KINAWAYAN niya si Thaddeus nang sumakay na ito sa sasakyan nito. Pinaandar na nito ang sasakyan at kumaway sa kanya. "See 'ya," pahabol pa nitong sigaw.
Napabuntong-hininga siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan nito. Ilang sandali pa siyang nakatayo lamang doon bago niya naisipang pumasok sa loob. Nagulat pa siya nang makita si Jeremy na nakasandal sa hamba ng pinto. Dahan-dahan siyang lumapit dito.
"Mukhang close na close na kaagad kayo ni Thaddeus, ah? Ganyan ka ba talaga kalapit sa mga lalaki?" tanong nito.
Napatingin siya dito. Hindi niya nagustuhan ang ibig sabihin ng mga sinabi nito, pero hindi niya na ito gustong patulan. "Wala ka ng pakialam doon," nasabi niya na lang bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
Ilang hakbang pa lang siyang nakakalampas dito ay nahawakan na nito ang braso niya at sapilitan siyang pinaharap dito. "Nilalampasan mo na ako ngayon?" marahas nitong tanong. Nakita niya ang pagdaan ng galit sa maiitim na mga mata nito.
Binawi niya ang brasong hawak nito. Biglang dumaloy ang inis sa buong damdamin niya ng mga oras na iyon. "Ano bang problema mo? Kung may hindi kayo pagkakaunawaan ng kausap mo kanina, huwag mo akong idamay!" hindi niya napigilang sigaw dito.
Kumunot ang noo nito. "Sinabi sa'yo ni Thaddeus na nakausap ko si Jackie?" It was more of a statement than a question.
"Wala na akong pakialam sa kung sino man ang kausap mo," sagot niya saka muli itong tinalikuran. Hindi niya na ito nilingon at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat sa itaas.A/N: I will updating this story every Monday, Wednesday and Friday. If you can't wait, available pa po ang story nina Jeremy and Keira sa mga Precious Pages Stores.
The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.
The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:
Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:
Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd SamaniegoStill writing (wala pa po ito sa bookstores):
Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon CaulfieldThanks so much for all of your support.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella
RomanceNanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Kei...