x41: Father Material (Part 3)
ADRIAN
Kakatok ba ako o hindi?Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba 'yong naitanong sa sarili ko habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng private room ng anak ko.
Para pa naman akong naalimpungatan. Halos kagigising ko lang. Matapos ako kuhanan ng dugo kanina, natulog muna ako sa sasakyan ko. Nang magising ako, agad kong nabasa ang text message ni Chelle dahilan para mapatakbo ako roon.
Kumurba ng maliit na ngiti ang mga labi ko.
Si Chelle, tinanggap ang tulong ko. Nasa mas maayos na kalagayan na ngayon ang anak namin. At nag-sorry rin siya. Kahit ba valid naman ang galit na naramdaman niya sa akin.
Totoo namang wala akong kuwentang ama.
Ang maliit kong ngiti, nauwi sa ngisi. Ang isa kong kamay, naisuklay ko sa aking buhok—nang biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Iniluwa nito si Chelle na nakayakap sa braso ni CJ. Pare-pareho kaming namilog ang mga mata nang magkakitaan kami.
Nakakailang. Pero hindi ang eksenang iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon.
"Ano—"
"Adri—"
Nagkasabay pa kami ni Chelle sa pagsasalita.
Nagkatitigan kami, tila nagpapakiramdaman kung sino sa amin ang dapat na maunang magsalita. Pero pareho na kaming natahimik.
"Perfect timing," Si CJ ang biglang nasalita. Nilipat niya ang brasong yakap-yakap ni Chelle paakbay sa balikat nito at saka ito nilingunan. "Since Adrian's already here, you can go home and take a rest. Siya na ang pagbantayin mo kay Andy. Let him do his part."
Nagkatinginan kami ni CJ. Alam at nararamdaman ko ang bigat sa gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niya.
"Ha? E..." Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Chelle kay CJ at sa akin. "Pero kailangan din niyang magpahinga."
"Okay lang, Chelle." sagot ko. "Nakapagpahinga na ako kanina matapos akong kuhanan ng dugo. At saka hindi naman gaano nakakapagod ang magbantay e. Lalo na gabi na. Tulog na ang anak natin."
Nakita ko ang pagkagat ni Chelle sa ibaba niyang labi.
Tsk. Huwag mo gawin 'yan, Chelle.
Pinilit kong alisin ang atensyon sa mga labi niya. Tumikhim ako bago muling nagsalita.
"Sige na Chelle. Umuwi ka na muna at magpahinga. Ako na muna ang bahala kay Andy."
Napayuko siya at tumango. "Okay..."
Nang makapasok kaming lahat sa kuwarto, agad akong lumapit sa higaan ni Andy. Napakahimbing ng tulog niya. Hinaplos-haplos ko siya sa ulunan, habang naging abala sina Chelle at CJ sa pag-aayos ng gamit.
"Adrian, tawagan mo ako kung may kailanganin kayo, ha? O kung... anumang mangyari." puno pa rin ng pag-aalala si Chelle.
Nagpamulsa ako at nginitian siya. "Huwag ka mag-alala, Chelle. Walang mangyayari na kung ano rito. Ako na'ng bahala sa anak natin."
Tinitigan lang niya ako.
"Let's go, Mhie." yaya sa kanya ni CJ na binitbit na ang isang duffel bag. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto.
Parang mabigat ang mga paa ni Chelle na lumabas ng kuwarto.
"Alis na kami," paalam ni CJ sa akin.
"Mm, ingat kayo." Tinanguan ko sila.

BINABASA MO ANG
Playboy's Baby (Published under Pop Fiction)
Romance?????????, ???? ┊ ????????? ?? ??? ???????, ???? ┊ ???????, ???? Siya si Adrian Louis Guillermo--a carefree 4th year Architect major who likes playing with women. Hindi mahirap sa kanya na makarelas...