抖阴社区

Chapter 54; The Final Battle

1K 24 3
                                        

Christine Gemini

Tumigil ako sa harapan nilang dalawa. Blanko ang mukha ko silang parehong pinagmasdan. Kagaya ko, walang emosyon akong mabasa sa mukha ni kuya, na gamit ni Sebastian.

Si Sebastian na hindi ko alam kung sino. Kung saan nagmula. Kung kaninong anak. Basta na lang na sumulpot at nakigulo. King ina.

Sophie insisted to do a deep background check at Sebastian Pagtakhan, but I said no.  I'm not even interested, kaunti lang siguro.

Nakita kong nagbaba ng tingin si Goblin sa nanginginig at nakakuyom kong kamao. Saka siya malapad na ngumisi nang ibalik saakin ang tingin.

"Are you mad?" Tanong nito, nakangisi pa rin. 

I maintained my blank face, "No," matipid kong sagot. Mahina siyang tumawa saka muling ngumisi. "I am beyond mad," matigas na sabi ko at biglang sumugod.

Sabay silang paatras na tumalon at kaagad na pumosisyon para asintahin ako. They're indeed, aiming very well but right now, losing is not on my vocabulary.

Walang kahirap-hirap kong iniwasan ang hindi mabilang at sunod sunod na balang tinitira nila sa akin. Bwumelo ako upang makatalon at madaling sinipa sa mukha si Sebastian.

Madali siyang napaatras at napahawak sa mukha. Paniguradong masakit 'yon dahil bukod sa masyadong malakas ang pagsipa ko, mayroong takong ang sapatos ko.

Saktong pagbaling ko sa gilid ay ang pagtangkang pagtira ni Goblin sa mukha ko gamit ang isang kunai. Mabilis akong lumiyad, binitawan ang hawak kong katana at hinuli ang braso niya gamit ang dalawang kamay. Saka 'yon biglaang inikot dahilan para sumama sa galaw ang katawan niya.

Thank god, I studied gymnastics. 

Ramdam ko ang pagsugod ni Sebastian mula sa likuran ko, bago pa siya makalapit ay bahagya akong umikot para sipain siya. Ngunit, sa kasamaang palad ay nagawa niyang mahuli ang binti ko saka ako binuhat at binalibag.

Kaagad akong tumayo, as if nothing happened. Tumakbo ako sa lugar kung saan ko nabitawan ang katana para sana'y kuhain 'yon ngunit nagawa akong unahan ni Goblin.

Sa isang iglap ay nagawa nila akong pagitnaan. Ngingisi-ngising tinutok saakin ni Goblin ang sariling sandata habang sa kabila naman ay si Sebastian na mayroong hawak na baril. Nakangisi rin.

"Dead—"

"Never underestimate my strength." Malamig kong wika na nagputol sa dapat sasabihin niya.

Itinaas ko ang kanang binti at inikot 'yon ng 180°, dahilan para malihis ng direksyon ang  bala nang magawa ng matabig ng paa ko ang braso niya. Saka ako mabilis na bumunot ng baril at inasinta ang dibdib ni Sebastian. At swinerte soya dahil nagawa niya 'yong ilagan at braso lang niya ang tinamaan.

Kaagad akong pumihit paharap kay Goblin at hinawakan ang mismong blade ng katana gamit ang kamay ko. Ramdam ko ang pagbaon ng matalas na blade nito sa kamay ko. Maging ang pag-agos ng dugo mula doon pababa sa braso ko.

It was painful, but nothing compared to what I'm feeling right now.

Sinubukan kong gilid ng ulo ni Goblin gamit ang hawak kong baril, pero nagawa niya mahuli ang braso ko. Mahigpit niya 'yong hinawakan saka pinilipit para mabitawan ko ang parehong baril at katana.

Habang dumadaing sa loob loob ng sakit, buong pwersa kong tinuhod ang pinakaiingatang parte ng kahit na sinong lalaki. Dahilan para ako naman ang kaniyang mabitawan.

Tignan ko na lang kung magkaanak ka pang hayop ka. Sabagay, sino naman ang may sabing pagkatapos nito, eh, mabubuhay ka pa?

Yumuko ako para sana abutin ang katana, pero malakas akong napadaing nang may humablot sa buhok ko at bigla akong kaladkarin.

That Nerd is The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon