Sumapit ang Birthday ko nun Dec 12 2013 di sinasadya na sanay ihahatid ko lamang sya sa kanto ng bahay nila ng makita kami ng ama niya,pinag-mano nya ako at wala na syang nagawa kundi ipakilala ako.At aksidente nakita ko rin si Resselle ang sumunod na nakababatang kapatid ni Jenet na magandang nakitungo sakin.kayat naipakilala rin ako sa buong pamilya, maging sa mga pinsan at mga tita at tiyuhin at sa kanyang hipag na si ate Bek.nagpa inom ako at nagpa pulutan bilang selebrasyon narin ng aking ika 33th birthday.
Ate Bek:(asawa ni Isot ang kapatid na lalaki ni Jenet) ahh ikaw na pala yan.alam mo kinukuwento ka samin ni Jenet, may crush daw sya noon teacher yung nagpupunta kina Mrs.Nash at nagtuturo sa tatlong anak nun.
Ako: ah talaga,(at di ako na ngiming ipakita ang pagkatuwa ko)
Reselle: ang bait mo pala sa personal.
Ako: (nagpakita ng kilig) Uy thank you!bakit ano ba akala mo?
Reselle: muka kang playboy sa picture eh. Natandaan mo pa ba nung chinat kita?
Christian:haha okay lang yun marami talagang puedeng magkamali sa pictyur.
Christian: ako naman akala ko yun isang pictyur mo don na may kasama kang Koreano e si Jenet. Mag hawig kayo! Mas maganda ka nga lang ng konti. Hehe Peace!!! (sabay tingin kay Jenet)
Reselle: Happy Birthday ha!
Riza : Happy Birthday! 33 ka na magpaka lalaki ka na ,tignan mo nga kilos mo,ang lantik ng daliri mo! (bunsong babaeng kapatid ni Jenet na medyo tomboy.)
Christian:thank you Riza.
Riza: Nik asensado ka na! Nag level up ka na ng bf,dati ikaw pa nakikipagkita sa lalaki ngayon ikaw na pinupuntahan!
Jenet:hoy mahiya ka, anung ako pa lumalapit?
Riza: hindi ba?kasama mo pa nga ko minsan, tapos naaalala mo pa yun Richard,ipinangutang pa yung buko juice na binigay sayo.
Christian :eh yun Richard nag buko rin?
Riza:Hinde!!!haha nagtitipid kaya si Niknik lang, hahaha(tawanan namin)
Riza: pero di halatang 33 ka na, mukha kang 25,mukha pa ngang mas matanda si Jenet sayo eh.
(sabay tawanan nila)Pinakwento sakin ni Riza kung pano kami nagkakilala at pagtapos ay ini abot sakin ang gitara at hinangaan nya ko ng araw na iyon at simula nun ay madalas na syang nagpapaturo at Si Riza ang pinaka naging bestfriend ko at si Reselle ang ay halus ganun din,napapagsabihan ko ng sama ng loob ko tuwing nagkaka tampuhan kami ni Jenet .
Dumating ang panganay nilang kapatid na babae na si Manay Nini.(sa Bicol at Bisaya ang Manay ay ate ang ibig sabihin.)Si Manay Nini ay Yaya din ng isa sa mga kliente kong British na sina Mark at Anelie Jarrats mga bisor sa bangko ng JPMorgan na kaibigan rin nila Mrs.Samantha Nash.mas nauna ko nakilala si Manay bago pa kay Annie at Jenet at naka sanayan ko na umakap at nakikipag beso beso tuwing magkikita kami,madalas din kami nito mag usap lalu na kung Music ang pag uusapan.
Manay Nini:o ilabas mo din yun keyboard ko Niknik, patugtugin natin si Christian.(Niknik ang nick name ni Jenet)
Christian:naku wag na mag kainan na lang tayo ang sabi ko kay manay.& tumagay ako ng Emperador at ini abot sa tiyo Joey ni Jenet na kaharap ko sa inuman.
Manay Nini:tinatapos ko itong sightreading sa piano e, ang hirap.
Christian:alam mo manay,kung di ka naman magiging guro sa musika bakit mo pa kailangang pagaralan yan? Kung kaya mo i cifra o kapain, kapain mo na lang.
Manay:mas may sistema ang binabasa sa nota at sabi nila anything is a bad teaching aside from sight reading.
Christian: hindi naman natin puede sabihin na walang sistema ang mga Ouido o marurunong kumapa sa gitara o piano, may sinusunod yang scales na kasuwato ng partikular ng key at chords ang mahalaga tama ang naririnig mo, besides sina M.Jackson, Jimi Hendrix at Steve Ray Vaughan mga sumikat at kumita ng million dollars pero wala silang Formal Music Schooling.
Riza: so parang mas maganda pa pala ang ouido o sini cifra kesa sa ma nagbabasa ng nota?
Christian:maraming sight readers ang di naman talaga nakakabasa,muka lang nakakabasa pero minemorya lang. Pero anu man ang paraan mo cifra o by notes as long as tama ang mga naririnig at tinatapakan mo tama yan. Parehas na tama yan.
Riza:para sakin mas tama nga ang cifra o kapa, pag binabasa.sa nota konti matutugtog o tagay ka na muna!Nung mga gabing iyon ay hindi ko alam na nandon din ang asawa ni Manay Nini na si Oscar at wala akong kamalay malay na pinagselosan ako ng asawa, lalu na nung ibineso beso ko si Manay Nini.
Nag banyo ang isang manginginom doon na maaaring kaibigan ng tiyuhin ni Jenet at ipinasa sakin at maliit na pantagay.Noon ko lamang nakilala ang mga tao kina Jenet, at di ko alam kung sino ang tatagayan ko, ini isip ko na tama ba o hinde dapat tagayan yun taong di mo sigurado kung nainom.bahala na ang nasabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan ay nagkita kami ni Jenet, at ikinuwento nya sakin ang mga reaksyon ng kanyang pamilya.
Jenet: oy may nagalit?
Christian:ha? Bakit
Jenet: yun asawa ni Manay Nini nagalit nung bineso beso mo si Manay Nini ,si Kuya Oscar.
Christian: ha! E ano masama don? Para yun lang! Ang dumi naman ng utak nun!
Jenet: e nagselos e, seloso kasi yun, parang ikaw! Tsaka si Tatay Nuno bakit ganun daw ugali mo! Di mo daw sya tinatagayan! Tapos mayabang ka raw !sabi ni Tito Joey.
Christian:ha e malay ko ba kung umi inom yun? Tsaka ano naman niyabang ko e nakatahimik nga lang ako! Ano ba yan, you mean bad shot ako!
Jenet: siguro nayayabangan sa porma mo, wag ka mag alala gusto ka naman ng pamilya ko e, si Nanay, si tatay at mga kapatid ko lalu na si Reselle at Riza. Kakausapin ka raw nila! Ng mga tiyuhin ko.
Christian: ok wala problema, ano ba naman yan, ang bababaw naman. Walang mali don,
Jenet: hayaan mo na inggit lang yun sayo.ang importante mahal kita. At gusto ka ng pamilya ko. Kumo consolidate lang sila kay Kuya Oscar na nasaktan kaya siguro ganon.Kapag kinausap ka, pasok sa tenga labas sa kabila agad, di naman sila kasi mga nakapag aral e kaya ganon sila mag isip.

BINABASA MO ANG
Natuturuan Ba Ang Puso.
RomanceTunay na istorya ng Tapat na Pagibig na nauwi sa Pagtalikod.