PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....
Agad na nagtago si Nilo sa katabing stall na tindahan ng mga Cotton Candy nang mapansin ang paglingon ni Tina sa likuran. Hindi niya kailangan malaman na sinusundan niya ang dalawa.
Ang gusto niya lang ay alamin kung ano ang mga ginagawa nito at san pumupunta.
Tinatak na niya sa kanyang isipan ng simulang tumungtong si Tina sa Opisina nang kaibigan ay alam niyang sa kanya ito babagsak, at hindi na niya hahayaan pang pakawalan pa ito.
Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad. Pumasok sa isang Botique ng mga damit na pambabae. nanatili siya sa labas.
Hindi naman lingid sa kanya ang mga matang amuse na amuse na nakatingin sa kanya. Well, He is the famous Nilo Buenaventura.
Gorgeous, almost perfect, respectful and honorable Nilo Buenaventura. Mabuti nalang at nanatiling low profile siya sa tingin ng ibang mga tao. Kung meron man nakakakilala sa kanya, ito ay ang mga taong nakakaharap niya sa mga business meeting and Conference na dinadaluhan niya.
He maintain to hide his identity lalo na sa internet. He is a billionaire at kailangan niyang protektahan hindi lang ang reputasyon ng Buenaventura Palace kundi pati na rin ang kanyang pamilya at sarili.
"Ang gwapo.." Napangisi siya ng marinig ang munting tili ng ilang mga kabataan babae sa kanyang tabi.
Bawat paggalaw at pagkilos niya ay nakakaagaw ng eksena. Isama pa ng kanyang suot na itim na suit. kagagaling niya lang ng opisina at sumaglit lang don para kunin ang address ni Tina sa HR. Pumirma din siya ng ilang mga papeles.
Saglit pa siyang naghintay sa labas ng botique at maya maya lang ay lumabas na ang kanyang subject at nagtatawanan ang mga ito. Patungo ito sa Sea Side malapit sa Mall. Saglit pa itong naglakad hanggang sa pumwesto sila sa labas ng Bar na may Banda. Alas syete palang ng gabi kaya maraming mga tao sa nasabing lugar.
Saglit siyang tumingin sa paligid upang maghanap ng tamang pwesto para hindi siya mapansin ng mga ito.
Hanggang sa mahagilap niya ang bakanteng mesa di kalayuan sa mga ito pero alam niyang hindi siya makikita. Nakatalikod ang mga ito sa kanya at nakuntento na siyang pagmasdan mula sa malayo ang babaeng may nakakabighaning halakhak.
Her mischievous and teasing expression brings back the memories of their past. Nag-order siya ng maiinom. He will wait for them, kahit na anong oras. kahit man lang dito, mapanindigan niya ang huling pangako niya rito na babalik siya habang naghihintay si Tina.
//~//
"Para talagang may sumusunod satin." Kanina pa hindi mapakali si Tina habang kausap ang kaibigan na lango na nang alak.
"Walang sumusunod satin. Takot lang nila sakin." Humalakhak ito at nagpatuloy sa pag-inom. Pero hindi pa rin siya maparini lalo pa't karamihan sa mga umiinom ay grupo ng mga kalalakihan.
" Alam mo yan mga lalaki na yan, dapat dyan binibigti eh, o di kaya pinuputulan. Alam mo yun, pagkatapos kang paasahin sa wala, sila pa ang may ganang manumbat ng kung ano ano. Eh wala naman akong ginagawang masama, mas lalo nang wala akong lalaki."
"Unfair, Unfair talaga. Hindi na lang niya ako deniretso na "Hooy Nessin, ayaw ko na sayo, hiwalay na tayo.." Hindi yung mawawala siya na parang bula. Well katulad siya ng mga pangako niya, kasama siyang nawalang parang bula," Sabay halakhak.
Tiningnan ni Tina ang sariling relo, mag-aalsa dose na at nandito pa rin sila sa Sea Side. Maraming mga tao at karamihan ay grupo grupo ang umiinom.

BINABASA MO ANG
A war with the Tycoon
RomanceCristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya sa kanyang pamilya. Nagmahal, Pinangakuan. Iniwan, Nasaktan, Nagbago... Pain changed her life. Sim...