抖阴社区

Chapter 10 (Part 1) - Cheated

1.6K 32 1
                                        

THE HEARTBREAKERS TEAM
Mr. DANCER BREAKER
By: Lhanz Artemis

Chapter 10
Part 1

“ARE YOU OKAY?”

Napasulyap siya kay Joru nang marinig ang tanong nitong iyon. Hindi na siya nagulat nang makitang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan niya nang nakakunot ang noo. Pag-aalala at matinding pagtataka ang nakalarawan sa mukha ng mga ito.

Napahikab muna siya bago sumagot. “Yeah, I’m fine. Why?”

“Anong why?” pinandilatan siya ni Grey. “Mukha kang bangag. Natutulog ka ba?”

“Uhmm.. Siyempre naman..” agad siyang nag-iwas ng tingin nang mapansing tila ayaw siyang paniwalaan ng mga kaibigan.

Well, honestly, natutulog naman siya. Konting oras nga lang. Palagi kasi silang namamasyal at nagfo-food trip ni Creine these past few days. Laging ganoon ang nangyayari sa mga oras na dapat ay nakalaan para sa pamamahinga niya. Kapag makakauwi naman sila galing sa pamamasyal, imbes na matulog ay nakikipagkwentuhan pa ang dalaga. So, he doesn’t have a choice but to stay awake kahit na sobrang antok na siya at kahit babagsak na ang talukap ng mga mata niya. That is the reason why he’s lacking of sleep these past few days.

“Eh paano, lagi silang magkasama ni Creine.” Sagot ni Rowie.

“Kaya naman pala.” Napailing-iling ang mga kaibigan niya.

“Aba, parang lagi na yata kayong magkasama eh. Minsan nga tinatawag ka pa niya kahit may practice tayo. Ganyan ba kayo ka-inlove sa isa’t-isa? Hindi niyo matiis na hindi makita ang isa’t-isa?” napailing-iling si Grey. “Magpa-miss nga kayo oy. Madali kayong magkakasawaan niyan.”

“Oo nga,” sang-ayon ni Van. “And one more thing, hindi man lang ba napapansin ni Creine iyang itsura mo? Aba, ang laki na ng eyebags mo pre.”

Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Creine o wala lang talaga itong pakialam tungkol sa bagay na iyon.

“Alagaan mo nga ang sarili mo. Magpahinga ka din. Huwag mong pagurin ang sarili mo. Hindi ka naman robot eh.” Si Joru. “We need you in the team Revin. Sakit ang aabutin mo sa ginagawa mo.”

Alam niyang labis na nag-aalala ang mga kaibigan niya sa kanya. Ngunit kahit anong gawin niya’y hindi rin naman niya kayang tiisin si Creine. Napabuga siya. “It’s ok, I can take care of myself.”

“Siguraduhin mo lang kundi lagot ka kay Ivo.” Pananakot ni Grey at inginuso ang paparating nilang coach.

“Yeah don’t worry I can handle it.” Nginitian niya ng pilit ang mga ito. Naiiling na nagtungo na ang mga ito sa gitna ng court upang simulan ang practice. Sumunod siya sa mga ito. Ilang sandali pa’y sinimulan na nila ang practice. Hindi pa man sila nagtatagal sa pagpa-practice at pagtakbo, pakiramdam niya’y nanghihina at pagod na pagod na siya. Hinihingal na napahawak siya sa mga tuhod at tinanaw ang mga kateam na nasa kabilang court na.

“Time out Team Bugoy!” napahinto ang lahat nang marinig ang sigaw ni Coach Ivo. Lumapit sila dito. “What’s the matter with you Revin?” Napalunok siya at pinanlamigan ng katawan nang titigan siya nito ng matiim. “Kasisimula pa lang ng laro pero mukhang hapong-hapo ka na. May problema ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” sunud-sunod na tanong nito.

“Wala coach.” Mahinang sagot niya.

“Then bakit ganon ang laro mo?” Pinag-aralan nito ang kabuuan niya. “Natutulog ka ba? Ilang araw ko nang napapansin na parang nanghihina ka at kulang sa tulog. For goodness sake Revin! The championship game will start on Saturday, ngayon ka pa nagkakaganyan!” Sermon nito.

THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon