抖阴社区

Chapter 18

65 1 0
                                    

[A Sad Goodbye]

Ax' POV

Mabagal ang pagdaan ng oras sa mga nagdaang araw mula ng gabing nakita namin si Niko... na ganoon ang kalagayan. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang wala na siya at magpapaalam na kami sa kanya sa huling pagkakataon. Parang kailan lang magkasama kami habang hinihintay nilang magkakapatid na matapos ang huling klase ni Pola.

I just met them recently by fate. Hindi ko ugaling makipagkaibigan kahit pa sa bata kaya nanibago rin ako sa ikinilos ko ng araw na iyon. Maybe they just reminded me of Andrew, the younger brother of Aquarius. Pero iba talaga ang dating nila sa akin. It sounds crazy to say that I am fond with the boys because they are important to somebody who means a lot to me.

Importante sila sa kanya kaya natural lang na importante sila sa akin?

It bothered me to have this kind of sickening thought. May nobya ako tapos ito ang takbo ng aking utak. Tinutumbok nitong mahalaga sa akin si Polaris samantalang hindi naman dapat.

I keep trying to convince myself that she is someone I do not care about yet here I am everyday in her house. Dinaig ko pa ang isang matalik na kaibigan para makiramay sa lamay gabi-gabi. Para nga akong tanga rito na tumatayong kamag-anak upang tumulong sa pag-aalo kay Nikey at Nike. Kung di pa kailangan pumasok sa klase ay di ako aalis.

Maybe this is all because we both saw it. Kami ang unang nakakita sa kinahinatnan ng kanyang kapatid na gabi-gabing bangungot para sa aming dalawa. Kung sana ako lang ang nakakita para mag-isa ko iyong papasanin. I blame and hate myself for letting Polaris see it even for a second.

Nababaliw na yata ako. Kailan pa ba ako nagkaroon ng pake sa iba? Ang nakabobo pa, guilty ako sa nangyari kahit di ko iyon kagagawan!

The sight of Niko in that house... was infuriating. Sa sobrang galit at pagngingitngit, gusto kong patayin ang maysala. I was livid before I saw the look on Polaris' face. Nakapanghihina. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ng galit ko maski ako mismo.

Napapikit ako nang muling maalala ang hinagpis sa kanyang mga mata at pait sa kanyang tinig habang umiiyak sa mga bisig ko. I was as helpless as she is. Wala akong kontrol sa buhay at kamatayan o kahit kakayahang pawiin ang sakit na nararamdaman niya. Her brokenness that day broke me. Nang magmulat ako ay napatanaw ako sa paligid. The grassy ground of the cemetery seems to carry us and our sorrows. Muling dumagundong ang kulog habang kasalukuyan ang pagdaraos ng libing. Nakasilong sa kanya-kanyang payong ang karamihan habang umaambon. Marahil ay nakikiramay ang panahon sa amin. Makulimlim ang langit na senyales ng paparating pang pagbuhos ng mas malakas na ulan.

Ang pagkakaiba ng kulay puti at itim sa kasuotan ng nakisipagburol ang tanda na totoong wala na si Niko gaano man ito ikaila. Hindi ito isang okasyon na mapauunlakan ng saya at kapilyuhan. Isa itong pamamaalam na wala ng susunod na pagbati.

I was close to Andrew for quite a long time while Niko has been there for let's say few weeks. So, why the heck it hurts just the same? No sh*t. It hurts even more to think about it and to realize saving him was beyond my capability. Talagang nahuli kami ng dating dahil wala kaming kamalay-malay sa mangyayari. Or worse, if I did not approach Polaris, she would have gone alone. Iyon ang di ko maaatim. I rather take the burden of carrying the memory of Niko that night just so I could be there for her.

Pinagmasdan ko ang litrato ng nakangiting si Niko na may kagalakan sa nangungusap na mga mata. Medyo nahihiya pa ang kanyang tindig at mamula-mula ang magkabilang pisngi. That was a rare one. Parati kasing seryosong ekspresyon ang nakaguhit sa mukha niya. Parating tipid na ngiti ang ibinibigay niya, di tulad ng nasa litrato ngayon.

Until The Magic DisappearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon