抖阴社区

Natuturuan Ba Ang Puso 5

17 0 0
                                        

September 26 2014,
Riza:nagpa print sya ng mga pictures ninyo
Resselle:gagawin niya atang Scrapbook.wag ka maingay na sinabi ko ha!
Christian:ah talaga, sige di ko sasabihing sinabi ninyo, kinikilig ako.hehe

Paglabas ni Jenet ay sinalubong niya ko ng yakap at binati
Jenet: Happy Anniversary satin mahal ko!
Christian: Happy Anniv mahal ko!
Jenet:pasensya ka na di ko pa mabibigay gift ko sayo.ginagawa ko pa e,tska marami pang kulang.
Christian :hmmm,ano naman kaya yun ? Hehe
Jenet: basta, lalagyan ko pa ng mga design e, basta!Next month ko na lang ibibigay sayo.

Christian:parang may idea na ko kung ano yan a ! Ok no problem. Eto yun gift ko sayo

Jenet: (binuksan ang balot)ay wow, Songbook at may pictures pa natin bawat page, halus parehas pala tayo ng idea.(binuklat unti unti)ang ganda,kaso sana nilagyan mo na rin ng tagalog songs nina Sarah,Genilyn Mercado,Yeng,Nina at Aiza !

Ate Bek: Wow ang ganda,(binuklat bawat pahina)ang gaganda ng mga kanta at may pictures nyo pa,naku !  Mahihirapan kayo maka move on niyan pag nagkahiwalay kayo(sabay halakhak) grabe, pinag trabahuhan talaga maige.sayang to pag nagkahiwalay kayo
Riza: itatabi ko !Tsaka puede naman gamitin pag nag gigitara, takpan na nga lang mga mukha nila,
Resselle: Ayos ang lupet, ang sakit niyan kapag di kayo nagkatuluyan sa huli,sayang nga yung songbook.haha

Bumili ako sa labas saglit ng tatlong 1.5 na Coke sa tindahan sa tapat ng bahay nila Jenet ng biglang nagtanong sakin ang tindera.
Tindera: ay Kuya, ikaw ba yung Bf nung Jenet ?
Christian: Opo bakit po ?
Tindera: totoo bang pina aaral mo sya ?
Christian:eH Oho,
Tindera: naku e dapat pakasal din kayo,alam mo sa panahon natin ngayon mahirap magpa aral ng di mo naman ka anu-ano. Wag kang pumayag ng ganon,dapat ay makasal din kayo mamya di naman kayo magkatuluyan sa bandang huli, nagsayang ka lang ng pera !
Christian: sige salamat po.

Napaisip din ako sa mga sinabi ng kanilang kapit bahay, tama !  sayang kung hindi kami ang magkakatuluyan, wala pa naman ako nakikitang pagbabago kay Jenet at sa relasyon namin.ang mas nakakatakot pa nito ay di ko talaga nararamdamang mahal niya ako,pag nagkataon sayang ang aking Pawis, Panahon, Pera at Pag ibig,

Hindi sinungaling ang puso, kahit pa nakikipag talik ang isang babae sayo ay di ito mangangahulugan ng siyay nagmamahal,ang ating Utak ang nagsasabi ng tama at mali, pero puso naman ang nagsasabi at nakakaramdam kung minamahal tayo, noon di ko to matiyak sa sarili pero kinalaunan hindi pala guni guni o maling hinala lamang ang mga nararamdaman ko ,sa bandang huli ay napatunayan kong ako ay Tama.Hindi Sinungaling ang ating nararamdaman sa Pagtukoy ng Pagmamahal, maaaring hindi nga basehan ang Emosyon o Pakiramdam lamang sa pag alam ng katotohanan, pero ang ating nararamdaman ang syang basehan sa pag tukoy ng kapwa nararamdaman.

Panay ang Dalangin so Panginoong May Kapal, na sana mahalin ako ng babaeng mahal na mahal ko, Masyado ng malaki ang Paghihirap ko at pakiramdam koy naglalaro ako ng sugal na di mo alam kung mananalo ka o matatalo, Patuloy ang pakikipag sugal ko sa relasyong ito.

Pumasok sa isipan ko kung yayain ko na kaya siya ng kasal tutal may pangako naman siya sa akin na pakakasal siya kung mapag aral ko sya.nag iisip ako ng mga surpresa noon pero kinakabahan ako na ma reject, pano kung tanungin mo sya ng "Will You Marry Me ? " pero sumagot sya ng "No"?  Given na alam kong tagilid ako sa kanya. Alam kong di pa nya gusto mag buhay pamilya at kung gusto nya talaga ito di sin sana narinig ko na sana sa bibig niya ang mga futuristic  plans kung saan ako ang ama at siyay isa ng ina at may baby kami.pero malabo ganon pa man siya ang may pangakong pakakasal sya sakin pag pinag aral ko siya. Hindi naman kami papakasal agad ang mahalaga ay mapag usapan na ito at makapag plano na, maaring next year by vacation or june or july or next christmas basta this coming 2015.

Lumipas ang isang buwan, oktubre sembreak ng mga International schools nagkaron ako ng chance ma masundo sya ng madalas sa school niya.sinubukan kong i open ang topic ng kasal pero nagpasa kalye muna ako.

Natuturuan Ba Ang Puso.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon