"Ano? Selos ka na naman?" Napasinghap ako ng dumampi ang labi nito sa puno ng tenga ko. Kinagat ko ang ibabang labi ng unti-unti bumaba ang labi nito sa pisngi ko. "Tara na. Baka makalimutan kong nasa public place tayo."
Napatingin sa amin ang mga kabanda ni Wright nang makarating kami sa music room. Si Fier, ang drummer. Si Leon, ang base guitarist. At si raquel, ang malanding bokalista. Nakaupo sila sa sofa at may hawak na mga canned drinks.
Tinanguan ako ng dalawang lalaki at nginitian ko lang sila. Narinig kong nag-tsk si Raquel. Inismiran ko lang ito. Pinisil ni Wright ang balikat ko.
"P're! Game!" sabi ni Fier.
"Teka." Sabi nito sa mga kaibigan. Tumingin sakin si Wright at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Napasipol ang mga kabarkada nito. "Watch me."
Nginitian ko ito. "Always."
Umupo ako habang tinitingnan silang mag-ayos ng gamit. Binalingan ko si Raquel na matalim na nakatingin sakin. Inirapan nya ako. Nag-make face lang ako. Nang maayos na nila Wright ang mga gamit ay nagkanya-kanya na sila ng pwesto. Tumingin sakin si Wright. Nag-init ang pisngi ko nang kindatan ako nito bago tumugtog.
Nagsimula na ring kumanta si Raquel. Kung hindi ko ito kilala ay iisipin kong napakaganda ng ugali nito dahil sa mala-anghel nitong boses. Napakagaling nito. Nahahatak nito ang mga kalalakihan na makinig sa mala-anghel nitong boses. Kaya hindi lang babae ang fans ng Kiss n' Tell.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Pumasok ako sa banyo na matatagpuan rin sa loob ng kwarto. Ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.
Paglabas ko ay tapos ng kumanta sila Wright. Nanliit ang mga mata ko ng makitang kausap nito si Raquel. Lumapit ako dito at humawak sa braso nito. Hinalikan ako nito sa noo at bumaling ulit kay Raquel. Nakasimangot na ito.
Tumikhim ito bago magsalita. "Ahh. Pumunta ka, Wright. Hihintayin kita, hmm."
"I'll think about it." Inakbayan ako ni Wright.
Nang magpaalam na si Raque na uuwi na ito ay hinarap ko si Wright. "Anong sinasabi nung haliparot na yun? May pa-'Hihintayin kita, hmm'.. ipalunok ko pa sa kanya yung sapatos nyang three inches ang takong, eh!" madiin kong sabi. Mahina lang iyon para hindi marinig ng dalawang lalaking nagliligpit na.
Padabog akong umupo sa sofa at humalukipkip. Hindi ko talaga gusto si Raquel. Simula nung ipakilala ako ni Wright dito ay hindi ko na agad nagustuhan ang ugali nito. Tumabi sakin si Wright at inilagay ang braso sa may sandalan ko kaya parang nakaakbay na ito sakin.
"Tsk! Selosa." pinisil nito ang ilong ko. "Birthday daw po kasi ng kapatid nya bukas at inimbitahan ang banda."
"Ooh. Pupunta ka?"
"Oo." Ngumiti ito. Napasimangot ako lalo. "Kasama ka, Babe."
"Hindi naman ako invited. OP lang ako dun."
"Osige. 'Wag ka ng sumama. Maglalasing ako dun." Humalakhak ito.
Nagpaalam na sila Fier at Leon samin. Tinanguan lang sila ni Wright.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Ganon?! Sige. Break na tayo, ha?"
Hindi naman sa pinagbabawalan ko syang uminom. Iba kasi si Wright kapag nalalasing. Nagwawala siya. At walang pakielam kung sino ang babaeng mahalikan nito. Iyon ang una naming pinag-awayan. At buti nalang naayos din namin.
Napangiwi siya. "Hmmm.. On second thought.. Hindi na ako pupunta."
"Good. Now, we're talking." Tumingin ako sa relong pambisig ko.. "Mag-si-six na pala. Uwi na tayo."

BINABASA MO ANG
BROKEN STRINGS (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "Please, wag mo naman akong iwan!" "S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang m...
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
Magsimula sa umpisa