THE HEARTBREAKER TEAM Series
Book 4
Mr. DANCER BREAKER
by: LhanzChapter 6
Part 1"Is there something wrong Revin baby? Revin? Revin!"
"Huh?" nagtatakang napasulyap siya sa babaeng katabi niya nang pumitik ito sa harap ng mukha niya. Nang mga oras na iyon ay nasa Tourism Building siya at nakikipaglandian sa mga babae doon.
"Kanina pa ako salita ng salita dito but you're not even listening at all. Mukhang wala ka sa sarili mo. Is there something bothering you?" lukot ang mukha at naiiritang tanong nito.
"Wala naman.." Ahh.. ano na nga ulit pangalan nito? Kate? Cassie? Kris? Agad niyang ipinilig ang ulo. Ano nga bang paki niya sa pangalan nito. Actually, kanina pa siya nito nilalandi pero yung isip at atensiyon niya ay wala dito at sa paligid niya. Tila nililipad ng hangin ang isip at ang buong sistema niya. Wala nang naging laman ang utak niya kundi si Creine. Pesteng buhay to.
Kanina, kating-kati siyang pumunta sa building na iyon at gawin ang mga bagay na nakagawian at nakasanayan niya. Ngunit ngayong nandito na siya, bigla siyang nawalan ng gana. He's been like this, these past few days. At ang labis na nakakabahala, wala siyang ibang inisip kundi si Creine. Peste talaga. Dapat na ba siyang mabahala sa mga ikinikilos niya? Hindi na kasi siya normal. Hindi naman siya ganito dati. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
He frustratedly gripped his hair. Naiinis na ginulo-gulo niya iyon.
"What's wrong? Are you ok?" nag-aalalang tinitigan siya ng babae. "May problema ba?"
"Wala." napabuntong-hininga siya. Tumayo siya at isinukbit ang bag sa balikat. "I need to go."
"But Revin! Hindi pa tayo tapos!" maktol nito ngunit hindi na niya ito pinansin.
Nagpatuloy siya sa paglalakad na tila ba walang narinig. Tila may gusto siyang gawin ngayon at hindi niya mawari kung ano iyon. Nagkibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad nang walang patutunguhan. Ilang sandali pa'y namalayan na lang niya ang sariling nakatayo sa building ng HRM department.
Wait.. Anong ginagawa niya doon? Ano namang gagawin niya sa building na iyon? Bakit sa dinami-dami ng lugar sa university, bakit doon pa siya dinala ng paa niya? Tss.. Nakakaiis. Nagiging unpredictable na siya. Naguguluhan na siya sa sarili niya. Hindi na niya alam kung ano ang gusto niya.
Napabuga siya. Balak na sana niyang humakbang palayo nang mahagip ng mga mata niya ang babaeng gumugulo sa isip niya. She's walking at the corridor of the building's third floor. Nanatiling nakasunod lang ang tingin niya dito. He only stand there watching every move she make.
Ilang sandali pa'y napansin niya ang bandanang suot nito sa ulo.
"I already told her to remove that cloth in her head. Tss.. Stubborn girl.." Napailing-iling siya.
Ilang sandali pa'y hindi na niya napigilan ang sarili. Agad niyang idinial ang number nito habang nakatutok pa rin ang tingin niya dito. Nakita niyang huminto ito sa paglakad habang dinudukot ang cellphone sa bulsa. Nang makita nito ang screen ng cellphone ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito. Lihim na lang siyang napapangiti sa nakikitang reaction nito. Nang may maisip siyang kalokohan ay napangiti siya ng nakakaloko.
"Hello Revin?"
Tumikhim siya. "Hi beautiful!" Muntik na siyang matawa nang makitang lalong lumawak ang ngiti nito. Halatang kinikilig ito. Tss.. Itong babaeng ito talaga.. Masyadong halatang patay na patay sa kanya.
"Heh! Bunny, boleks ka talaga! Suntukin kita diyan eh!"
"Sus.. Gustung-gusto mo naman.." nakangiting sagot niya.

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...