[Cheers to Moving on or Getting Stuck?]
Polaris' POV
Nakaupo ako sa malaking sanga ng acacia. Tanda ko pa na rito kami madalas noon ng mga kapatid ko. Iyon nga lang, napapadpad lang kami rito kapag bumibisita ang buong pamilya sa Camiguin kung saan nakatira ang mga magulang ni Mama Mars. The place was a breath of fresh air for our family.
Nang magawi ang aking tingin sa kaliwa ay doon ko lamang napansin si Niko sa aking tabi. I reached for his hand. Napakunot ang noo ko.
Bakit malamig?
"Now that's all is over, are you happy, ate?" seryosong tanong nito.
Natigilan ako nang madama ang pagsikip ang aking dibdib.
"Am I happy?" I mumbled.
Sa muling pagbaling ko, hindi na ang nakaupong si Niko sa sanga ang nasilayan ko. What I saw is his lifeless body hanging by the rope. Nagsimulang manginig ang aking katawan at narinig ko ang pinakamasakit na hagulhol na nagmumula pala sa akin.
"Niko!" histerikal kong hiyaw saka napabalikwas ng bangon.
Bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha nina Nike at Nikey. Their eyes were teary while mine was already letting tears flow alike a never stopping stream. Mabilis kong pinalis ang akin ngunit huli na dahil gumuhit ang pait sa kanilang mga mata. Sabay nilang niyapos ang aking bewang.
"Huwag ka mag cry, ate. Okay na si kuya sa heaven. Doon wala ng mananakit sa kanya." pag-aalo ni Nikey.
"Andito pa kami. We won't ever leave you." dugtong ni Nike.
She felt her heart melted. Their tender words triggered her tears more kahit balak niya sanang pigilan na ang pagtangis. She wanted to be strong for her siblings but it turned out that she was actually the one needing their strength at the moment.
Bumukas ang pinto at kapwa sila nagkagulatan ng kanyang Mama Mars at Papa. She bit her lip as she forced her mind to think on how to get out of this awkward emotional moment pero napagtanto niyang hindi masamang magpakita sa mga ito ng kahinaan. She remembered that parents loved it too when they are needed by their children.
"Anong tinitingin-tingin nyo dyan, pa? Will you please join our group hug." udyok ko na madali naman nilang pinaunlakan.
The warmth of my family's embrace soothed my inner demons. Desidido na akong labanan ang sakit na dulot ng trahedya ng nakaraan. They are worth the fight for me to live on.
Sa totoo lang, hindi ko pa kayang pakawalan ang guilt ko sa pagkamatay mo, Niko. I still don't think I deserve to be happy knowing you lost your chance because I made a desperate choice to turn back time... but I do not want to waste this lifetime drowning myself in misery because you would hate me if I'd ever do that, won't you?
>>>>>>>
Nangangatog ang aking mga tuhod. Kumakabog ang puso ko na tila sasabog na. Pinapapawisan din ako ng sobra. Daig ko pa ang haharap sa job interview.
Hay, gwapong halimaw! How could you still affect me so bad?
Akmang kakatok na sana ako sa pinto kung saan siya naka-confine nang may kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Sa aking paglingon, sumalubong sa akin si Lan na alanganin ang ngiti sa labi.
"Pola, now is not a good time. Bumalik ka na lang sa hapon." maagap niyang sabi ni ayaw salubungin ang titig ko.
"Bakit?" May itinatago na naman ba kayo sa akin? Lan, may hindi ka ba sinasabi sa totoong kondisyon ni Herseus?" prangka kong usisa.

BINABASA MO ANG
Until The Magic Disappears
FantasyAng bawat paggamit ng itim na mahika ay may kapalit.