"So... Ayaw mong maging tayo?" Bulong ni Rick sa tainga ko. Hindi ko namalayan na katabi ko pala 'tong mokong na ito.
Hinarap ko siya. "Oo." Confident kong sagot.
"Bakit?" Tanong niya na medyo na-hurt. Ano bang problema nito?
"Kasi gusto ko lang. Bakit ba?" Pasinghal kong sagot sa kanya.
"Just wait and see. Magiging akin ka." Huh? Ano daw? Sa kanya?
"In your dreams, Rick. At papaano mo masasabing magiging sa iyo ako? Eh, kakakilala pa lang natin?"
He laughed. "Basta. You'll see. You'll be my girl." Kumunot noo ko sa sinabi niya. Ano daw? His girl? Is he insane? At tumawa lang ulit siya sabay pitik sa noo ko kaya napahawak tuloy ako doon nang wala sa oras.
"Aray naman! Are you mad?" Reklamo ko sa kanya.
"No. I mean, yes. I'm mad. I madly fallen for you." Sabi niya habang nakangiti pa. At dahil doon, napanganga ako.
"Close your mouth, Love, or I will recite 'The Old Woman Who Swallowed A Fly'." Sabi niya sabay tingin sa harapan. Teka lang. Linya ko 'yun kanina ah! At. Tinawag niya akong 'Love'? Totoo ba ang narinig ko?
"Huy! Ayos ka lang ba? Namumula naman ang pisngi mo eh. Ano bang nangyari? May sinabi ba si Rick sa iyo kaya't nagkaganyan ang pisngi mo? Waeyo?" Nagulat ako nang biglang nagtanong si Lucia at kinorean niya naman ako. Haay... Laganap na ba sa world ang K-pop fans? Hindi ako na-inform. Well...
"H-huh? W-wala. A-at s-saka namumula ka diyan. Hindi kaya!" Sabi ko sa kanya. Totoo bang namumula ang pisngi ko? Kaya tiningnan ko kaagad sa salamin ang pisngi ko at shems... Parang nagkaroon ako ng instant blush-on.
'Walang hiya ka Rick!!! Humanda ka! Balang araw makakaganti rin ako sa iyo. Humanda ka!!!!' Sinabi ko yan sa isip ko habang naka-death glare kay Rick.
"Hoy!" Nabaling naman ulit atensiyon ko kay Lucia nang pinitik niya ang noo ko. Ano bang mga problema ng tao ngayon ba't ang hilig-hilig nilang pitikin ang noo ko ngayon? "Maawa ka naman kay Rick, Ella. Baka matunaw 'yan sa death glare mo."
"Paki ko ba sa kanya! Nakakainis na eh."
"Haha... So, may nangyari nga kanina? Ano 'yun? Spill it. Please..." At nag-puppy eyes pa.
Kriiiiiing~
"Okay, class. Let's end up here. Ilang grupo na lang ang hindi pa nakakapag-perform?"
"Dalawa na lang, Ma'am." Sabi ni Ara. Mabuti pa siya. Alam niya. Eh ako? Hindi. Nakakainis kasi yang Rick na yan. Hindi ako nakapag-participate sa klase. Nakakaimbyerna.
"Okay. So, Class? Dismiss." At lumabas na si Ma'am. At wala pang limang segundo magmula nang nakalabas si Ma'am ay kinulit na ako ni Lucia.
"Ella, ano nga kasi ang sinabi ni Rick?" At talagang big deal ba ito sa kanya?
"Gusto mong malaman kung ano ang sinabi ko sa kanya?" Biglang sumulpot ang lalaking nakakainis.
"Uy, Rick! Haha. Puwede? Ito kasing si Ella ay ayaw magkuwento eh." Hala? Ako pa ang ayaw magkuwento? Ikukuwento ko naman eh. Sadyang laging nasa bad timing. "Pero bago 'yan, saan tayo kakain?" Tanong sa akin ni Lucia. "Lunch na kasi." Pahabol niya pa.
"Sa canteen." Tipid kong sagot.
"Sa canteen?" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ulit siyang sumulpot. "Good. Sabay ako sa inyo. At saka ikukuwento ko sa iyo kung ano ang sinabi ko sa kanya." Nakatingin siya sa akin nang sinasabi niya 'yan at 'yung doon sa word na 'kanya' ay nag-wink siya sa akin or nag-hahallucinate na naman ako?
"Yes! Lunch na!" Napatigil siya sa pag-aayos ng mga gamit niya nang makita niya ako. "Oh? Anong nagyari sa'yo? Kakain na tayo. Konting tiis na lang at saka kasama natin si Rick."
"Edi kayo ang magsama." Sagot ko na lang.
"Ano ang ginawa ko? At saka kanina ka pa yata naiinis kay Rick ah. Ano bang ginawa sa'yo nun?"
"Wala. Nakakainis lang talaga siya to the point na ayaw ko siyang kausapin at makita. In short: Kinasusuklaman ko na siya."
"Kinasusuklaman ang alin?" At sumulpot naman po ulit siya at inaakbayan niya pa ako.
"Ikaw!" Sabi ko sabay tabig ng kamay niyang naka-akbay sa akin at sabay labas sa room. Narinig ko pa ang pag-chuckle niya. Hay naku... Kung hindi lang ako nakapagtimpi kanina, siguro nasapak ko na yun sa mukha.
"Oh? Ann? Bad trip ka yata?" Tanong sa akin ni Cielo nang makasalubong ko siya sa paglabas ko sa room. Tiningnan ko siya. "Ba't hindi kayo sabay na naglalakad ni Lucia?"
"Wala. Gutom lang siguro ako at saka wiling-wili naman ata siya sa kausap niya."
"Ah... Okay. Saan kayo kakain, Ann?"
"Sa canteen. Ikaw?"
"Puwede bang sumabay kami ni Arnold?" Sabi niya sa akin.
"Yeah, sure at nang hindi uminit ang ulo ko sa lalaking 'yun."
"Bakit? Anong ginawa niya sa iyo?"
"Ah. Wala. Nakakainis lang kasi siya. Paano ba kasi palagi akong inaaway. Kung siya awayin ko diyan eh."
"Haha... Ang cute mo pala kung naba-bad trip, ano?" Sabi niya pero hindi ko marinig nang maayos dahil focus na focus ako sa pagre-revenge ko at idagdag mo pa ang nadaanan naming mga estudyanteng maiingay.
"Ha? Ano ulit yung sinabi mo? Sorry. Hindi ko kasi narinig. Maingay kasi yung dinaanan nating mga estudyante kanina."
"Haha. A-ay y-yun? Wala. Ang sabi ko si ano. Si Arnold puntahan ko muna." Sabi niya. Ba't nauutal 'to?
"Ah. Sige. Sure. Kita na lang tayo sa canteen." Sabi ko na lang.
"Sige, Ann. Maya ulit." Sabi niya habang kinakaway niya ang kanyang kanang braso at nagsimula na siyang maglakad palayo. At nakikaway na rin ako. Wait. Teka. Ano bang ginagawa ko? Dali-dali ko namang ibinaba ang kamay ko at naglakad na lang ako ulit papunta ng canteen nang...
"Ay tipaklong!" Bulalas ko na lang dahil may demonyong lalaking gumulat sa akin. "Ano ba?!"
"Oohh... Chill lang... I'm not gonna eat you. Not unles, you want me too." Sabi niya sa akin sabay kindat. I just rolled my eyes then naglakad ulit. My nerves. Ewww.
"Anong problema ng friend mo?" Rinig kong bulong niya kay Lucia.
"Ewan. Hayaan mo na... PMS ata."

YOU ARE READING
Forever Destiny
General FictionForever? Naniniwala ka ba dun? Eh, ang destiny? Naniniwala ka rin ba? Eh paano kaya kung mangyayari na ang inaakala mong nakatandhana para sa iyo na nangako ng forever, ang siya palang mananakit sa iyo? Or worse, ang iiwan sa'yo at...