抖阴社区

Natuturuan Ba Ang Puso 8

14 0 0
                                        


Christian:oh see!yan ang sinasabi ko baka hanggang text lang sya kasi pampalipas oras nya pakikipag-relasyon sa FB.o e bakit di bumili ng payong?tsaka napaka simple!may bus byahe fr.Cubao straight to Guadalupe.magkikita kayo for the first time dapat gagawin mo lahat ng paraan. Isang taon na halus ni hindi magawang mag effort na makita?

Rochell:ewan ko bakit ganun.

Christian:nakukuntento ka na ng ganon?  hiwalayan mo na yan lalaking yan, mukhang di maganda ugali,minumura ka hindi ka pa nga na me meet sa personal!besides hindi ka naman nag relasyon para maging malungkot e diba?(bakit di ko naisip yun?bakit ako, hanggang ngayon tali kay Jenet?)pag tatanong ko sa sarili at natatawa tawa pa.

Nung araw na iyon nagkwentuhan kami ng buong gabi,naikwento ko rin ang lahat sa kanya tungkol kay Jenet, pero nagsinungaling ako ng sinabi kong hiwalay na kami ni Jenet.naka relate sya dahil parehas kami ng situation. At sa puntong iyon na hindi na sya masaya sa relasyon gaya ko & hindi pa naman sila nag me meet sa personal at against pa ang mga kuya niya sa lalaking yun,& naisip isip ko.

(ligawan ko kaya tong cute na chick na to?)naku!Ang ganda nitong ipapalit ko kay Jenet pag nagkataon,hehe, e pano si Jenet!?assuming naman akong sasagutin ako. Ehem!!Sige liligawan ko to. Pag sinagot, Yahoo! Yare,bahala na si Batman!Pag hindi,trip trip lang naman eh.

Binlock ko agad si Jenet sa 2nd account ng FB ko kung san inadd friend ko si Rochell.maging ang lahat ng kaibigan, kapatid,tita at mga tito niya na may FB account ay i block ko muna.puede ko naman sabihing tinanggal ko na ang 2nd account ko,anyways,wala naman sya paki alam sa fb ko.she doesnt care at all. Sa isang Fb account ko kung san friend ko naman si Jenet ay iba block ko naman si Rochell para di niya makita.maging ang lahat ng katrabaho,kaibigan niya sa friend list at sinumang makikilala ko na related sa kanya at i ba block ko sa account na yun, Clever diba?& yan nga ang ginawa ko.e pano naman yung phone!? Kay Jenet lang ako kailangan magtago,dahil di naman tinitignan ni Rochell phone ko, at hindi ko pa naman gf si Rochell so for the mean time, iniba ko lang muna name ni Rochell sa phonebook ko at pinalitan ng name ng lalaki as Romel.Hindi rin naman totally delikado dahil,wala din paki alam si Jenet sa sinumang nagtetext sakin, at hindi naman nagrereply si Rochell kung di na ko magtext.Pero Iv'e got my plan B kung sakaling maging kami ni Rochell.assuming na naman ako.

Sumapit ang Feb 14.Ibinalot ko sa Blue Magic yun binili kong lamb para kay Jenet & sinilid ko sa bag ko muna, dumaan ako ng Contis Bake shop & bumili ng chocolate bread and biscuits na heart shape para samahan ng bigla kong naisip, e ano kaya kung kay Rochell ko na lang ibigay? Hmm sige, try ko kay Rochell ibigay tong Biscuit.sa kanto ng Palm Ave.& Dasmarinas Ave 6pm inabangan ko si Rochell.at nung makita ko siya,agad ko ito binigay & binati sya ng Happy Valentines at sinabi kong for a warm nice friendship i found in you.nakita ko ang mga ngiti sa kanyang mga mata, talagang maningning at nangungusap alam kong kinilig sya at sobra rin ang tuwa ko.

Kinagabihan naman ay dumerecho ko kina Jenet para ibigay ang gift ko sa kanya.alam kong di sya matutuwa & sanay na ko muli niyang sinabi na stuff toy na naman!Wala ka bang ibang alam puro stuff toy na lang?Sa totoo lang di ko naman alam kung ano ibig niyang sabihin at kung anu bang gusto talaga niyang matanggap,but i try to reason na year of the sheep ngayon,kaya yun ang ibinigay ko.I was thinking of flowers pero sa loob loob ko dati ko na syang binigyan pero hindi nya yun pinost sa FB dahil di niya gusto ang kuha ng mukha niya sa picture. And of course sinabi niya sakin na di pa raw tapos ang scrapbook na dapat ibibigay niya sakin.pero wala na itong talab sakin. Okay na sakin ang lahat.may iba na kong kina kikiligan.pero sayang, sayang lahat ng paghihirap ko, minahal kita at buong pusong kong hiningi sa Panginoon ang pagbabago mo. Sana wag mo kong sisihin kung magbago na ko,kung bigla akong bumaligtad ng damdamin para sayo.Sabi ng saloobin ko.

Natuturuan Ba Ang Puso.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon