Christine Gemini
One week later and they're still on the hospital bed. Nakaratay. Nagpapahinga at nagiipon ng lakas. Lahat sila ay gising na maliban kay Mommy, Terrence at Troy. Habang ang black horizon ay maayos na ang lagay, maging si Sophie at Rash.
Ayon sa doctor na tumingin sa kanila, si Terrence ay may pinakamalalang tama. Siya ang maaring mas matagal na manatili sa hospital. Sumunod ay si Troy, pagkatapos ay si Mommy.
Huli na sila nang makarating sa Ilocos. Nagsimula nang umatake ang kalaban. Bagsak na rin si Troy at si Rash at muntikan nang makuha si Mommy. Mabuti na lang at naabutan nila at nailigtas sila. Ang pagsasalaysay saakin ni Sophie. Hindi nila nakita si Goblin. Hindi kasama si Goblin. Ang naaalala niya lang ay mayroon silang lalaking nakalaban na natatago ng maskara ang mukha. Hindi rin niya maitangging magaling ito makipaglaban. Masyado raw itong bihasa ngunit nauna itong umalis kaysa sa iba. Hinayaan ang mga tauhan niya ang tumapos ng gulong sinimulan niya. Pagdaragdag pa ni Sophie sa kwento niya.
Nakakapagtaka. Tila sinadya nilang patakasin at buhayin sina Mommy at ang mga kasama niya. This is part of his game. Sa buong grupo'y si Alexander ang may pinakamababaw na galos. Sumunod ay si Josh, Gabriel at si Prince.
Sa buong linggong lumipas ay hindi ko kinikibo si Kuya. Hinahayaan ko lang siyang magsalita at dumalaw sa hospital. Hindi rin siya makalapit saakin dahil palaging nakabantay si Ash. Inaangilan niya't sinusubukang saktan si Kuya tuwing lalapit saakin.
Sa buong linggo rin na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi magpaikot ikot sa hospital. Binabantayan sina Mommy.
"Mistflower, please get some rest." Natauhan ako ng magsalita si Rash. Kababalik niya lang mula sa grocery. Ipinagutos na bumili ng prutas na ako lang rin naman ang kumakain.
"I can't, Rash. Hindi ako puwedeng maging panatag ulit lalo na't ano mang oras ay maaaring umatake muli sina Goblin." Sagot ko naman.
"You're blaming yourself aren't you, Mistflower?" Hindi ako sumagot. "Silence means yes. Well, you shouldn't be. Take some rest, Mistflower. Ako na muna ang magbabantay kay Madam." Nakangiting sabi niya at tumingin kay Mommy.
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tumayo mula sa kinauupuan ko. I won't 'get some rest', I just needed to do, whatever I needed to do.
Kailangan kong magmukhang napanghihinaan ng loob. Nanghihina. Kaawaawa. Natatakot para sa sariling buhay at sa mga malalapit saakin. Sa mas madaling salita, nais niyang matakot ako sa kaniya. Dahil ang makita akong nahihirapan at nagmamakaawa sa kaniya, ay ang pinaka-gusto niya.
I am certain that the sound of fear will satisfy him.
Kailanman ay hindi niya 'yan makikita saakin, ngunit ito ang dapat kong gawin. Ang mag-panggap. Magpanggap na natatakot at nanghihina.
Hahayaan ko siyang manalo ngayon, at maging successful ang mga plano niya laban saakin. Dahil sinisiguro kong sa huli, ako pa rin ang magwawagi.
Kailangan kong proteksyonan ang mga taong malalapit saakin nang hindi nakalilimutang proteksyonan ang sarili.
Bibigyan ko ng butas ang kalaban na maaari nilang pasukin hanggang sa mapagtanto nilang, ang butas na 'yon ay walang katapusan at walang lagusan. Na ang tanging paraan lamang ay magbalik sa simula. Mananatili sila sa loob hanggang sa sila mismo ang sumuko. Mananatili silang nasa loob ng plano ko hanggang sa sila mismo ang sumuko at magmakaawang palabasin ko.
"Let's go, Ash." Baling ko sa pusa. Sumagot ito ng mahinang meow bago tumalon pababa ng sofa at lumapit saakin.
"You're cat is intelligent cat, Mistflower. Where did you bought her?" Namamangha niyang tanong. Bahagya akong natawa bago tuluyang sumagot.

BINABASA MO ANG
That Nerd is The Gangster Princess
ActionCOMPLETED. UNEDITED. You might encounter A LOT of errors. She, Christine Gemini, the fearless gangster princess, chose to disguise herself as a nerd, for she wants to have a peaceful life. But, her mortal enemy came back. And she knew that she h...