抖阴社区

BS #3: A NIGHT WITH HIM

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinasuot nito sakin ang isang sapatos. Pagtayo ko ay nanginig ang tuhod ko dahil sa taas.

"You can do it, Hija." himok nito.

Ilang beses kong sinubukang maglakad pero palagi akong natatapilok o 'di kaya'y napapaluhod. Lagi naman akong tinutulungan ni Wright.

Ngumiti naman ng nakakaloko si Aunt Linda. "Maybe we need something to motivate her."

Pinalayo ni Aunt Linda si Wright sakin at pinapunta sa gawi nito ang isang magandang empleyada nito. Napasimangot ako nang ngumiti si Wright sa gawi ko habang nakakapit ang babae sa kanya. Ang maladita naman ay namumula at malawak rin ang ngiti sa labi.

"Oh, ano? Sugurin mo na." udyok sakin ni Aunt Linda.

Napatingin ako sa sapatos ko. So, ito pala ang motivation ko. Tiningnan kong muli si Wright at dahan-dahang tumayo. Nakakadalawang step palang ako nang matapilok akong muli. Tinulungan ako ng mga babae para hindi mapaluhod. Pagtingin ko sa gawi ni Wright ay nakayakap na ang maldita sa bewang nito.

Tinaliman ko ng tingin si Wright. Itinaas naman nito ang dalawang kamay na parang sinasabi na wala syang magagawa. Sa panggigil ko ay tumayo ako at nagsimulang maglakad. This time, desperado na kong agawin ito para hindi na mayakap. Nagulat nalang ako na nasa harap na ako ni Wright at wala na ang babaeng nakalingkis rito.

"Excellent." magdidiwang na sabi ni Aunt Linda sa likod namin.

Samantalang kami ni Wright ay nakatingin lang sa isa't-isa. Hinaplos ng mga kamay nito ang expose na balikat ko. Napasinghap ako sa ginawa nito.

Lumapit ang mukha nito sa tenga ko at bumulong. "I'm tempted."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko at pinalo ito. Tumawa ito.

"Ang mahal nito, no?" sabi ko rito.

Napasimangot naman ito bigla at huminga ng malalim. "Auntie.. Give her a discount."

"Oh, Sure! Si Melissa na ngayon ang bagong masterpiece ko." Hinawakan ni Auntie ang dalawang kamay ko. "Naku, hija, napakaganda mo! All natural! Walang retoke!"

"Salamat po, Mis----"

"Aunt Linda nalang, Hija. Tanggap naman kita ang kaso----"

"Auntie, mauuna na kami." Putol nito sa sasabihin ni Auntie. Humalik ito kay Auntie at ngumiti.

"Maraming salamat po, Auntie." Pagkasabi ko nun ay hinila na ako ni Wright paalis sa boutique.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. Bago ako pumasok ay hinalikan ko ito ng mabilis sa labi. "Happy 5th Monthsary."

Ngumiti ito at niyakap ako. "Damn. Nakakabitin naman, Babe. Eh, ano naman ang regalo mo para sa birthday ko?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin rito. "S-Secret."

"Wow! Nakaka-excite naman iyan. Gusto ko ng makita." Lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Humiwalay na ito para pumunta sa driver's seat at pumasok na rin ako sa kotse.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon