"Pero kasi----"
"No buts, Babe. Basta ako nang bahala okay?"
"No." Humarap ako rito. Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso rito. "Ganito nalang. Lahat ng gagastusin mo sakin ngayon, babayaran ko sayo. Kahit paunti-unti."
Kumunot ang noo nito. "No wa----"
"Pumayag ka na sa gusto nya, Wright." Napalingon kami kay Aunt Linda na matamang nagmamasid sa amin. Nang tumingin ito sakin ay may galak sa mga mata nito. "And for you young lady... I'm impressed. Really."
Hindi na ako nakapagtanong kung bakit dahil tumalikod na ito. Pinapasok na rin ako ng babae sa Fitting Room kaya bumitaw na si Wright sa akin. Habang nasa Fitting Room ako ay may nag-aabot sa akin ng mga damit. Isusukat ko ang mga iyon at lalabas para makita ni Wright at Aunt Linda kung bagay sakin.
Since wala naman akong alam sa mga damit, suot nalang ako ng suot. Kaso hindi naman nila nagugustuhan. Napapagod na nga ako, e. Huminga ako ng malalim at lumabas suot ang royal blue na mermaid style na damit. Pa-symmetrical ito, yung parang sa greek goddesses, at hapit na hapit sa katawan ko. Nag-uumpisa ang mermaid style nito sa kalahati ng hita ko. At hindi tela ang ginamit sa mermaid nito kundi see-through na tela kaya kitang-kita ang mga hita ko.
Napatuwid ng upo si Wright nang makita ako. Nag-thumbs up naman si Aunt Linda. Hay, salamat nakapili rin. Medyo baskil na kasi yung kili-kili ko kakasuot-hubad ng damit.
Sinunod namin ay make-up, pag-aayos ng buhok at manicure at pedicure. Sumusunod lang ako sa mga sinasabi ng mga ito. Si Wright naman ay pumunta sa fitting room para isuot na ang damit nito. Medyo natagalan ang pag-aayos sakin. Pagdilat ko ay parang ibang babae na ang nakikita ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Parang Princess Diaries! Before and After!
Lumapit sakin si Aunt Linda. "Beautiful! You're stunning, Melissa!"
"Thank you po." Ang ganda ko po!
Pagtingin ko rito ay katabi na nito si Wright. Bihis na ito at ayos na rin ang buhok. Magkakulay kami ng damit. Royal blue rin ang polo nito na napapatungan ng black suit nito. Lalo itong kumisig sa kasuotan. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil parang sagad sa bungo ko ang titig nito.
Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim si Aunt Linda. Lumingon ito kay Wright at tinaasan ng kilay. "Ang galing ko 'diba?"
Ngumisi si Wright at napailing. "I never doubted your skills, Aunt Linda."
"Good." Pumalakpak ito. "Bring the shoes!"
Nagsilapitan ang mga empleyado nito. Napalunok ako ng makita ang mga dala nitong Stilleto.
Lumapit sakin si Wright at inilagay ang kamay sa bewang ko. "Auntie, wala bang medyo mababa ang heels? Hindi kasi sanay si Melissa sa matataas."
"Hmm? Hindi bagay sa gown nya ang mababa. Pwede naman natin sya sanayin. Teka, ikaw ba ang designer dito? Tsupi!" Natawa ako sa inasal ni Aunt Linda. Mukha lang pala itong mataray pero may kakenkoy-an rin ito sa katawan.

BINABASA MO ANG
BROKEN STRINGS (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "Please, wag mo naman akong iwan!" "S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang m...
BS #3: A NIGHT WITH HIM
Magsimula sa umpisa