抖阴社区

2

13 1 0
                                        

Back to reality na tayo. Pareho kaming hinihingal nang makarating kami sa classroom. Saktong kakaunti pa lamang ang mga estudyante at wala pang teacher.

"Hay! Grabe ka Ella! Halos madapa na ako sa pinagkakagawa mo. Akala ko ba may sakit ka sa puso? Grabe! Para kang si Flash kung tumakbo."

"Sorry naman po, Ate. Ayaw ko lang po kasing ma-late." Sabi ko sa kanya habang nahihingal pa rin kami. "Oh, saan tayo uupo?"

"Gusto ko sa malamig." Ay aba demanding...

"O edi dun ka sa freezer. Malamig man kaya?" At ayun nakatikim ako ng batok mula sa kanya. "Sabi mo kasi malamig eh. Sa pagkakaalam ko po kasi, Kamahalan, wala po tayo sa school na pagmamay-ari po ng parents mo po kung saan po may air-con. Alam mo naman po na eco-friendly itong school na ito kaya wala pong air-con."

"Oo na. Oo na. Doon na lang tayo malapit sa wall fan." Sabi niya. Pumayag naman ako at pumunta na kami doon sa left side ng room kung saan may wall fan at umupo.

"Oh ano, Cia? Satisfied ka na?"

"Hindi." Huh? Grabe siya. Huwag niya lang sabihin na gusto niya talaga ng air-con. "Doon na lang tayo." Sabi niya sabay turo doon sa pangalawang row sa right side na malapit sa aisle at sa ceiling fan. "Hindi kasi ako makakita dito." Nilapit niya agad ang bibig niya sa tenga ko. "At saka may couple sa harap natin." Sabi niya sabay ngisi. Oh edi, wow.

"Okie." Sabi ko sabay tayo at pumunta doon sa tinuturo niya kanina.

"Hay... Mas OK dito. Kahit papaano ay malamig at makakita ako." Okay? Satisfied nga siya.

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa summer vacation. Mabuti pa siya. Sa Maynila siya nagbakasyon habang ako eto, staycation as usual. Nagpatuloy lang kami sa pagkukuwento nang dumating ang teacher namin.

"Good morning class." Bati sa amin nung teacher.

"Good morning sir."

"Kayo lang lahat?" Tumingin ako sa likod at saktong may dumating. Nagtatakbuhan sila papunta sa door. Halatang late. Pero wait, familiar sila ah. Tinapik ko si Lucia.

"Lucy, diba sila yung sa dati nating school?" Tanong ko sa kanya sabay tingin ko ulit sa likuran.

"Yeah. Anong ginagawa nila dito? Hindi kaya't sinusundan ka?" Ay grabe siya.

"Okay class. Please take your seat." Umupo naman kami. "I am Jerry Banua and I am your Pre-Calculus teacher. Let's start the class by introducing yourselves. Since all of you are new from this school kasi bago rin ang curriculum niyo. Say your name and the school where you came from. Okay. Let's start at this side." Sabay turo niya doon sa left side. Sabi ko na nga ba na may introducing achuchu na naman. Every school year ba naman ba?

Okay. Pangapat na. "I am Geian Larida. I am from Integrated Learning School." Sabi nung Geian at nakangisi pa. Eh?

"Larida? Kaano-ano mo si Glizzle Larida?" Tanung ni Sir Jerry.

"Kapatid ko po." Eh? Tumingin naman ako sa likod at saktong nakita ako ni Axel Callo, ang kaklase ko last year. Kasama niya sina Jesse Boromeo, Aries Gaston, Perrie Mallorca, Blesselle Fiel, Ronnie Malmo, Jay Postanes, at Cielo Martinez. Wait, Cielo Martinez? Oh ehm... Saphie!!!!!

"Hoy! Ikaw na." Natauhan ako bigla nang sinabi yun ni Lucia. Wait ako na? Agad-agad? Agad-agad naman akong tumayo at nagpakilala.

"I am Anna Gabrielle Loren. I'm from Academia Britannia." Umupo agad ako.

"Ayan kasi... Panay tingin doon sa likod. Sino ba tinitingnan mo dun?" Sabi niya sabay tingin sa likod. "Ahh.. Uy! Si Cielo Martinez? Haha... Hindi ko akalaing umalis siya doon sa school at lumipat dito. Take note: Kaklase pa natin siya." Sabi niya habang namamangha. "Uy ha... Sinusundan ka ni crush mo." Sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.

"Pati ba naman ikaw? Alam mo para kang si Theresa. Walang magawa sa buhay. Palagi niyo na lang akong tinutukso sa kanya. Ni hindi ko naman siya gusto at isa pa crush siya ni Saphie." Sabi ko at natahimik naman siya. Mabuti naman. Si Theresa ay ang kaklase ni Lucia last school year sa Academia na walang ibang ginawa maliban sa pagtutukso sa akin na gusto ko di umano si Cielo? What a joke. Crush kaya yun ni Saphie. Si Saphie nga pala best friend ko. Isa siyang Japanese at naninirahan dito sa Pilipinas. Saphire Mashimoto ang pangalan niya. And speaking of Japanese, may kumakatok na Hapon at alam kong kaklase to ni Cia last school year.

"I'm sorry sir. I'm late. May I come in?"

"Yes, you may come in." Pumasok naman siya at umupo siya sa tabi ni Cia. "What's your name miss?" Pahabol ni sir.

"Yuzuki Saito po sir."

"From what school?"

"Academia Britannia sir."

"Are you a Japanese?"

"Yes sir. Half Japanese. Half Filipino."

"Okay."

"Uy! Sino na ang mag-iintroduce?" Tanong ko kay Lucy.

Forever DestinyWhere stories live. Discover now