抖阴社区

APAT NA HINAING!

301K 2.6K 259
                                    

UNANG HINAING:

Matagal po mag-UD.

Reason? School. Please do understand po. Ang buhay ko talaga ay studies. Hindi ako AUHTOR. Hindi ako PROFESSIONAL WRITER. Hindi ko trabaho na araw-araw mag-UD. :)

--

IKALAWANG HINAING:

OA.

Nga po pala, may nais akong linawin,  ako po ang gumagawa ng story na ito. Ako ang gagawa ng descriptions na gusto ko. Para sa akin, walang OA sa mga nilalagay kong descriptions, bumabatay ang pagka-OA sa kung paano niyo ipi-picture sa utak niyo ang ginagawa ng characters. Walang OA sa descriptions, pero sa imahinasyon, meron.

--

IKATLONG HINAING:

Nerdy na naging malandi.

Ehem po. Sa prolouge to. Nakasalamin lang nerdy na? Kailan pa nangyari yun? Hindi lahat ng nakasalamin matalino. Aba-aba. Batas na ba na kapag nakasalamin ka, NERD ka na?! Paano kung nagpapaka-COOL ka lang kaya nagsalamin ka.. Hahaha.. Swerte kasi napagkamalang matalino. Si Melissa ay hindi NERD. Hindi siya malandi. Iba ang malandi sa nagmamahal.

--

IKAAPAT NA HINAING:

Laging bitin ang UD

Kung hindi ko kayo bibitinin, paano kayo makakaramdam ng excitement? Paano ko kayo mas mae-enganyong magbasa? Paano ko kayo mas maeenganyo na mag-imagine kung ano ang susunod na mangyayari kung hindi ko kayo bibitinin? Magiging boring ang kwento kung hindi tatamaan ang readers.

Binura ko na yung ikalima. :)

Naka-move on na ako eh. huwehuwe.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon