Terrence Gin
"O nīchan, bagalan mo naman ang pagmamaneho!" Sigaw ni Sabrina kay Jeysan na nagmamadaling mag drive. "Hindi mo naman gustong maaksidente diba?" Sarkastiko pa nitong tanong at bumulong bulong pa.
Tinanaw ko ang labas mula sa bintana ng kotse nila. Nagsasayawan ang mga puno at nagliliparan ang kung ano-anong mga bagay. Madilim rin at halos wala ka nang makita. Umaalog rin ang sasakyan dahil sa malakas na hangin na nasa labas. Sa madaling salita, binabagyo kami. Malakas na bagyo.
"Hindi mo naman gustong mahuli diba?" Sarkastiko ring sagot sa kaniya ni Jeysan. Hindi siya natinag at talagang mas binilisan pa ang takbo sa kabila ng kadulasan ng kalsada. Malapit na kasi kami sa Death Academy at hindi ko rin alam kung kaninong sasakyan 'tong gamit namin.
Sa bilis ng pagpapatakbo niya, ang masasabi ko lang ay, Hindi pa ako handang mamatay!
Tumahimik si Sabrina at kumapit sa inuupuan niya. Bigla ay pumasok sa isip ko si Tintin. Iniwan ko siya roon na natutulog. Hindi na ako nagpaalam at nagiwan na lang ng note na mababasa niya sa oras na magising siya.
"Guys, where are you? We're here at black horizon's house. The fake mistflower is here with us too, and she's looking for Terrence," napalingon ako ng marinig ang boses ni Rijyana sa loob ng kotse, bagaman hindi namin siya kasama.
"Dude, dalian niyo na. Potcha. Naalibadbaran na ako dito sa trying hard na mistflower na 'to," si Gun naman ang nag-salita.
Nakita kong pinindot ni Jeysan ang kung anong radyo na malapit sa kaniya. Pagkatapos ay mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. Nahulog tuloy ako sa kinauupuan ko nang bigla siyang lumiko at itinigil ang sasakyan.
Napahawak ako sa bunganga ko. Amp, bakakahilo iyong ginawa niya! Parang bumabaligtad ang sikmura ko.
"If you don't want to get caught, then go there as fast as you can," makahulugang sabi ni Jeysan saakin. Tinanguan ko siya at nagsimulang tumakbo papasok sa gate ng Death Academy.
Habol habol ko ang hininga ng makarating sa likod ng bahay. Tiningala ko ang kwarto naming dalawa ni Bullet. Amp, paano ko aakyatin 'yon?
"Aish!" Nanggagalaiting sigaw ko at padabog na nagtungo sa front door.
Amp, anong sasabihin ko? Aish! Bahala na. Nakng tokwa!
Sunod sunod akong kumatok habang inaayos ang mukha at tinatago ang pagkairita. Eh, kasi naman! Bakit ba andito 'yong babaeng 'yon?!
"What the—Oh my! Terrence! I thought you have a fever? Bakit nagpaulan ka!" Nabigla ako nang si Tintin—ang pekeng Tintin ang nagbukas saakin. Sa pagkabigla ko, hindi ako nakapalag nang hilahin ako nito papasok.
"Kaya ba ayaw niyo ako paakyatin sa kwarto niya kasi 'di niyo rin alam kung nandoon siya?" Halata ang pagkairita sa boses niya. "Oh my, Terrence!" Muling baling nito saakin at hinipo pa ang noo ko. "You don't have fever na?" Nagugulat na tanong nito.
Makahulugan kong nilingon sina Gun at Rijyana na nakaupo sa tabi ng black horizon. Kagat kagat ni Rijyana ang labi niya at dahan dahang tumatango saakin. Si Gun naman ay nasa baba ang tingin. Habang ang black horizon ay nakatingin lang saakin, may alam ba sila sa mga nangyayari?
"Ah.. Ano.. Bumili ako ng gamot. Tama, oo! Bumili kasi ako ng gamot kaya nawala na ang lagnat ko..." Napakamot ako sa batok. Amp, tanga naman siya kaya siguradong maniniwala 'yan.
"You should've asked me to do it, Terrence!" Hinampas nito ang braso ko at bigla akong niyakap.
Oh, diba? Naniwala siya. Pero, Iw!

BINABASA MO ANG
That Nerd is The Gangster Princess
ActionCOMPLETED. UNEDITED. You might encounter A LOT of errors. She, Christine Gemini, the fearless gangster princess, chose to disguise herself as a nerd, for she wants to have a peaceful life. But, her mortal enemy came back. And she knew that she h...