Tumigil sila saka ako tinignan. Nagtataka kung bakit bigla nalang akong huminto sa gitna ng corridor.
"Ngayon na ba yun?!" Kumapit ako kay Kara.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jamie kay Art.
Nakita kong nag gasp si Art saka kumapit rin kay Kara. Para kaming dalawang koala sa isang sanga.
We both looked terrified.
Nag sigh lang si Kara. "The both of them don't like the olympics."
"Olympics?" sabay na tanong ng dalawa.
Olympics or the academy's intramurals. The time of the year where students do sports. Duh.
May soccer, basketball, volleyball, etc. naman kami. But aside from that, meron rin kaming 'pentathlon', a 5-event combination of discus, javelin, running, jumping and wrestling. Mga laro sa panahon ng ancient greeks.
Beta at Gamma lang ang pwedeng makasali since marami sila. Spectators lang kami.
Well... except sa Calydonian Boar Hunt.
The highlight of the event where all participating student try to hunt and kill the biggest, most ferocious boar imaginable.
At first, hindi pinayagan ang mga babae na sumali because we are 'feminine' and hunting is not a thing for female demigods. Tsk. Ang arte arte. Di lang naman talaga nila gustong maghunt katabi ang mga babae. Or more like, ayaw nilang matalo sa mga babae.
Not until our very own Art killed it herself..... unintentionally. Yeps.
Aksidente niyang napatay yung boar.
Nag camp kasi kami nun sa forest. Di namin alam na pinakawalan na pala ang boar doon. Uminom kami ng konting ambrosia. Then hinamon ko si Art na panain yung buwan. Hindi naabot ng arrow niya ang buwan pero bumagsak ito sa boar.
Hmm.
Lumabas kaagad kami pagkatapos i-announce ang annual olympics ng academy. Nakakapit pa rin kaming dalawa ni Art.
"Teka... ba't nga ba di nila gusto yung olympics?" tanong ni Cesia kay Kara.
"Art hates it because of an accident. While Ria... she doesn't like it because..." tinignan ako ni Kara.
"she hates having to wear a chiton for three days." sumingkit ang mga mata niya na tila may inaalala.
Gayundin, nagliwanag ang mga mata ni Cesia. "wait... you mean... magsusuot tayo ng chiton simula bukas?"
Tumango si Kara.
•••
"NOOOOO!!!" hinila ako ni Kara pabalik sa fitting room.
"Stop it Ria. You're being childish again." banta niya sa'kin.
Nag pout ako. "pero ayokooo! ang init init nyan!" tinulak ko papalayo ang rack na may tatlong damit na nakahang.
"That's why we ordered the most comfortable ones!" tinulak niya sa'kin ang rack.
"nasuot na ba niya?" lumabas mula sa likuran ni Kara si Cesia na nakasuot na sa ombre na green and pink na chiton niya. Matched with gold belt and sandals.
"No. I haven't and I will never." I answered.
"Okay lang naman kung wala tayong mahanap na komportable sa ngayon." nakangiti niyang sambit.
May kinuha siya sa rack na kulay pula.
"pero bibilhin ko na rin 'to para sa'yo... Bagay kasi.. red is the color of blood." her smile didn't fade which made me guilty as fuck.
Huminga ako ng malalim. "fine. yan nalang ang susuotin ko."
"sige. Mukhang size mo nga naman 'to eh." she glanced at me before heading to the counter.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kara. "what?"
"she used her ability at you." natatawang sagot ni Kara.
"didn't she use her ability at all of us?" I eyed her long flowing yellow green chiton.
I laughed knowing na napasuot ni Cesia si Kara ng chiton dito sa mall.
Nakita ko si Cesia na nakangiti habang namimili ng accessories. Naka uniform na siya ulit.
Did I mention? She also bought sandals for the four of us girls.
Buti naman at may makakasama na ako sa t'wing mag sho-shopping ako. Mag-isa lang kasi ako noon since ayaw sumama ng dalawa. Mga killjoy kasi.
Tsk. Ako nga yung bumibili ng mga damit nila. Pati mga sapatos.
"Eh paano sila Sebastian?" Jamie asked habang nakatingin sa mga lalaki na pumipili rin ng outfits para bukas.
"If I know, may susuotin na ang mga lalaking 'yon. Di naman sila mahilig lumabas. They will just have it delivered sa dorm." I answered.
And like the usual, hindi sila aattend sa opening ceremony. Lalabas lang sila para manood sa games. Magtatambay yan sa dorm.
Alam na alam na namin ang ritual nila.
"Ria?" tinawag ni Cesia ang pangalan ko. "may kailangan ka pa ba?" napansin niya atang nakatitig ako sa mga estudyante na namimili ng susuotin nila.
"Nope. Wala na." pinuntahan ko sila.
"Fortunately, tayo yung nakauna latest release ng store. Ang sabi pa nga nila glow in the dark daw yung patterns sa silk." ani Cesia na abot-langit ang ngiti.
"mmm!!!" inakbayan ni Art si Cesia. "ang swerte talaga namin sa'yo hihihi"
I smiled.
First time kong makasama ang isang descendant ni Aphrodite. I thought I would hate her because you know... since Aphrodite is my dad's other lover.
I really like her though. Akala ko magiging arte siya. Bossy... and stuffs like that.
But she's not.
So... masasabi kong maswerte nga kami sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
The Olympics
Magsimula sa umpisa