PAGKABABA ni Jeremy ay agad siyang sinalubong ni Jackie at kumapit sa braso niya.
“Jeremy! Kanina pa kitang hinahanap, hindi ka na nakapag-breakfast at lunch. Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?” tanong nito sa kanya.
“No thanks, marami pa akong kailangang asikasuhin,” tugon niya dito at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Nakita mo ba si Keira?” tanong niya na ikinalukot ng mukha nito.
“I don’t know,” ngumiti ito ng matamis at ikinawit ang kamay sa leeg niya. “Baka magkasama na naman sila ni Thaddeus, kanina pa sila nagkukulitan sa tanghalian. They look good together,” dugtong pa nito.
“Really?” tinanggal niya ang mga kamay nitong nakapulupot sa leeg niya. “I better go and see them myself,” iyon lang at tinalikuran niya na ito.
Narinig pa niya ang naiinis na pagmumura nito.
Pagkalabas niya ng mansiyon ay agad niyang tinawagan si Thaddeus, pero hindi niya ito ma-kontak. Sumakay siya sa pick-up niya at dumiretso sa kuwadra ng mga kabayo. Pagkababa ay agad siyang sinalubong ng taga-bantay doon.
“Good morning, Sir,” bati sa kanya ni Nico, ang pinagkakatiwalaan niya sa pag-aalaga ng mga kabayo. Beinte anyos pa lang ito at nag-aaral pa rin sa kolehiyo ng kursong Industrial Engineering. Siya ang sumusuporta sa pag-aaral nito at ang pag-aalaga nga ng mga kabayo niya ang ginagawa nito para mabayaran siya. Nakikita niya na may patutunguhan ito sa buhay at pursigido talagang maging katulad niya.
“Good morning,” ganting bati niya dito. “Kumusta ang mga alaga mo?”
Ngumiti ito. “They’re in good condition, actually, nakapanganak na ang apat na Thoroughbred horses last week,” imporma nito sa kanya.
“That’s good,” tumango siya. “Bring LostAir out, kailangan kong libutin ang hacienda, may kailangan akong hanapin,” utos niya dito.
Napansin niya ang biglang pagtataka nito. “Sir, hiniram lang po kanina ni Ma’am Keira si LostAir.”
Gulat siyang napatingin dito. “What?! Bakit mo pinayagan?!” bulyaw niya dito. Hindi ganoon kadaling mapaamo si LostAir, baka masaktan lang si Keira dito kapag bigla iyong nagwala.
“S-Sir, sabi kasi ni Ma’am Keira pinayagan niyo na daw po siya,” nahihintakutang sagot nito.
“Damn,” he cursed. “Bring Thunder here, now!”
Agad naman itong sumunod at inilabas ang pinakamabilis niyang American Standardbred horse. Sinakyan niya ito at mabilis na pinatakbo.
Ilang sandali lang ay natanaw niya na si LostAir malapit sa may tubuhan pero wala ng nakasakay dito. Niragasa ng kaba ang dibdib niya nang makita si Keira sa paanan nito na nakaupo at halatang nasaktan. Mabilis siyang tumalon sa kabayo at lumapit dito. “Are you okay?” puno ng pag-aalala ang tono niya.
Tumingin ito sa kanya at tumango. “Just help me stand up,” utos nito.
Hinawakan niya ito sa baywang at itinayo. “Why in the hell did you do that? I told you na hindi mo puwedeng sakyan si LostAir,” hindi niya napigil ang sariling bulyawan ito.
Lumabi ito. “I’m sorry.”
He exhaled. “Hindi ka ba nasaktan?”
Umiling ito at yumakap sa kanya. His body reacted at once, tumingala ito sa kanya. “A little bit,” sagot nito.
Ngumiti siya. “Where? Here?” His hands slowly went down to her sexy butt. Nanlaki ang mga mata nito, then he captured her lips in a hungry kiss. He wanted to kiss her forever, every part of her. He brushed his massive arousal on her belly for her to know how much he wanted her. She gasped and voluntarily opened her mouth for him. He playfully darted his tongue into her mouth and he groaned at the taste of her. He wanted her so much. He wanted to take her every chance he could get.
They continued kissing each other nang biglang may tumikhim mula sa likod. Hesitantly, pinakawalan niya ang labi nito. Bakit ba lagi na lang may abala sa ganitong pagkakataon? Nalingunan niya si Thaddeus na nakasandal sa isang puno at iiling-iling na nakatingin sa kanila.
Kinalas ni Keira ang pagkakayakap sa kanya. Tiningnan niya ng masama si Thaddeus. “What do you want now?”
Lumapit ito sa kanila. “Palagi na lang bang ganyan ang scene na makikita ko sa inyo?”
“Bakit kasi palagi ka na lang sumusulpot?” ganting tanong niya dito.
“Kabute kasi ako,” sagot nito saka tumawa, pero bigla ding pumormal ang mukha nito. Itinaas nito ang hawak na folder. “What do you want first, Jeremy? Good news or bad news?”
Nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong nito.
A/N: The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella is still available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores along with the other books of the series. Thank you.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 1: Jeremy Fabella
RomanceNanganib ang buhay ni Keira sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Kei...