抖阴社区

CHAPTER 60

72.9K 1.3K 102
                                        

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...

"Nilo.." bulong ni tina sa sarili habang nakahawak ang mga kamay sa bibig. Ito ang unang bumitaw ng tingin sa kanya samantalang siya ay nakatuon pa rin rito.

"Mr. Buenaventura." nadako ang mata niya kay katarina. Kitang kita niya ang paglingkis ng kamay nito sa braso ni nilo..Hinagip ito ng binata at hinalikan sa labi.

tila naging blangko ang kanyang paligid. May kung anong bagay ang bumara sa kanyang lalamunan at hindi na kaya pa magproseso pa ng kung anong iisipin ng kanyang utak.

Napailing siya at pinigilan ang sariling maluha.

That hurts.. Big time.. 

Ang hirap palang ibigay ang pagmamahal sa isang taong kailan man hindi na magiging iyo..

Bukas ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. naririnig niya ang unti unting pagkadurog ng kanyang puso at unti unti nalang, hinding hindi na niya makakaya pa. 

Dali dali siyang nagtungo sa CR at pinigilan ang sariling mahagulhol.

Tiningnan niya ang kanyang mukha sa salamin at hinilamos ito. Walang pwedeng makaalam kung sino at kung ano ang kaugnayan niya kay Nilo.

She secretly smile a bit when she realize kung gano kalayo ang agwat nila ng binata. 

Ito ang tunay nilang mundo. Siya ang nasa taas at mananatili siyang nasa baba. Panghabang buhay niyang titingalain ang lalaking minsan ng lumuhod sa kanyang harapan.

Hinawakan niya ang kanyang puso dahil sa walang tigil nitong pagrigudon. 

Kalma lang tina.. Simula palang ito.

Natigil siya sa pag-iisip ng maalala ang anak.

Kailangan na niyang umalis..

Si Martha...

Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa anak. hindi maaring malaman ni nilo ang tungkol sa kanilang anak. Handa niyang ipagdamot ito.. kahit sa kanya.

But how...hindi niya alam kung hanggang kelan siya magpapanggap.. Kung hanggang kelan niya titikisin ang sakit.. Kung kelan niya kakayanin ang pagkadurog ng kanyang puso. Hindi niya alam kung pano niya papanindigan na wala na sa kanya ang lalaking iyon. Na nakalimutan na niya ito pero ang totoo'y hindi niya magawa.

She love him so much that it give him headache. She wanted him so much that it keeps her stomach twisted. 

Inayos niya ang kanyang sarili..Aalis na siya.. Her boss will understand.. sasabihin na lamang niya na nagkaron ng emergency at kailangan siya ni Martha.

Lumabas siya ng CR at gusto na naman niyang bumalik sa loob nang makita niyang papasalubong sa kanya si Nilo.

He is Happy.

Kasama nito si Katarina at masaya itong nakikipag-usap sa dalaga. May ilan pa itong kasama na myembro ng board ng Sitress. She looked straight, pero ang totoo, nanginginig na ang kanyang mga paa. Parang isang kalabit lang sa kanya ay magkocollapse na siya.

Pinagmasdan ng mabuti ni tina ang anyo ng lalaking minsan nang naging kanya. Mas lalo itong gumwapo.

naghintay siya..

Pero ano nga ba ang kanyang hinihintay? Does she need to expect something in him?

NO... Wala na sila.. at ito ang resulta ng kanyang mga naging desisyon noon. 

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon