x22: Sorries & a Promise (Part 1)
RACHELLYN
ALAM kong kailangan kong bumangon nang maaga dahil kailangan kong pumasok sa school. Pero ang magising ako nang yakap-yakap ni CJ? I no longer wanted to leave my bed anymore. Gusto ko na lang na makatabi at mayakap siya—all after ng naging masinsinan naming pag-uusap kagabi.
"Dhie, anong oras na?" I softly asked as we kept cuddling.
"8:30..." Hinigpitan niya ang yakap sa akin.
Dapat nagmamadali na akong bumangon para maghilamos. Pero nakakatamad lang talaga at nakakapanghina ang yakap ni CJ.
"Kung hindi mo kaya, huwag mo na piliting pumasok ngayon..."
Nang sabihin iyon ni CJ, kumalas na ako ng yakap at umupo nang kinukusot ang aking mga mata. "Kaya kong pumasok. Hindi na dapat maapektuhan ang pag-aaral ko dahil lang sa mga nangyayari sa amin ni Adrian. May isang subject na akong hindi napasukan kahapon."
Umupo rin si CJ at nag-aalala akong tiningnan. He had been like that since last night, and I kind of feel bad na kailangan ko siyang pag-alalahanin nang ganoon.
"That's right." pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "But it will be better if... if you'll reconsider my advice last night."
His advice last night: mag-transfer na lang daw ako ulit ng school para mabawasan ang mga problema na natatanggap ko mula kay Adrian. Pero tinanggihan ko iyon.
"CJ, 'di ba sabi ko ayaw ko na talagang mag-transfer ulit?" Nagkaroon ng pagod sa boses ko.
"I know. But..." Hindi na niya itinuloy ang nais niyang sabihin. Napabuntong-hininga na lang siya at saka tumayo. "Tara na sa baba."
Napanganga ako saglit dahil sa biglang panlalamig na naramdaman ko sa tono niya.
"CJ—"
"Andy's been waiting for you downstairs." Tinalikuran na rin niya ako at tuluyang lumabas ng kuwarto.
Natulala na lang ako sa pintong sinara niya.
Naiintindihan ko namang nag-aalala lang siya sa akin. Pero nagpaliwanag na rin naman ako kagabi kung bakit hindi ko kinukunsidera ang lumipat ng school. Una, kakalipat ko lang this semester doon sa pinapasukan ko. At pangalawa, kaya ako lumipat ay dahil mas affordable ang tuition doon kaysa sa iba. Kahit hindi naman nagrereklamo ang mga magulang ko, ako na ang nahihiya at nagkusa dahil malaki rin ang suportang binibigay nila financially sa anak ko.
Nang makababa ako at makapaghilamos, solo flight ako sa pagkain dahil tapos nang mag-almusal si Andy. Si CJ naman, abalang maghugas ng pinagkainan. Nagmadali akong kumain para ihabol sa kanya ang pinagkainan ko at para kulitin siya. Dinikit ko ang katawan ko sa kanya sa may lababo pero lumayo siya at hindi ako inimik.
Napasimangot ako, pero hindi ko na pinilit na pansinin niya ako. Naligo na lang ako at nagbihis para sa pagpasok ko sa school.
Tahimik pa rin si CJ kahit pa noong ihatid nila ako ni Andy sa school ko.
"Wow, Mommy! Ang big ng school mo po! Kailan ako po mag-school diyan?!" Sobrang namimilog ang mga mata ni Andy habang halos halikan na niya sa backseat ang bintana ng sasakyan ni CJ.
Pareho kaming natawa ni CJ. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa, pero agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Soon, baby ko." sagot ko sa aking anak kasabay ng pag-unbuckle ko sa seatbelt. "Kapag big boy ka na."
"Big boy? As big as Daddy?"
"Yep," si CJ naman ang sumagot habang nakahawak sa manibela. "That's why you need to eat more veggies, baby. Para maging kasing-laki mo ako."

BINABASA MO ANG
Playboy's Baby (Published under Pop Fiction)
Romance?????????, ???? ┊ ????????? ?? ??? ???????, ???? ┊ ???????, ???? Siya si Adrian Louis Guillermo--a carefree 4th year Architect major who likes playing with women. Hindi mahirap sa kanya na makarelas...