Jenet: Pangako ko sayo kapag ginawa mo yun, Pakakasal tayo!!!
Christian: (napa ngiti) ikaw talaga, binobola mo na naman ako
Jenet: Promise yun!!!
Christian: 0o tutulungan kita pero kung sa private e baka mahirapan tayo.
Jenet: eh pero wala namang trabaho sina nanay at tatay ,kaya di puede mangyari yun.Si Kuya naman kaaway ko yun at may sariling pamilyang binubuhay yun at kaaway ko pa ang asawa nung si ate Bek. Ang mga kapatid ko namang iba ay walang trabaho ang iba ay bata pa.Noong mga araw na iyon ay nag scout ako ng mga colleges at mga prices.hanggang sa maisipan at mapili ko ang Computer Information Technology dahil na rin sa in demand yun at madali makahahanap ng trabaho.Sinubukan kong isama sya at nagtanong sa mga State Universities gaya ng PNU,PLM at Unibersidad De Manila pero masyado mababa ang grado niya para sa mga pampublikong eskuelahan.wala din kaming ibang kinalagpakan kundi sa private na Computer School.Sa AMA Computer Learning Center ang naisip ko nun na kulang kulang 10k ang tuition kada sem at may apat na sem sa isang taon.so apat na beses akong magbabayad nun.
Nag iisa na lamang ako noon at ilang beses kong pinag isipan kung doon ko na ba sya pa aaralin.Na attrack din ako sa sinabi niyang pakakasal sya sakin. At sobrang mahal ko sya noon kaya nagdasal ako ng taimtim na sana pagmamahal lang niya ang ina asam ko na sana maramdaman ko,eto ang una kong babaeng pagsasakripisyuhan ko ng aking pagmamahal. Sinabi ko sa Head ng school nun na babalik ako kasama si Jenet at pag eenrolin, sumaglit ako sa SM SAn Lazaro nun para bumili ng couple ring bilang regalo sa next monthsary namin & siguro as a gift na rin sa ika 19th birthday nya sa 12
At nangyari nga na nakatuntong sya ng kolehiyo dahil sakin,July ito nagsimula at syay 19years old noon,ako lahat bumili ng loptop na gagamitin niya mga libro,uniporme pamasahe na kailangan niya, hindi ko sagot noon ang kanyang baon pero dumaan ang Agosto nawalan ng isang trabaho ang kanyang kuya na kahit panoy nakakapag bigay ng pera pag pumapasok sya & nangyari na ako din ang sumagot ng kanyang baon.
Naging masaya sya sa panibagong yugto ng kaniyang buhay,lubos ang pasasalamat niya sa akin,nagkaron sya ng mga bagong kaklase at bagong mga kaibigan,sinusundo ko sya nung una at tinutulungan sa homeworks & masigasig sya sa pag aaral, pinag aaralan nya ang pag t type ng mabilis sa loptop na binili ko para sa kanya,at pag umuwi sa bahay ikinukuwento pa ng kanyang ina sakin na derecho sya nagbubuklat ng libro at gumagawa ng assignments. Subalit paglipas ng ilang linggo ay tila ako pa ang may kasalanan sa pagpapa aral na ginawa ko sa kanya.
Papunta ako noon sa kanila ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, sinuong ko ito makarating lamang sa kanila,pagkakita sakin ni Jenet ay humarang sya sa pintuan at hinayaan lamang ako mabasa ng ulan.
Ina ni Jenet:Niknik!Papasukin mo na si Christian sa loob,basang basa na sya.
Jenet:Umuwi ka na lang matutuwa pa ko.
Christian:bakit ano na naman nagawa ko?
Jenet:bakit di mo na ko sinusundo sa school?
Christian:alam mo namang may trabaho na ako diba ,nasusundo kita at hatid noon dahil wala pa ko masyadong pasok noon,hapon pa ang uwi ko at ikaw ay natatapos ng 1-2pm pa lang.
Jenet:Hindi mo na rin ako gaanung napupuntahan dito para tulungan sa mga homeworks ko, sabi mo tutulungan mo ko
Ate Bek:pina aaral ka na gusto mo sya pa gumawa ng assignments mo! (Sabad nito).
Ina ni Jenet: Nik! Basang basa na si Christian,papasukin mo na! Anak!Christian pumasok ka na dito hayaan mo yang baliw na yan.
Christian:May trabaho nga ko diba? Jenet Maawa ka naman sakin, pagod na pagod na ko galing sa pagtuturo,nagtuturo ako sa tanghali tapos nag se service ako ng tutor sa mga subdivision sa hapon & natatapos ako ng 7pm,ma trafic papunta sa Sandigan,Batasan,ano oras na ko makakauwi kung dederecho pa ko dito, dumadaan naman ako dito dalwang beses na nga lang sa isang linggo, hindi ko kaya yun araw araw na hinihingi mo.Nagrereview pa ko ng lesson plan para bukas,Di ba puedeng sapat na yun minsanan lang?
Jenet:pina aral aral mo ko, tapos di mo naman pala ko mahahatid sundo. Ang sabihin mo, kaya mo ko pina aral ay para sa kapakanan mo lang din.Dahil nahihiya kang ipakilala ako sa pamilya mo,dahil high school lang ang natapos ko.
Christian:(pagsasalita ko na may konting kahinaan para di marinig ng mga kalapit bahay)hindi totoo yang sinasabi mo at saan mo pinag huhuhugot yang mga pinagsasasabi mo?Kaya ko to ginagawa dahil tinutulungan kita dahil ikaw may sabi noon na maliit ang tingin sayo ng mga kamag anak mo sayo, mga pinsan mo at ng tatay mo na sabi mo nooy walang tiwala sayo.Higit sa lahat ,ginagawa ko ito dahil mahal kita!(maluha-luha kong sabi sa kanya)

BINABASA MO ANG
Natuturuan Ba Ang Puso.
RomanceTunay na istorya ng Tapat na Pagibig na nauwi sa Pagtalikod.