抖阴社区

Chapter 36; Another, Mistflower?

1.8K 46 7
                                        

Terrence Gin

"Baby, wake up..." Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong.

"Hmmm," nakapikit nitong tugon. Itinigilid ko ang mukha at pinagmasdan siya. Mukha siyang anghel matulog, bagaman hindi pa rin nawawala ang pasa at galos niya sa mukha.

"Tanghali na. You need to eat, ang sabi ni Sabrina hindi ka pwedeng malipasan ng gutom," mahina ko siyang niyugyog. Iniingatang h'wag masanggi ang mga sugat niya sa braso.

"5 minutes," nakapikit pa rin niyang sabi at tumagilid.

"Aish! Hindi pwede. You need to eat and take your medicines. Pwede ka namang matulog pagkatapos. C'mon, baby, please stop being hard-headed," pakiusap ko sa kaniya. Pumihit siya paharap saakin, nakapikit pa rin ngunit nakangiti. "Bubuhatin kita, kapag hindi ka tumayo diyan," may halong pagbabanta kong sabi. Natigilan ako nang iangat niya ang kanang braso. Na parang nang-aanyaya na yakapin ko siya.

Nakng tokwa! Mukhang ako ata ang natutulog pa at nananaginip?

"Come here," halos pabulong niyang wika. Wala sa sarili akong lumapit sa kaniya. Nagulat ako ng hilahin niya ako at bigla akong niyakap. Sa pangalawang pagkakataon, natigilan ako. Hindi pa rin nawawala ang lakas niya sa kabila nang nangyari sa kaniya.

Ang higpit pa nga, halos hindi na ako makahinga. Kung nanaginip ako, h'wag niyo na akong gisinginnn!

Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Pagkatapos ay isiniksik niya ang mukha doon. Natigilan ako ng may mapagtanto…

"Tintin, ang init mo!" Biglaan kong sigaw at umalis sa pagkakayakap niya. Hinipo ko ang noo niya, mas mainit pa ata 'yon kaysa sa kumukulong tubig. Patakbo akong nagtungo sa aircon at pinatay 'yon. 

Nag-aalala ko siyang tinignan nang muli akong nakalapit sa kaniya. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin saakin. Pero, nakangiti. Nakng tokwa! Para siyang baliw.

Napabuntong hininga ako. Mas lalong hindi pa siya pwedeng umalis rito.

"Terrence, I want to take a bath…" ang sabi niya at pilit na naupo sa kama habang nakahawak sa ulo. Dali-dali ko siyang inalalayan.

"Ha? Ano? Hindi pwede, nilalagnat ka!" Eh, alangan namang paliguan ko siya? Naalala ko iyong nasa note ni Sabrina.

4) Wag mong paliguin yan, ha? Hindi pa yan pwede maligo! Punasan mo nalang kung sakali, basta wag mong paliguin. Kaya mo na yan kapag nagpumilit.

Nasapo ko ang noo, magpapaawat kaya saakin 'to? Nakng tokwa!

"Eh, kumain ka muna. Pupunasan na lang kita," suhestiyon ko sa kaniya at nginitian siya. "H'wag ka nang tumayo, dadalhin ko nalang ang pagkain mo rito," hindi ko na hinintay na sumagot siya at lumabas na ng kwarto.

Iniisip ko ang napag-usapan namin nina Jack kanina habang natutulog pa si Tintin. Ngayong nilalagnat siya, mas lalong hindi pa ako pwedeng bumalik sa Death Academy at iwanan siya dito mag-isa. Dahil siguradong kapag sinama ko siyang bumalik sa Death Academy, isang malaking gulo na naman ang mangyayari.

Napapadalas na nga ang pagkaratay niya sa kama. Kadalasan pa ay maraming nangyayari sa isang buong araw, sunod sunod. Pinagpapasalamat ko tuloy minsan kapag mapapahamak siya at nauuwing nagpapahinga sa kama. Iyon lang kasi ang pagkakataong makakapagpahinga siya.

"Ba—I told you to stay in your bed," malamig kong sabi nang maabutan ko siyang nakatayo at nasa harapan ng tv. "Aish! You never listened," nakasimangot ko pang dagdag at padabog na inilapag ang dala kong wooden tray sa study table na nasa kwarto.

That Nerd is The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon