抖阴社区

x39: Father Material (Part 1)

189K 2.2K 263
                                    

x39: Father Material (Part 1)


RACHELLYN

ILANG linggo na ang lumipas matapos ang fourth birthday ng baby ko at ng third anniversary namin ni CJ.

Hanggang ngayon, may nararamdaman pa rin akong hiya sa nagawa ko noong gabing 'yon pero si CJ, patuloy lang sa pagpapatunay sa akin na walang kaso sa kanya ang ginawa ko—na nirerespeto niya talaga ako at tunay na minamahal.

Habang si Adrian, halatang iniiwasan ako. Pero hindi naman 'yon one-sided. Dahil pati ako ay umiiwas sa kanya. Hindi naman na iyon mahalaga sa akin basta patuloy pa rin siya sa pagiging ama sa anak naming dalawa, gaya ngayong gabi na may sakit si Andy.

Nilalagnat si Andy kaya dumalaw si Adrian kahit gabi na. Actually, kagabi pa may sakit ang anak namin pero kaninang umaga, nawala na 'yong lagnat niya. Naging matamlay na lang siya maghapon pero pagsapit ng gabi, binalikan siya ng lagnat. Kung kailan pa naman mga busy kami mag-review para sa Finals namin.

"Woah! Sige po, Papa! Maggagaling po ako!" sigaw ni Andy matapos bulungan ni Adrian doon sa kama.

Pinigilan kong magtaas ng isang kilay habang nakasandal sa frame ng pintuan ng kuwarto ni Andy.

Nakapagtataka. Ano kayang binulong ni Adrian sa anak namin at nagkalakas ito bigla para sumigaw nang ganoon kalakas?

Aliw na natawa si Adrian. "Sabi mo 'yan, ha? Pero para gumaling ka, dapat magpahinga ka. Sumunod ka kay Mommy. Okay ba, 'nak?"

"Yes, Papa! Tapos Papa, kapag magaling na ako po pu—"

"Shh!"

Napatakip ng bibig si Andy sa naging suway ni Adrian.

Nagbulungan ulit sila. Tumango-tango na lang si Andy habang takip-takip pa rin ang bibig.

Hindi naman nagtagal si Adrian at nagpaalam na mayamaya na aalis na.

"Chelle. Balitaan mo na lang ako ha?" bilin ni Adrian nang samahan ko siyang bumaba sa may salas.

Tumango lang ako.

Lumuhod siya sa may pinto para magsuot ng sneakers. Nakatulala lang ako sa kanya habang pinapanood nang hindi ko na napigilang magtanong.

"Ano palang pinagbubulungan niyo ni Andy kanina?"

Eksatong katatapos lang niya sa ginagawa kaya tumayo na siya. Nagpamewang siya at nginitian ako nang nakakaloko bago sumagot.

"Secret."

Nag-iwas ako ng tingin at sumimangot.

"Alis na ako, Chelle."

Binalik ko sa kanya ang tingin ko. "Sige na, umuwi ka na."

"Hindi pa ako uuwi."

Pinigilan kong lumala ang simangot ko. E, anong oras na. At busy dapat kami sa pagre-review.

"Saan ka naman pupunta nang ganitong oras?" Hindi ko napigilang itanong.

Nag-iwas siya ng tingin at nagpigil ng tawa. "Mambababae pa muna ako."

Natigilan ako sa pagkilos maging sa paghinga.

Okay lang. Okay lang 'yon, Rachellyn. Just breathe deep.

"Okay," pilit at may kahinaan kong sagot. "Have fun."

Adrian gave me one plain smile bago tuluyang umalis.


*


Playboy's Baby (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon