抖阴社区

Forgotten Memories

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bitawan niyo ko!" umiiyak si Mini Art. Pilit siyang kumawala sa kamay ng dalawang bangkay na nakahawak sa kanya ng mahigpit.

"I'm looking for a wife. Finally, I found you." nag evil grin ang batang lalaki.

Ish. Nakakakilabot.

Anong nangyayari sa'kin?

"I made a promise. That whomever my son wishes to marry, he will marry." boses ng matandang lalaki ang narinig ko.

"Huhu! Wag niyo po ako itulad ng asawa niyo! Ang bad niyo! Patay kayo ni Papa!" nag echo ang boses ko sa buong room.

"Please Hades!" nagmamakaawa ang babae sa tabi niya.

Hades...

"Apollo will not mind... Wala na siyang magagawa sa oras na makasal sila." natatawang sagot ng lalaki.

Nanlamig ang mga kamay ko.

"Tu-tulungan niyo'ko..." humagulgol ako ng iyak sa loob ng kweba mag-isa. Nakatali ang mga paa't kamay ko. Puno ng pasa ang buong katawan ko.

"Art!" dalawang lalaki ang pumasok sa loob.

Bago pa ako makabalik sa real world, nahagilap ko ang saya at pag asa sa mata ng batang babae pagkatapos makita silang dalawa.

"Why are you crying?" binuksan ko ang mga mata ko.

Nasa van pa pala kami.

"Hector..." nabulong ko ang unang pangalan na narinig ko sa vision.

Halatang nagulat si Cal sa sinabi ko.

"Why do you know that name?" nagtatakang tanong niya.

"Narinig ko lang..." sagot ko na may kasamang kibit-balikat. Tumigil ang sinasakyan namin.

Magkapareho yung pinakita sa vision ko.

'Wings Express: Hero of Messages'

1... 2... 3...

"Wala kang nabanggit sa'min about owning a business."

4... 5...

"You didn't ask" and wink.

Pero bago tuluyang makalayo sa van, syempre, di ko nakalimutang kunin si Buttercup.

Ngapala... Di ko pa nakita sina Bubbles sa visions ko. Pati na rin yung mortal enemy ko...

Si Princess Sara... Dandandunnnn...

"May kapatid ka ba Cal?" tanong ko sa katabi ko.

Pumasok kami sa magulong building. Amoy kahon. Tas ang dami pang workers.

"I.... did" Base sa reaksyon niya, masasabi kong isang malaking mystery para sa kanya ang bagong napag-alaman ko.

Pero kasi... kasali siya eh... At alam kong may alam siya.

Pumasok kami sa elevator.

Wew...

Sa labas kasi parang ang liit lang tignan ng factory. Wala siyang upper floors... Anim na basements lang?!

Pinindot ni Chase yung 'B6'

Lumabas kami sa Basement 6. Pagkatapos ay lumipat na naman sa katabing elevator.

Nakakalito din eh. Asan ba talaga yung destinasyon namin?

"What floor?" tanong ng elevator.

Walang sumagot sa'min.

"Anong floor nga?" tanong ulit ng babae sa speaker.

"Ang lakas ng mic pero walang cam para makita kung sinong nakasakay. Tsk." naiiritang sagot ni Chase.

"Ohoooy! Tama ba yung narinig ko? Tol! Ikaw ba yan?" ibang boses na naman ang narinig namin.

"Juan? Bro!" masayang bati ni Chase.

"Ano ka ba! Si Pedro 'to! Fasten your seatbelts ladies and gentlemen. Antay ka lang 'tol kita tayo sa itaas."

Wala pa ngang isang segundo ang lumipas eh bigla nalang nag mala-rocketship ang elevator.

"WAAAAAAHHHHH!!!!" hinigpitan ko ang pagyakap kina Blossom.

Magkaka heart attack na sana ako kaso tumigil agad sa pag launch yung elevator.

YUN NA YUN?!?!

.

"Hihihihi!!! Again again!!!"

Para akong lumipad kasama sina Blossom! Waaaaaah! Ang sayaaaa!

Pero kasi... Nagsilabasan na sila.

Ayy...

Di bale na... Mamaya ulit! Wihihi.

"Brooooo!!!" dalawang satyrs ang sumalubong sa'min. May handshakes pa sila ni Chase. Nasa'n nga ba kami?

"Welcome to the real factory guys." nabasa ata ni Chase yung mga mukha namin.

Nakapatong ang factory sa isang cloud. Busy lahat ng mga tao. May mga aurai na nagdadala ng iba't ibang sizes ng boxes. May mga half donkey half tao rin na siyang tumutulak ng trolleys. Tas mga taong may six arms.

Lahat ng mga creatures nakasuot ng uniform.

Kyaaaahhh!! Gusto ko magtrabaho dito!

"Matagal-tagal na rin ah..." isa-isa kaming tinignan ng dalawang satyrs. Kusang tumigil ang mga mata nila kay Cesia,

May binulong yung dalawa kay Chase. Saka tinawag ni Chase si Cesia na lumapit sa kanila.

"Hi Miss! I'm Juan, pleased to make your acquaintance." nag bow siya.

"and I'm Pedro. Can you be my girlf- putek!" siniko ni Chase yung Pedro.

"This is Cesia of Alpha. Daughter of Aphrodite. Pasensya na boys pero... Hanggang pakilala lang kayo. This one is...." hinead-to-toe ni Chase si Cesia "reserved" pagkatapos ay tinignan si Trev.
.
Nakuha ata nila ang ibig ni Chase kaya agad nilang iniba ang topic.

Si Cesia naman... Ewan ba. Parang kanina pa nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa?" kinalabit ko siya.

"Sorry.. pero" lumapad ang ngiti niya "ang cool kasi ng mga pangalan nila... May naaalala lang ako."

Tumango ako.

Hanudaw?

"Tara na. Baka magalit na naman yung boss natin." aya ni Juan.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon