya, narinig ko ang pagbukas ng pinto pati na rin ang boses ng mga babae.
"I don't know why pero ang swerte ata natin. We caught 8 demigods within two nights!" sabi ng isa.
"Oo nga ano? Manghingi kaya tayo ng ransom sa mga gods kapalit ng freedom ng mga anak nila? Oh boys. Kunin niyo na yang mga 'yan." may pagka bossy din 'tong isa eh.
Nakarinig ako ng iilang mga yabag ng sapatos bago ko naramdamang may nagbuhat sa'kin.
Binuksan ko ng kaunti ang aking mga mata at napag-alamang dumaan kami sa backdoor ng club.
"Faster. 10 minutes lang ang stop ng ship sa Islands. Make sure walang makakakita sa inyo." utos ng isa.
Pinasakay nila kami sa isang speedboat papunta sa Islands.
Habang umaandar, naramdaman kong may pumindot sa tagiliran ko. Nakita ko si Kara na ang nagd-drive. Sa baba nakatali ang apat na lalaking walang malay.
Ang dali nun ah.
"Sa'n ba tayo patungo?" tanong ni Art na katabi kong nakaupo.
"Over there." tinuro ni Kara ang malaking gap na namamagitna sa dalawang islets.
"That is the entrance to their barrier. You see those stars above the islands? Those are mirrored stars. Look closely." sinunod namin ang sinabi ni Ria at napatingin sa langit.
Para ngang repleksyon lang ang mga bituin na nasa itaas ng islets.
Pumasok na kami sa barrier.
Tumingin ulit ako sa taas at nakitang nawala na lahat ng mga bituin kaya medyo dumilim na rin ang kapaligiran.
Sumunod lamang si Kara sa daloy ng tubig. Dumaan kami ng iilang mga islets na gawa sa bato at putik.
Ilang minuto ang lumipas bago nahagilap ng mga mata ko ang ruins ng isang malaking palasyo.
"Art diba sabi mo nasa dungeon sila?" tinanong ko agad si Art.
"Mmhmm.." tumango siya.
"Di kaya nandun yung sinasabi mong dungeon?" napatingin sila sa direksyon ng ruins.
Agad tinigil ni Kara ang makina. "We'll have to walk."
Tama.
Dapat di namin maantala ang mga Sirens na nakapaligid sa'min. Nandito pa naman kami sa teritoryo nila.
"Cesia? mukhang may idea na ako kung bakit madaling nadakip ng mga Sirens ang boys.." nilingon ko si Art na nakatingin sa may di kalayuan dahilan na mapatingin rin ako.
Nandoon pala ang mga Sirens na nagtatawanan at naglalaro sa putik.
Ewan ko kung matatawa ba ako sa sinabi ni Art.
Nakahubad kasi silang lahat.

BINABASA MO ANG
The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
Seirenes' Islands
Magsimula sa umpisa