抖阴社区

Chapter 2

180 11 1
                                        

[Worlds Apart]

Polaris' POV

"Balita ko back to each other's arms na raw si Ax at Aquarius" bulong ni Jovi na umagaw sa aking atensyon.

"Nagbalikan, talaga?" di makapaniwalang tanong ni Neptune.

I kept listening for whatever reasons.

"Speaking of the rumored couple" pabulong na sabi ni bakla.

Sinundan ng aking mga mata kung saan siya nakatingin. Then, I saw Herseus walking alongside with Aquarius. Walang emosyong nakalitaw sa halimaw habang panay ang ngiti ng kanyang katabi.

As I stare at them, I pictured out something strange. Sa halip na si Aquarius ang makita kong kasama ni Herseus, sarili ko ang nakita ko.

Kumalabog ang aking puso sa kabaliwan. I blink so many times to make everything clear for me. The real scene is back again. Bago pa ko makapag-isip ng kung anu-ano, ibinalik ko ang tingin sa binabasang libro.

Neptune and Jovi resumed talking while I continued reading. Ilang minuto ang lumipas nang tinigilan ko ang ginagawa. Wala rin kasing silbi dahil wala akong maunawaan. I already lost my focus because of the silly illusion I had a while ago.

"Sissy!" sabi ni Neptune at marahang tinapik ang aking braso.

I turned to look at her.

"Okay ka lang?" she worriedly asked.

Nakangiti akong tumango para paniwalaan nila ngunit nanatiling kunot ang kanilang mga noo.

"Ba't ka tulala kung ganoon?" nagtatakang sabi naman ni Jovi.

"I was thinking" tipid kong sagot.

"Of what?" halos sabay nilang dugtong.

Herseus Xander

"Schoolworks" I lied.

Bago pa sila lalong magtanong, nagpaalam na akong aalis. Susunduin ko pa kasi ang mga kapatid ko dahil wala na rin naman akong papasukang subject para sa araw na ito.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw si Herseus. He was just nearby but for me, he feels so far. Para siyang isang talang hindi ko maabot anuman ang gawin ko. Deep down, my heart ached.

I mentally scolded myself because of welcoming another batch of absurd thoughts.

Sagad sa buto ang inis ko sa kanya kaya malabong-malabo na magustuhan ko man lang siya. This day is weird! Maloloka na yata ako.











Ax' POV

"You are my princess" I told her as hand to her a single red rose. Napitas ko ito sa hardin namin sa mansyon.

"Alamat pero di mo ko pede maging... prin-cess" nakalabing saad niya.

I smirked. Sa wakas, nakuha niya ang pagbigkas ng 's'. ... kaso minsan sumasablay pa siya.

"Bakit naman? May iba kang prince?" Nakabusangot kong tanong.

"Di ganon. Prin-se-sa na kasi ako ni papa" nakayukong sabi niya habang inaamoy-amoy ang rosas na bigay ko.

"Pano yan? Mom told me we're too young to call you my queen" napakamot kong sabi.

Inangat niya ang kanyang ulo, nagningning ang mga mata niyang tinititigan ang mukha ko. Bibo ang nakita kong ngiti sa kanya. Inabot niya ang kamay niya.

"I-promise mo yan sa akin. Pinky wear tayo" she demanded while her hand is in front of me.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

Until The Magic DisappearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon