THE HEARTBREAKER TEAM Series
Book 4
Mr. DANCER BREAKER
by: Lhanz ArtemisChapter 1
Part 1"I love you Revin!"
Lumawak ang pagkakangiti niya nang marinig ang masiglang pagchicheer sa kanya ng mga fans niya nang mai-three points shoot niya ang bola sa ikalawang laro nila sa Basketball League na iyon.
It's a fake release actually. Balak nga sana niyang ipasa ang bola kay Grey ngunit mahigpit namang nakabantay dito ang bantay nito. Ganon din sa ibang kasamahan niyang sina Joru, Van at ang kambal niyang si Rowie. Wala tuloy siyang choice kundi ishoot ang bola sa ring tutal madali lang namang utuin ang bantay niya. Nakailang fake release na kasi siya dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natututo sa mga tactics niya.
"We love you Revin!"
Lumingon siya sa pinanggalingan ng mga sigaw na iyon. And like what he used to do, he waved his hand to say hi and gave them his sweetest and captivating killer smile.
"Kyaahhh!"
"OMG! OMG! Kinawayan niya ako!"
"Iihh! Ang gwapo niya talaga!"
Katulad ng dati, halos ay hindi na magkamayaw sa kakasigaw at kakatili sa matinding kilig ang mga babaeng fans niya. Kulang na lang ay mangisay na ang mga ito sa matinding kilig dahil sa kanya.
"Wala na bang bago sa mga ginagawa mo?" naiiritang tanong sa kanya ng kambal.
"Inggit ka lang." Natatawang itinuloy na niya ang pagtakbo papunta sa kabilang court upang dumepensa sa kalaban.
Katulad niya ay marami din namang nagkakagusto sa mga kaibigan at kasamahan niya. Ngunit sa loob ng court ay siya lang ang tanging pumapansin sa mga nagchicheer sa kanya. Hindi tulad ng mga ito na patay-malisya lang ang mga ito sa fans ng mga ito. Seryoso kasi ang mga ito pagdating sa loob ng court. They only focused their attention with the game. Unlike him, binibigyan din niya ang atensiyon at konsiderasyon ang effort ng mga fans niya sa pagsigaw at pagchicheer sa kanya. He's just being nice and considerate. Mahirap din kayang sumigaw.
Pumwesto na silang lima sa kabilang court habang hinihintay ang kanilang kalaban. He focused his eyes and attention on the ball dribbled by their opponent's point guard. Habang papalapit ito ay pinag-aralan niya ang galaw at ang paraan ng pagdidribol nito. Hindi niya inalis ang tingin doon habang mahigpit niya itong dinidepensahan. Ilang sandali pa'y lihim siyang napangiti nang maikabisado niya ang galaw ng mga daliri at kamay nito.
"May girlfriend ka?" nakangising tanong niya sa kaharap na lalaki.
"Kung meron, anong pakialam mo?" Halos ay hindi na maipinta ang mukha nito nang hindi man lang siya nito magawang lampasan. Well, he can't blame him. Sa higpit niyang dumepensa ay hindi man lang nito magawang ipasa ang bola sa mga kasamahan nito.
"Alam mo ba kung papaano siya protektahan?" pang-aasar niya.
"What are you planning to do Concha?" hindi maipinta ang mukhang tanong nito. Halata sa hilatsa ng mukha nitong asar na asar na ito sa kanya.
Lalong lumawak ang pagkakangisi niya sa sinabi nito.
"Kasi ang girlfriend, parang bola lang ng basketball iyan. Katulad nito." Mabilis niyang inabot ang bola. Walang kakurap-kurap na kinuha at inagaw niya iyon dito.
Napatili at napasigaw ang mga babae sa ginawa niya.
"Whaaahh! Go go go Revin!"
"What the!"

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...