抖阴社区

BS #7: WAKE UP

411K 5.7K 1.2K
                                    

BS #7: WAKE UP

***

MELISSA QUIZON

Napabangon ako. I was dreaming---- I mean, I had a nightmare. I dreamed about HIM. Again. "Oh, goodness! What time is it?"

Tumingala ang anak ko sa itaas ng pader kung saan matatagpuan ang relo namin. "Hmm.. Short hand's in six.. long hand----Oh! Oh! Six fifteen."

"Good. Pero kailangan nating magmadali, Baby. First day mo sa klase ngayon." Pinisil ko ang tungki ng ilong nito. Niyakap ko ito ng mahigpit. Naramdaman kong yumakap din ito sa akin.

Napalaki ko ng maayos si Reid kahit na wala ang sustento ni Wright. Kinaya ko lahat para lang sa anak ko at para lang mapalaki ito ng walang pagkukulang. Kailangan kong tumigil ng pag-aaral para lang maging ligtas ang pagbubuntis ko at makaiwas na rin sa pangmamata ng mga ka-batchmate ko. Mabilis kumalat ang balita na hiwalay na kami ni Wright. Napabalitaan rin na umalis na rin ito ng bansa kasama ang bagong girlfriend nito na si Claire. Bakit ganoon, kapag ang babae nabuntis, malandi agad ang tawag, makiri agad. Pero ang lalaki kapag nakabuntis, matinik agad, walang pakielam ang ibang tao kung panagutan man niya o hindi.

Pagkapanganak ko kay Reid. Namasukan agad ako na katulong para lang may maipambuhay sa amin. Nang makita ko ang magiging amo ko, parang nakaramdam ako ng inggit. Mag-asawa kasi ito, buntis ang babae at ang lalaki naman ay palaging nasa tabi nito. Binabanatayan ko si Ma'am Tallia kapag wala si Sir Zander sa umaga. Sapat naman ang sinusuweldo ko sa kanila n'un kasi malaki naman magpasweldo ang mag-asawa dahil nais rin nila akong tulungan. Hanggang sa manganak si Ma'am Tallia, natigil na ako sa pagtatrabaho.

Ginamit ko ang naipon kong pera para maipagpatuloy ang pag-aaral ko ng Musika. Kumuha ako ng scholarships para lang mabawasan ang gastos ko. Pagkatapos kong makapagtapos at makapasa sa board exam, na inutang ko pa ang pambayad, namasukan ako sa isang Music School at agad akong nakapasok. Ako na ngayon ang nagtuturo ng mga Percussion Instruments sa paaralan. At hindi lang basta-basta ang mga estudyante doon dahil halos mayayaman ang mga nag-aaral. KAramihan ay anak ng iba't-ibang politiko at mga negosyante.

Nalagpasan ko lahat ng pagsubok na ito. Ngunit ang nakapagpalungkot sa akin ay ang pagkamatay ng Lola ko. Isang taon palang n'on si Reid. Pakiramdam ko ay nagunaw ang mundo ko, nawalan na ako ng kakampi. Nawalan na ako ng masasandalan. Nawala na ang nag-iisang taong nakakaintindi sa akin.

Napakalaki ko lang talagang gaga dahil nagpaloko ako sa isang katulad ni Wright. Hindi ko ito mapapatawad sa ginawa niya sa amin ng anak namin. Hindi ko siya mapapatawad sa pang-iwan niya sakin. Hindi ko siya mapapatawad dahil sa kagustuhan niyang ipalaglag ang anak ko. Hindi ko siya mapapatawad sa panloloko at panggago niya sa akin. Kinasusuklaman ko siya.

Humiwalay ng kaunti sa akin si Reid. Hinawakan ng maliliit nitong kamay ang magkabilang-pisngi ko. "Sana kaklase ko pa rin si Thunder, 'My."

Talagang napamahal na ito kay Thunder. Halos magkasabay kasig lumaki ang dalawa. Si Thunder ay ang anak ni Ma'am Tallia at Sir Zander, sa kanila ako namasukan na katulong. Napamahal na rin sa akin ang mag-asawa kaya nung bininyagan si Thunder, isa ako sa mga naging ninang. At simula n'un palagi ng magkasama ang dalawa. Sampong buwan ang tanda ni Reid kay Thunder, pero nagsabay pa rin ang dalawa sa pag-aaral.

Napangiti ako. "'Di sa lahat ng oras, si Thunder lang ang kaibigan mo. Dapat maging friendly ka rin sa iba."

"I'll try, Mommy." He said unsincerely. Ayaw talaga nitong makasalumuha sa ibang bata. Masungit ito kaya nga takot ang ibang kakalase niya sa kanya.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon