"Hindi naman. Tinulungan mo kasi ako at..." Tumingin siya sa akin. Hala ka... Ano ito? Lupa, kainin mo na ako. Hangin, please... Tulungan mo akong mag-vanish. Tiningnan ko siya at nakangiti siya. Oh my, ano ito? End of the world na ba? Or nag-hahallucinate lang ako? Tiningnan ko ulit siya. Pero hindi eh, totoo nga. Naka-ngiti siya. Ano ba 'yan? First day of school pa naman oh? May kung ano nang nangyayari. "You motivated me. Wala kasi nag-momotivate sa akin. Kahit dati. I'm thankful na nakilala kita- I mean, naging classmate kita." Sabi niya sabay ngiti at inabot kay Lucia ang papel na ipinakita niya sa akin at binalik niya ulit ang tingin niya sa akin. Okay? Weird. "Pero-"
Kriiiiiing~
"Okay class, pass your papers." Sabi ni Sir Jerry.
"Haha... Time na. Thanks Ann." Sabi niya sabay ngiti. Ang cute niya pala kung nakangiti ano? Aish! No, Ann! NO! Kay Saphie siya. Kay Saphie. Okay? Okay. Hay... Ano ba 'to? Did I just fell in love with his smile? Ugh!! Lupa, eat me now!
"Ahem! Tapos ka na ba sa pag-dedaydream?"
"Haha. Lucia. Nakakatawa ka. Daydream ka diyan. Natulala lang sandali. Daydream agad?"
"Sorry naman." Sabi niya pero nakangiti pa ng nakakaloko.
"Tara na nga!" Sabi ko sa kanya at hinatak na siya pabalik sa upuan namin habang siya, tawa pa rin ng tawa. Hay... Ano ba kasi sasabihin nun? Nabitin tuloy. Hindi naman 'yun big deal diba? Pero bakit? Ugh! Ano ba yan? Panira kasi si Sir ah!
Nakabalik na kami sa upuan nang may lumapit.
"Hello. Dito muna ako. Okay lang? Mainit kasi doon. Magpapahangin lang ako. Btw, ako nga pala si Rick. Rick Imasa."
"Sure." sabi ni Lucy. Nag-chit chat lang kami with him. Mabait pala ito. Ang daling makasundo at palabiro pa. Nang nakaramdam ako ng sort of pagkabagot, I say hello to my book. Busy ako sa pagbabasa nang naramdaman kong tumahimik na sila. Pagtingin ko, si Lucia ay nagbabasa na sa eBook at si Rick? Ewan.
"Ay bakla!!!" Napasigaw ako. Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kapag ginulat ka?
"Haha... Sorry. Sabi kasi ni Lucia gulatin raw kita." Sabi niya sabay tawa niya at si Lucia ay nakitawa rin.
"Ahh... Ganoon pala ha?" Sabi ko sabay kiliti kay Lucia.
"Huy! Haha-Tama na. Uy! Ann. Teka- Tama na..." Haha... See that? That's revenge.
"Haha... Ang cute niyo tingnan." Sabi ni Rick at kiniliti niya ako sa tagiliran kaya hinabol ko siya. Nagtakbuhan lang kami sa classroom hanggang sa naabutan ko siya at sinubukan ring kilitiin pero hindi ko talaga kaya dahil pinipigilan niya ako. Ang lakas kaya niya. Hindi naman kaya 'yan ng powers ko.
"Uy! Grabe ka... So, kailangang kilitiin? Grabe ka..." Sabi ko habang pinipilit ko pa rin siyang kilitiin at pinaghahampas ko siya ng kamay ko.
"Uy! Nandiyan na si Ma'am!!!" Sigaw nung kaklase naming Cris Rio ata ang pangalan. Agad-agad naman kaming bumalik sa mga upuan namin. Bago pa tuluyang makapasok si Ma'am, I mouthed Rick these words: "Humanda ka mamaya." And he just chuckled. Oh, Gosh! His Nerves... Ugh!
"Uy! 'Wag mo namang seryosohin. Ikaw eh, siniseryoso mo lang kasi palagi. Cool down... Your heart... Inhale... Exhale..." Sabi ni Lucia, at sumensyas pa na parang nag-iinhale exhale siya. Hay... Kung hindi ko lang mahal itong babae na ito, hindi ko ito paniniwalaan.
"Okay. So class, I am Miss Julie Manzano and I will be teaching English 1. So before we start our class, I would like to group you by row. So paganyan siya," Sabi ni Ma'am sabay turo ng rows at sa kasamaang palad, kagrupo namin ni Lucia si Rick. "Go to your groups now, and I will explain to you what you are going to do." At ginawa nga namin. Teka lang, pansin ko lang ha? Bakit ang hilig ng mga teachers namin ng group activity ngayon?
"So class, gagawa kayo ng role play sa kung anong natutunan niyo last year."
"Kahit ano lang po, Ma'am?" Tanong ni John Shedad.
"Yes po." Sagot ni Ma'am. Ang hinahon naman ni Ma'am. Ang ganda niya tuloy tingnan, physically and mentally.
"Hoy!" Sabi nung Rick sabay sundot sa tagiliran ko. Wait, nakakarami na ito ha?
"Hoy hoy ka diyan. May pangalan ako, noh?" Sabi ko sa kanya sabay irap.
"So paano na 'yan guys? Sinong gagawa ng script?" Tanong ko sa mga kagrupo kong sina Lucia, Yuzuki,Ronnie ...Rick, at yung mga bago pa naming classmates na sina Angel Lay, Vince Boromeo, at Ara Mina.
"Ikaw na lang, Ann." Suggest ni Yuzuki. Seriously? Ako? I'm no good in grammar.
"Ay tama! Ikaw na lang na talaga, Annie!!" At ginatungan pa ni Lucia na sinang-ayunan ng lahat? Parang hindi kasi lahat eh, may isang lalaki kasing mahilig mangiliti ang hindi umimik.
"Ikaw?" Sabi niya. "Sige, ikaw na lang. Mukhang matalino ka naman eh." Aba Aba. Parang walang bilib 'to sa powers ko ah. Humanda ka. Ipapakita ko sa'yo.
"Oo naman, Rick. Matalino kaya siya. Siya kaya ang nagturo sa amin kanina sa Math. Siya nga halos ang sumagot ng lahat ng items eh." Hay... Thanks Ronnie... Na-flatter naman yung heart ko. Pero grabe naman. Hindi naman ako sumagot ng lahat. Kayo kaya sumagot. Tumulong lang ako.
"Okay." Ang sabi na lang ni Rick. At nag-simula na akong gumawa ng script. Pero clueless ako kung ano ang ilalagay. Ang dami kasi namin tinackle last school year eh. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta kay Ma'am.
"Ma'am, kahit ano lang po ang i-role play namin? Puwede po bang story na lang po like Helen of Troy po?" Tanong ko kay Ma'am.
"Yes, basta na-tackle niyo last school year."
"Sige po Ma'am. Thank you po." Sabi ko and bumalik ulit ako sa upuan ko.
"Anong tinanong mo?" Tanong agad ni Rick nang makabalik ako. At ba't atat to? Binalewala ko na lang siya. Bahala siya riyan dahil hindi ko siya kakausapin dahil itinuon ko ang atensiyon sa pag-susulat ng script and matapos ang ilang minutes, I'm done!!!
"Done!!!" Announce ko sabay inat ng arms ko.
"Patingin nga." Sabi ni Rick na nakaupo na pala sa tabi ko at hinablot ang papel mula sa pagkakahawak ko at dahil mahal ko ang reflex action ko, hinbalot ko ulit pabalik mula sa kanya ang papel.
"Usong magpaalam." Sabi ko na lang...
"Hay... Ano ba 'yan?" Sabi niya sabay tingin sa papel na hinahawakan ko. More like ang lapit na ng mukha niya sa tenga ko that ma-feel ko na ang breath niya. He's so close.

YOU ARE READING
Forever Destiny
General FictionForever? Naniniwala ka ba dun? Eh, ang destiny? Naniniwala ka rin ba? Eh paano kaya kung mangyayari na ang inaakala mong nakatandhana para sa iyo na nangako ng forever, ang siya palang mananakit sa iyo? Or worse, ang iiwan sa'yo at...