抖阴社区

NEW BS #1: MOMENT WITH HIM

472K 5.5K 594
                                    

HI TO ALL READERS OF BROKEN STRINGS..

Iniba ko po ang kwento nito. Pero si Wright at Melissa parin po ang bida. Nakaka-boring na kasi yung una kaya ni-revise ko. Baka madalas ang update nito dahil nabubuo na sa utak ko ang mangyayari sa kanila. Pasensya na kung pabago-bago.

THIS IS FINAL. :)

***

B.S #1: MOMENTS WITH HIM

MELISSA QUIZON

"Babe.. nagseselos ka na naman ba?" sabi nito sakin.

Nakaupo ito sa may lamesa samantalang ako ay nakatayo sa pagitan ng mga hita nito. Niyakap nya ako at sumiksik sa pagitan ng balikat at leeg ko.

Kinurot ko ang braso nito. "Bakit ba kasi dikit sya ng dikit sayo?"

Ang tinutukoy ko ay ang ka-bandmate nitong si Raquel. Ito ang vocalist ng banda. Si Wright naman ang lead guitarist. Kanina habang nagpa-practice sila ay napapansin kong kay Wright ito lumalapit at tumitingin.

At nasosora ako sa klase ng titig nya! May halong lande, eh. Nakakabanas!

"Eh, bandmate ko siya, eh." mas hinapit pa ako nya ako palapit sa kanya. Tumingala sya at nagkatinginan kami.

"Kahit na!" Nanliit ang mga mata ko. "Akala mo ba 'di ko napapansin na may gusto siya sayo?"

"Judgemental Princess." Natatawa nitong sabi at binigyan ako ng mabilis na halik sa gilid ng labi. "'Wag mo namang lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin."

"At ako pa ang naglalagay ng malisya, ha." Tinulak ko ito at lumayo. Kinuha ko ang bag ko na nasa upuan. "Uuwi na ko."

Malapit na akong makalabas ng pinto nang biglang may humatak sakin. Iniharap ako ni Wright sa kanya.

Seryoso syang nakatingin sakin. "Wala ka bang tiwala sakin?"

"Meron. Pero sa haliparot na yun, wala!"

"Yung haliparot na tinatawag mo ay ang kaibigan ko, Melissa." Tinaasan ko siya ng kilay. Huminga ito ng malalim at sinuklay ng kamay ang buhok. "Wala ka namang dapat ipag-alala. Atsaka kung may gusto man siya sakin.. hinding-hindi ko iyon masusuklian. Sayo lang ako."

Ngumiti ako. Tanda na, masaya ako sa sinabi nito. Dalawang buwan palang kami ni Wright. Nung una, ayaw ko sa kanya kasi mukha siyang babaero. Pero hindi pala. Lapitin lang siya ng babae. Nung niligawan ako ni Wright, maraming babae ang nagalit sakin. Kaya iniiwasan ko nun si Wright. Ngunit hindi ito natinag. Niligawan nya pa rin ako kahit na ilang beses kong sinabing ayaw ko sa kanya.

Sa bawat araw na nagkakasama kami ay gumagaan ang loob ko. Hanggang sa mahulog na talaga ako sa kanya. Hulog na hulog.

Bumaba ang mukha nito sakin. Pumikit ako nang magdikit ang aming mga labi. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng halik nito sakin. Para pa rin akong nililipad sa ulap at nanlalambot ang tuhod ko. Yumakap ako sa kanya at ginantihan ang marahang halik nito. Mas lalong humigpit ang mga brasong nakayakap sa bewang ko.

Napatigil kami ng may tumikhim. Napatingin kami sa may pintuan. Napasimangot ako. Ang haliparot!

"Wright. Practice na daw ulit." maarteng sabi nito.

Tumango si Wright. "Oo. Susunod nalang kami, Racky."

Bumaba ang tingin sakin ni Raquel. Mabigat ang titig na iyon. Tinaliman ko sya ng tingin. Bumalik ang tingin nito kay Wright. Tumango ito at umalis na.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon