抖阴社区

5

11 1 0
                                        

"Hay... Ano ba 'yan?" Sabi niya sabay tingin sa papel na hinahawakan ko. More like ang lapit na ng mukha niya sa tenga ko that ma-feel ko na ang breath niya. He's so close. Oh ehm... Nevermind. "Nibelungenlied? Ano 'yan?"

"Haha.. It is an epic poem in Middle High German. The story tells of dragon-slayer Siegfried at the court of the Burgundians, how he was murdered, and of his wife Kriemhild's revenge." Do I sound polite?

"Ha?" 'Yan lang ang tanging lumabas sa bunganga niya.

"Close your mouth, dear. Baka mapasukan 'yan ng langaw. Kasi pag nagkataon, i-rerecite ko talaga ang 'The Old Woman Who Swallowed A Fly.'" Sabi ko sa kanya nang nakangiti habang sinara ko yung nakabukas na bunganga niya.

"Ha? I-rerecite natin 'yung whole poem niyan?" Sabi niya.

"Nope. Of course not! Ang kinuhang part ko lang is yung part na patay na si Siegfried at nakita siya ni Kriemhild na patay na ang asawa niya." Tiningnan ko ang mga ka-grupo ko at lahat ay nanlalaki ang mga mata. Ano bang mga problema nito? Oh my! Ang lapit na pala ng mga mukha namin ni Rick. Geez! Ba't ngayon ko lang na-realize? Agad kong tinulak siya palayo at tiningnan ulit ang mga kagrupo namin nang nakangiti. "By the way guys, sino ang gustong gumanap as killer ni Seigfried?"

"Ako, Ann!" Presinta ni Ronnie.

"Okay. So, all set na ang killer. What about yung maghahatid ng bangkay ni Siegfried sa bahay nila na kasama rin nung killer?" Tanong ko ulit.

"Sige. Ako na lang." Sabi ni Ara.

"Ako rin." Sabi ni Vince.

"Eh, yung mga maid ni Kriemhild? Sino? Dalawa lang ang kailangan ko at wala naman silang sasabihin."

"Kami na lang ni Yuzi, Ann." Sabi ni Lucia sabay tingin kay Yuzuki.

"Okay. So, ikaw na lang si Siegfried since wala namang natitirang lalaki ang gaganap ng role na 'yun." Sabi ko sabay tingin sa katabi ko.

"Sino ang narrator, Ann?" Tanong ni Angel.

"Ako Siyempre. Ako ang gumawa ng script eh."

"Ay! Ayoko, Ann. Dapat ikaw si Kriemhild. Alam mo bakit? Fit ka kasi sa role na 'yan at isa pa sanay ka kayang mag-act. Ibigay mo na lang kay Angel ang pagiging narrator." Sabi ni Lucia at sinang-ayunan ulit ng lahat. Lahat na talaga dahil pati yung katabi kong lalaki ay sumang-ayon rin. Ay wow. So, ako na po si Kriemhild. Binigay ko na sa kanila ang script dahil alam ko naman ang gagawin ko kaya't hinintay ko na lang na sabihhin ni Ma'am na magsisimula na ang dula-dulaan.

"Okay class, let's start. Please write your name in a 1/4 sheet of paper and pass it to me. Let's do it draw lots." So, ang ginawa ko is sinulat ang mga names namin sa 1/4 sheet of paper at pinasa kay Ma'am.

"Okay. Let's start with the group of Britannia." Hala! Kami agad? Kakapasa pa lang ng papel ah? Sige na nga. Kaya pumunta kami sa harapan upang gawin ang role play na walang practice.

"Ugh!" Sabi ni Ronnie and he's portraying the role of Hagen, yung killer ng bida.

"Why? You look frustrated, Hagen. Do you want to go beside the stream we passed a while ago and drink water with me?" Sabi ni Rick. Well, I could say that he portrays the role very well.

"Yes. Thank you for the offer Siegfried, Prince of Xanten." Sabi ni Ronnie kay Rick sabay akbay.

"Oh, come on, Hagen. Don't treat me a royalty here. We are here for the game." Sabi ni Rick at sabay silang pumunta sa kabilang side ng platform sa harapan ng room. Tinanggal ni Rick ang kunwaring sword niya na payong and leaned his spear na pack bag against a tree. Umabante siya ng kaunti at in-act na kunwari umiinom siya ng tubig. Itinulak ni Ronnie ang kunwaring sword ni Rick palayo sa kanya, kinuha ang spear at isinaksak sa likod ni Rick. Inatake ni Rick si Ronnie gamit ang kanyang shield ngunit natumba ito kaagad at namatay. Parang totoo ang scenes pero role play lang pala.

"They waited for nightfall to return to Worms. Then the cruel and vengeful Hagen had Siegfried's body laid on the threshold of Kriemhild's apartment so that she would discover it when she left for matins. The prayer bells rang, and Kriemhild saw her husband's body, red with gore. The wretched queen first fell speechless into a swoon, then coming to herself and she screamed aloud." Sabi ni Angel the Narrator. Habang ginagawa ko ang role ko.

"Hagen committed this bloody crime, and it was Brunhild who urged him to do so! The guilty ones shall surely die!" Sigaw ko habang yakap yakap ko ang kunwaring patay na katawan ni Rick at sina Cia at Yuzi? Ayon. Comfort ang ginawa sa akin.

"He was killed by robbers. Hagen did nothing wrong." Sabi ni Vincent which portraying the role of King Gunther.

"Kriemhild knew without doubt who had killed her husband. Surrounded by Hagen's and Gunther's allies and relatives, she was powerless to achieve justice at this time, but she swore in her heart to avenge Siegfried's death, however long it might take." Sabi ni Angel as the conclusion at pagkatapos nun ay nag-bow kami.

"Uy! Ang sweet niyo tingnan kanina ni Rick. Yung sa part na iniiyakan mo siya." Sabi ni Ara sa akin nang makaupo na kami na tila yata nagde-daydream. Hay...

"Oo nga. Hindi ako magtataka kung magiging kayo." Hala ka! Kami ni Rick? Where in the world?

"Sus. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Angel at kailangan talagang gatungan ang sinabi ni Ara?" Sabi ko kay Angel at Ara na magkatabi lang kung saan ngumiti lang sila ng pagkalapad-lapad. "No doubt. Mag-best friends kayo."

"Paano mo nahulaan?" Tanong ni Ara.

"Duh? Obvious kaya. At saka tumahimik na nga tayo. Baka mabawasan pa mamaya ang score natin yan dahil maingay tayo." Sabi ko sabay tingin sa harapan para manood.

"So... Ayaw mong maging tayo?" Bulong ni Rick sa tainga ko.

Forever DestinyWhere stories live. Discover now