TAHIMIK ang naging biyahe nila pabalik sa mansiyon ng mga ito. Hanggang sa makapasok sila sa mansiyon ay wala pa ring imikang nagaganap sa pagitan nila. Napabuntong-hininga na lang siya at tuloy-tuloy na naglakad nang bigla siyang mapatigil nang mapansin ang isang family portrait na nakasabit malapit sa hagdan.
Dahan-dahan siyang lumapit sa parteng iyon, hindi niya na alam kung gaano siya katagal na nakatayo lang at nakatitig doon hanggang sa maramdaman niyang may lumapit sa kanya.
“What’s wrong?” napalingon siya kay Jeremy nang marinig ang tanong nito. Huli na para maitago pa niya ang mga luhang biglang naglandas sa pisngi niya. Kumunot ang noo nito at sapilitan siyang pinaharap dito. “Bakit ka umiiyak?” nababahala nitong tanong.
Umiling siya at mabilis na pinahid ang luha sa mga pisngi. “I-I just… I just remembered something,” muli siyang sumulyap sa portrait. Looking at the portrait, she started remembering all her pains from the past. May ganito din silang portrait sa mansiyon nila noong maayos pa ang pamilya niya. Seeing Daniel’s photo there brought pain as well – dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya.
Tumingala muna ito sa portrait bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Don’t cry,” bulong nito. Napatingin siya dito ng humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong kabigin palapit at niyakap ng mahigpit. “It’s going to be alright.”
Hindi niya na pinigilan ang sariling mapa-hagulhol sa dibdib nito at doon ibuhos ang lahat ng hinanakit niya sa buhay. This was the very first time na may nag-comfort muli sa kanya pagkatapos ng pagpanaw ng mga magulang niya, and it felt great to be comforted again. Ilang minuto din silang nasa ganoong puwesto hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak at lumayo dito. “I’m sorry,” bulong niya.
“It’s okay. Magpahinga na tayo.”
Sabay na silang umakyat sa hagdan at inihatid pa siya nito hanggang sa pinto ng kwarto niya. Humarap muna siya dito bago pumasok sa loob. “Thank you,” hindi niya na pinigilan ang sariling sabihin dito ang mga salitang matagal na niyang hindi nasasabi kahit kanino. “sa lahat.”
Tumango na lang ito at tumalikod na para dumiretso sa sariling silid.A/N: I will updating this story every Monday and Wednesday.
The Breakers Corazon Sociedad Series is still available in Precious Pages Stores & National Book Stores. May mga exclusive scenes na sa mababasa niyo na nasa hard copy book lamang.
The Breakers Corazon Sociedad Batch 1:
Book 1: Jeremy Fabella
Book 2: Rafael Choi
Book 3: Matthew Azcarraga
Book 4: Michael de Angelo
Book 5: Raffy Choi
Book 6: Justin Aguirre
Book 7: Daniel Fabella
Book 8: Vincent Fabella
Book 9: Thaddeus Arzadon
Book 10: Christopher Samaniego, Jr.The Breakers Corazon Sociedad Batch 2:
Book 1: Bernard Buenaventura
Book 2: Troy Aguirre
Book 3: Jefferson Sioux
Book 4: Jex Hamilton
Book 5: Nico Santiago
Book 6: Kenny Fabella
Book 7: Judd SamaniegoStill writing (wala pa po ito sa bookstores):
Book 8: Lance Barrera
Book 9: Dave Talisen
Book 10: Brandon Wesley Scott
Book 11: Nathan Luther
Book 12: Lyndon CaulfieldThanks so much for all of your support.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella
RomanceNanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Kei...