[Grievance]
Polaris' POV
We walked on the hallway ignoring the stares people were giving us. Medyo hindi rin ako kumportable sa kamay ni Franco na namamahinga sa aking beywang. Sa tuwing lilikha ako ng distansya upang maalis ang kanyang pagkakahawak ay hinihila niya lamang ako pabalik. I could not blatantly protest against him, too. Siya ang dahilan kung bakit umuurong ang ibang nais magtangkang mang-alipusta sa akin. I had to oblige to his requests.
Nakahinga na ako ng maluwag nang makarating kami sa parking lot. He remove his protective hold when nobody was in sight. Subalit, may bakas ng inis ang tingin niya sa akin marahil sa mga pagtutol ko kanina. I pretend to not notice it though I doubt that he would be convinced by that.
I am too transparent to Franco. Siguro magaling siyang kumilatis kahit sino pa yan kaya talagang kabado ako. Sa tingin ko ay di ko siya malulusutan.
"Don't mind others, Pola. Ilang beses ko ba sasabihin yan sayo?" he reprimanded lowly.
"It's hard! Everybody is creating different speculations. Nahihirapan ako lalo at hindi ako makapagbibigay ng sagot kapag malalapit na kaibigan ko na ang nagtatanong." pahayag ko ng saloobin.
Totoo naman. Mas lumala ang samu't saring chismis pagkatapos kumalat ang usapin tungkol sa amin ni Herseus. Dahil sa pagpapasya kong tanggapin ang tulong ni Franco ay nabaling sa aming dalawa ang kontrobersiya. Naging mas masama lamang ako sa paningin ng mga elitista porke gold digger, social climber, ambisyosa, ilusyonada at kung anu-ano pa raw ako. The only good thing is, I got to turn away their prying eyes from Herseus.
Napailing ako sa naisip. Sa dami ng nangyari, siya pa rin ang inaalala ko. I am this hopeless!
"Fine! Just do better." he demanded.
Naunahan niya pa ako sa pagbukas ng pinto sa kanyang kotse. I sighed because of his reluctance to be a gentleman so contradicting to his actions in the past. Pumasok na lamang ako at ginawaran siya ng ngiti. Hinintay ko siyang makapasok sa kabila upang makaalis na kami.
Sandali ko siyang tinitigan habang naaalala ang galit na kinimkim sa kanya noon. I began to hate him because he looked down to scholars like me. Sadya talagang mapagbiro ang tadhana dahil ngayon wala na akong makapang poot.
Is it because I'm too tired of feeling anything or did I really forgive him easily?
Isang misteryo rin sa akin ang kanyang ginagawang pagtulong. Nababahala ako na may iba siyang motibo para gawin ito. Hindi ako handa sa kung anumang binabalak niya dahil sa totoo lang pagod na akong lumaban. I had enough sorrows to last me a lifetime.
"Kanina ka pa nakatitig? What's on your mind?" Franco asked pulling me out from trance.
Nasa akin na ngayon ang buong atensyon niya. Namula ako dala ng naramdamang hiya. Dali-dali kong iniwas ang mga mata at ibinaling ito sa windshield. I did not notice that I was staring longer than I intended to.
"Still wondering if when you would probably dump me in the gutter." mahinang usal ko na sapat para umabot sa kanyang pandinig.
He maneuvered the car expertly and drove it away from the university. Itinuon ko naman ng tuluyan ang aking paningin sa dinaraanan ng sasakyan.
"You will never stop doubting me, huh?" he casually said.
"Your intentions were never clear so what do you expect me---" pinutol niya ang pagsasalita ko.
"I like you so bad ---- no, fuck that. The truth is, I love you. Is that enough reason?" prangka niyang pag-amin.
I opened my mouth to speak yet no words came out. Lumiko ang sasakyan sa tabi upang maharap niya ako ng maayos. My fist landed on his chest the moment the car stopped. Parang balewala lang ito sa kanya at seryoso akong tinitigan.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" I yelled.
"I do. I am sure I love you." kalmadong giit niya.
Umiling ako ng makailang beses. Sumasakit ang ulo ko kaiisip kung bakit ganito niya basta-basta binibitawan ang napakabigat na mga salita. He is being mindless, a side of him that I did not expect he has. Idagdag pa ang pagpapahayag niya ng pag-ibig. Even the SCU students know he isn't into love. Simula nang mag-aral ako sa naturang unibersidad, wala pa akong nababalitaan na nagseryoso siya sa isang babae o pumasok sa isang relasyon.
"Nababaliw ka na ba? Ilang araw pa ang lumilipas magmula ng magkalapit tayo, mahal mo na ako agad?" halos matawa na ko sa sobrang impossible ng pinagsasabi niya.
"I love you even before I started getting close to you, Pola." he is like pouring his own heart with the way he speaks.
"Tigilan mo nayan, Franco. Hindi ka na nakakatuwa." I dismissed knowing he won't lose this argument.
"How dare you question my love for you? You think it's shallow? Paano naman ang nararamdaman mo kay Ax? He is in relationship with Aquarius yet you love him still? Sino ang totoong baliw sa ating dalawa?" panghahamon niya.
Unang banggit pa lang sa taong mahal ko, natamaan na ako sa mga sumbat niya.
I closed my eyes, relishing the pain like a masochist. No matter how I attempt to hide my feelings, my eyes always betray me. Masyadong kumbinsido si Franco na umiibig ako kay Herseus.
Hindi pa ba sapat na tama siya at kailangan niya pa talagang isampal ito sa mukha ko?
"Ewan ko sayo, Franco. Bukas na lang tayo mag-usap." sabi ko, akmang lalabas na sa kanyang kotse.
I cannot confront any of these petty issues. It's too exhausting.
"He f*cking forgot about you so why are you still madly in love with that asshole?" his words immobilize me.
Nanginginig ang buong katawan ko habang prinoproseso ang kanyang pang-aakusa. Kapwa kaming nagulat sa sinabi niya.
How did he know?
Sa pagkakatanda ko, hindi siya sangkot sa mga pangyayaring nabaon na kung saan. He was never a confidant to our secrets. Katulad lamang siya ni Levy at Venus na walang kaalam-alam sa mga buradong alaala o akala ko lang ba iyon?
"Let me explain." he said as he tried to hold my arm.
I angrily whisked it away. Para na akong masisiraan ng bait sa sangkatutak na posibilidad na naglalaro sa isipan ko. Napupuno ako ng muhi sa kanya at lalong lalo na sa aking sarili.
Siya ba si Miguel na nagtatago sa katauhan ni Franco? Siya ba ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko? Siya ba ang puno't dulo ng lahat ng pagdurusa sa buhay namin?
"Damn you, Franco! Sino kang gago ka?" I shouted while on the verge of crying.
"I would have tell you who I really am on the right time. Hindi ko gustong ipaalam sayo sa ganitong paraan." pagsisikap niyang magpaliwanag kahit malabo na para ipaintindi ito sa aking napupurol na utak.
"B*llshit!" I cursed losing all my morals.
"Explaining won't work seeing how emotions are overpowering you. I'm sorry but I have no choice but to do this." he stated vaguely.
Huli na para makaangal. Inilapit niya ako sa kanya at niyakap ng kay higpit. He whispered incoherent words on my ears. Abruptly, I was swept into a distant painful memory of the past.

BINABASA MO ANG
Until The Magic Disappears
FantasyAng bawat paggamit ng itim na mahika ay may kapalit.