BS #21: LIP-LOCKING
--------
MELISSA QUIZON
"Good bye, Miss Quizon." Sabi ng isa kong estudyante bago sumakay ng kotse nito. Ngumiti ako and I waved my hand on her.
Papalabas na ako nang eskwelahan nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binuksan ang message.
—————
From: Eugene
Susunduin kita. Give me Ten minutes. Wait for me, K?
—————
I hit reply.
—————
To: Eugene
Okay. Sa may waiting shed langako.
—————
Pamaya-maya lang ay pumarada na ang isang itim na sasakyan sa harap ko. Lumabas doon si Eugene. Agad akong tumayo at nilapiyatan ito.
"Bakit mo ko sinundo? Naabala pa tuloy kita."
"Ilang araw ko na kayong hindi nakakasama. Namimiss ko na kayo." Natatawang sabi nito sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" Sabi ko nang pumasok na ito sa driver's seat.
Tumingin ako sa relong pambisig. "Alas kwatro pa ang uwi ni Reid. We still have Two hours to kill. Wanna go to the mall or something?"
"Okay. Mall."
Kasalukuyan akong nakikinig sa mga kwento ni Eugene tungkol sa ospital nang tumunog ang phone ko. Binuksan ko ang messages habang patuloy pa rin sa paku-kwento si Eugene.
–—————
From: Wright
Where are you? Susunduin kita.
—————
Pinindot ko ang reply. Ilang beses ko na pinapaliwanag kay Wright na wala dapat kaming pakielamanan sa isa’t-isa pero eto siya, kanina pa nangungulit.
—————
To: Wright
No need. Nakasakay na ako sa kotse ni Eugene.
—————
Wala pang ilang segundo at nag-vibrate na agad ang phone ko.
_________
From: Wright
What? Why're you with him?
—————
To: Wright
Mind your own business.
—————
From: Wright
Da*mn, Melissa. You're making me so mad now. Where is he taking you? Please, tell him to pull over. Ako ang susundo sayo.

BINABASA MO ANG
BROKEN STRINGS (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "Please, wag mo naman akong iwan!" "S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang m...