x55: Playful Deal
RACHELLYN
"BYE, Rachellyn! Sorry, mauna na ako."
Nginitian ko si Angel. "Uy, okay lang, sige. Ingat ka."
Halos patakbong lumabas ng changing room si Angel.
Bumalik naman ako sa pagbibihis.
Katatapos lang ng shift namin, at pagod na pagod ang pakiramdam ko. Buti na lang Friday na. Makakapagpahinga na ako bukas kahit papaano pagkatapos ng... ng lahat ng nangyari sa linggong iyon.
Huli kong sinuot ang engagement ring ko. Sa pagtitig ko roon, may kirot akong naramdaman sa puso ko.
Maghapon ngayong araw, walang naging paramdam si Adrian. Hindi ko siya nakita sa school, at wala rin siyang naging pangungumusta sa anak naming natakot sa pag-aaway nila ni CJ kagabi.
Kaninang umaga, malungkot na nagising ang anak namin at hinahanap siya. Dahil hindi ko siya magawang tawagan para makapag-usap silang mag-ama, kung ano-ano na lang ang idinahilan ko kay Andy.
At... napakahirap. Ang bigat sa pakiramdam makita kung paano naaapektuhan ang anak namin dahil sa sitwasyon naming lahat.
Nakagat ko ang ibaba kong labi bago ako tumingala.
I cannot be crying over this again.
Kailangan lang naming masanay na mag-ina. At si Adrian, makaka-move on din siya.
I took in one deep breath, bago ako lumabas ng changing room. Nagpaalam ako sa iba kong katrabaho at sa manager namin bago tuluyang umalis.
Dire-diretso ang lakad ko papuntang sidewalk para doon maghintay ng masasakyang jeep.
"Chelle."
Nang mapahinto ako sa paglalakad dahil sa pagtawag na iyon sa akin ni Adrian.
Hinanda ko ang ekspresyon ng mukha ko. I gotta show him no emotion. Kung anuman ang ipinunta niya roon, kalmado ko siyang kauusapin.
Lumingon ako sa parking lot kung saan nanggaling ang boses niya. Para pa akong namalikmata dahil hindi ko nakita ang sasakyan niya. But Adrian was there, leaning against a different but familiar black SUV. I knew it was Mama Margie's.
Wala talaga akong emosyon dapat nang malingunan si Adrian. Pero nang makita kong nakabenda ang ulo niya, alam ko, halata sa aking mukha ang naramdaman kong pag-aalala.
Ano'ng nangyari sa kanya? Naaksidente ba siya?
Naglakad siya palapit sa akin.
"Ano'ng... nangyari sa 'yo?" mahina kong tanong habang nakatulala sa ulunan niya.
Umiling siya. Sa aming dalawa, siya pa 'yong walang emosyon na mababakas sa mukha.
"Hindi 'yon ang dapat nating pag-usapan," sagot niya.
Bumagsak ang mga balikat ko. Ito na nga.
"Kung hindi 'yon, si Andy ba ang pag-uusapan nating dalawa? Kaya ka nandito?"
Napakurap siya bago muling umiling. "Hindi rin."
"Kung hindi si Andy ang pag-uusapan natin, wala akong nakikitang ibang dahilan para mag-usap tayong dalawa." pagmamatigas ko sabay talikod sa kanya.
Nagpatuloy sa paglalakad, nang hawakan niya ako sa kamay. It made me stop , feeling the warmth of his manly hand.
Pero ang init niyang 'yon, parang hindi normal. Parang may sakit siya.

BINABASA MO ANG
Playboy's Baby (Published under Pop Fiction)
Romance?????????, ???? ┊ ????????? ?? ??? ???????, ???? ┊ ???????, ???? Siya si Adrian Louis Guillermo--a carefree 4th year Architect major who likes playing with women. Hindi mahirap sa kanya na makarelas...