THE HEARTBREAKER TEAM SERIES
Book 4
Mr. DANCER BREAKER
by: Lhanz ArtemisChapter 3
Part 2Kasalukuyan siyang naglalakad sa hallway nang marinig niya ang mga sigaw at tilian ng mga babae sa dulo ng hallway.
"Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo niya talaga!"
"Bakit kaya siya nandito?"
"Baka pupuntahan at susunduin niya ako."
"Assumera! Baka ako! Baka aanyayahan niya akong maglunch kasama siya."
She rolled her eyes when she heard their noise. Wala sana siyang balak alamin ang pinagkakaguluhan ng mga ito kung hindi lang siya binunggo ng mga babaeng nagmamadaling lumapit at nag-uunahang sumugod sa hagdan upang makiusyuso sa pinagkakaguluhan ng iba.
"Ano bang problema ng mga ito?" naiinis na tanong niya sa sarili at inayos ang backpack niya. Lumapit siya sa kumpulan ng mga babae. Sa dami ng mga nandoon ay malabong makakadaan siya doon. Breaktime na kasi nila kaya balak sana niyang pumunta sa canteen para magmeryenda.
"Grabe! Ang gwapo-gwapo talaga ni Revin!"
Awtomatikong napahinto siya sa paghakbang dahil sa narinig na pangalan. Ano daw? Nandoon si Revin? Anong ginagawa nito sa department building nila? Sa pagkakaalam kasi niya ay Political Science ang kinukuha nito. Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya pinuntahan siya nito doon?
"OMG! Hindi pwede!" Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumalikod siya at nagmamadaling bumalik sa pinanggalingan. Sa kabilang hagdan at exit na lang siya dadaan. Tila natatarantang bumaba siya ng hagdan. Halos ay takbuhin na niya ang kinaroroonan ng first floor. Pagkatapak na pagkatapak niya doon ay napasigaw na lang siya nang may makabungguan siyang lalaki. Sa lakas ng impact ng pagkakabungguan nila ay matutumba na sana siya kung hindi lang naging maagap ang lalaki. Mabilis nitong nahagip ang baywang niya. Sa takot na matumba siya ay hinihingal na napakapit siya sa damit nito. Ang pagkakadikit nilang iyon ay nagdulot sa kanya ng katakot-takot at kakila-kilabot na pakiramdam. Bigla siyang pinanlamigan ng katawan. Mas malala pa nga ang kabang nararamdaman niya ngayon kaysa sa pagtakas niya kay Revin.
And speaking of Revin. Napalingon siya sa kanyang likuran at sa taas ng hagdan Walang senyales na nasundan siya doon ni Revin. Halos ay nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
Napabuga siya at napaharap sa lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ang mukha nito ng hood ng suot nitong dark blue na hoodie jacket. Nang mapansin niya kung gaano sila kalapit sa isa't-isa ay bigla siyang pinamulahan ng mukha.
"Thanks and sorry.. Nagmamadali kasi ako.." Naasiwang sabi niya at akmang lalayo sana siya dito ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang imbes na bitiwan siya nito ay lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang niya. He even wrapped and snaked his another arm around her small waist. "H-Hey!" natatarantang pilit niyang itinutulak ito palayo sa kanya. "Bitiwan mo ako! Ano ba!" Ngunit tila kahit anong gawin niya ay wala itong balak na bitiwan siya. "Bitiwan mo ko! Dahil kung hindi makikita mo, tutuhurin kita! Manyakis ka!"
He giggled. Ang hayop! At may gana pa siyang tawanan!
"Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Why don't you just enjoy it? Hmm?"
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Iyon ang gusto niya? Anong kagaguhan at kaengklongan ang sinasabi ng hudyo at manyakis na ito? Nang makita niya ang pagngisi nito ay lalong sumidhi ang takot na nararamdaman niya. It feels like this guy will do something to her. At nababasa niya sa ngiti nitong iyon ang masamang balak nito. Dahil sa matinding takot nang mga oras na iyon ay pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito. But he's just too strong compared to her. Lalo na at nanginginig at nanghihina siya sa kaba.

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...