“VANESSA, ineng, aba’y kanina ka pa diyan nakatanghod sa bintana, ah. May problema ka ba?” narinig niyang tanong ni Aling Juana sa kanya.
Napalingon siya dito. “Wala naman po.”
“Naiinip ka na ba?” muli nitong tanong.
“Hindi po,” sinabayan niya pa iyon ng pag-iling.
“Huwag kang mag-alala, ineng. Siguradong nasa trabaho lang si Jeremy. Sadyang minsan ay inaabot na sila ng ganitong oras.”
Pasado alas-nuebe na ng gabi at kanina pa siyang tanghali doon sa bahay nina Aling Juana. “Hindi po ba kayo nahihirapan kapag gabing-gabi ng umuwi si Mang Tonyo?” naisipan niyang itanong dito.
“Hindi naman, sanay na rin ako at alam ko na namang marami talagang kailangang gawin sa farm kapag panahon ng anihan at sabay-sabay ang demand ng mga supplier dito. May tiwala naman ako kay Sir Jeremy na hindi niya aabusuhin ang mga trabahador niya. Napakabait na bata niyang si Jeremy, bata pa lang siya ay alam ko ng siya ang may kakayahang magpatakbo at magpalago ng haciendang ito.
“Kaya ineng, paka-ingatan mo si Jeremy at ang magiging anak niyo,” pagpapatuloy nito. “Matatag na tao iyang si Jeremy pero isa sa mga napansin ko sa pagkatao niya, napakadali para sa kanya ang masaktan kapag iniiwan siya ng mga taong pinahahalagahan niya. Siguro dahil minsan na siyang iniwanan noon.”
Napatitig siya dito habang patuloy pa rin itong nagku-kuwento. Naalala niya kung paano pahalagahan ni Jeremy ang sarili nitong ina. Nagalit ito sa kanya dahil nais nitong protektahan ang ina sa mga taong gustong manloko dito. She couldn’t blame him for being rude at her.
“Vanessa, ineng,” pukaw ulit sa kanya ni Aling Juana.
“Po?” hindi niya napansin na naka-ilang beses na pala itong tumatawag sa kanya.
“Tinatanong ko kung kailan niyo balak magpakasal ni Jeremy? Hindi ba sabi mo two months na iyang nasa tiyan mo?” hindi niya inaasahang tanong nito.
Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Ayaw niya ng dagdagan pa ang mga kasinungalingan niya. Mabuti na lamang at biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Mang Tonyo.
“Ineng,” humarap ito sa kanya. “Hinihintay ka na ni Sir Jeremy sa labas. Uuwi na daw kayo.”
Tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito.
Pagkalabas niya ay agad siyang lumapit sa sasakyan ni Jeremy at walang imik na sumakay doon.A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday.
The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.
The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:
Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:
Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd SamaniegoStill writing (wala pa po ito sa bookstores):
Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon CaulfieldThanks so much for all of your support.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella
RomanceNanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Kei...