PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....
Madilim na ang gabi. Linamon na ng katahimikan ang buong syudad ng Makati bunga ng kailaliman ng mga oras. Tumila na ang biglang buhos ng ulan at ang tanging naririnig na lamang ni tina ay ang nakakabinging paghikbi ng kanyang damdamin.
kinuyom niya ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan at tiningala ang kawalan. Madilim sa kanyang kwarto at ang ilaw na nanggagaling sa street light sa daan ang siyang nagbibigay liwanag sa kanyang apartment.
Pinahid niyang muli ang walang tigil niyang luha at mariing pinikit ang mga mata. Sa mga oras na ito ay buo na ang kanyang loob na iwanan ang mga dapat niyang iwanan. Ang bagahi na kanyang dinadala ay hindi na kayang dalhin ng kanyang likod at sa bawat pagtangka niyang paglaban ay may mga nasasaktan. Mga taong kanyang mahal ay mga inosente.
Mali man sa mga mata ng mga taong nakasaksi sa kanyang pagtiwalag sa isang pinaglalaban, pero iyon lang ang natatangi niyang kayang gawin para matigil na ang gyerang kanyang kinaluluguran.
Sa buhay ng isang tao. Narealize niya na hindi sapat kung puro tapang lang ang paiiralin mo para umangat ka sa iba.. Minsan, mas mahalagang isipin ang kapakanan ng ibang mga taong nakapaligid sa iyo. di bale nang ikaw ang masaktan, wag lang silang magdusa.
Di bale nang ikaw ang mapuruhan, basta masiguro mo lang ang kanilang kaligtasan. Ang pagmamahal ang dahilan kung bakit nagagawang magpakumbaba ng ibang tao. ang pagmamahalan ang nagiging rason kung bakit nagagawa ng isang taong gumawa ng isang kamalian. Pagmamahal na minsan, ang nagdadala satin ng sakit na sana hiniling nalang natin na mamatay tayo kesa ang makaramdam nito.
Loving someone in selfless way.. That's the essence of it.
" Are you out of your mind!! Pagkatapos ng lahat ng binigay sayo ng anak ko!! ipagpapalit mo lang siya sa pera!!" Pagkatapos ng mga salitang iyon ay tumilapon ang nakakamanhid na sampal galing sa ina ni Nilo.
" What are you gonna do with my son. Wala na siyang anak, tapos iiwan mo siya ng ganun ganun lang." nagbaba siya ng mga mata at tinanggap niya muli ang sampal galing rito.
"Tama na yan Silvia.. Walang puwang satin tahanan ang babaeng yan. Katulad lamang siya ng kanyang ama. Mga mukhang pera!!"
Tumulo ang kanyang luha ng hindi niya namamalayan. Lihim niya iyon pinahid at nag-angat ng tingin. Isa isa niyang pinamilyaran ang anyo ng mga taong nandon. Ang mga nakakauyam na ngisi at ngiting tagumpay ng mga taong minsan humamon sa kanyang pagkatao.
Kailangan niyang tanggapin ang kanyang pagsuko para sa kaayusan ng lahat. Alam niya na walang magagawa ang tunay niyang pagmamahal para kay Nilo, O kung tunay nga ba talaga iyon. Hindi na niya alam. Wala siyang karapatan magmahal at mahalin ng nag mamay-ari ng Buenaventura Palace. Tama ang mga ito.. Pera ang katapat ng lahat. Pera ang sagot sa kanilang kahirapan.
"Lumayas ka rito!! Lumayas ka!!" tinulak siya ng ina ni Nilo at nadapa siya. siyang pagkarinig niya ng halakhak ng mga demonyo sa kanyang paligid.
"Neal!! Hindi ako papayag na makalaya ang mamamatay tao na yun!! Hindi ako papayag!!" hinagpis pa nito sa kanila.
" Matalino ang babaeng yan. Kapag hindi ko tinupad ang kanyang gusto ay babalik at babalik yan sa anak mo."
"Wala akong pakialam. Hayan mo na sila Neal. Wag mong pahirapan ang anak mo.." pagmamakaawa pa nito.

BINABASA MO ANG
A war with the Tycoon
RomanceCristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya sa kanyang pamilya. Nagmahal, Pinangakuan. Iniwan, Nasaktan, Nagbago... Pain changed her life. Sim...