PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...
"Nilo bitawan mo ako.." bumabaon ang kamay ni nilo sa kanyang braso. imbes na bitawan siya nito ay mas lalong humigpit ang kapit nito sa kanya.
"Akala mo matatakasan mo ako huh?" kinulong siya nito sa magkabilang braso nito. akyat baba ang dibdib ni nilo at anumang oras ay tila sasabog ito.
" Uuwi na ako. tapos na ang trabaho ko rito." sinubukan niyang tapangan ang boses rito. masyado nang malapit ang kanilang mukha at amoy na amoy niya ang hininga nito.
"Hindi pa tayo tapos tina." tinulak niya ito sa dibdib at nanlalaki ito sa kanyang ginawa. Dumako siya sa kabilang sulok. Mabuti nalang rin at walang tao sa kanilang kinaroroonan ngayon.
"Wala tayong dapat tapusin nilo.."
"Syota mo ba ang boss mo ha?" nakunot ang noo ni tina sa kanyang tanong..
"Ahh siguro nga.. gawain mo yun diba. ang akitin ang nagiging boss mo.." tumilapon ang palad ni tina sa pisngi ni nilo. nanginginig siya sa galit rito.
"How dare you.." asik niya rito. pinahid niya ang sariling luha. hindi niya alam kung bakit siya umiiyak.
Anong karapatan niya para pagsalitain siya ng ganun? hindi siya ganun tao at mas lalong hindi siya mapagsamantala. May pamilya na ang kanyang boss at hindi niya gawain manira ng pamilya ng may pamilya.
"Bakit!! hindi ba totoo naman..Gagamitin mo ang kakayahan ng ibang tao at sasamantalahin mo ito para maka lamang ka sa iba.. diba iyon ang ginawa mo sakin? HINDI BA!" Napapikit na lamang siya sa labis na sakit na dala ng mga salitang binitawan nito sa kanya.
Ito ba ang bunga ng mga ginawa niyang kasalanan noon?
Sa mga oras na ito ay wala siyang ibang pwedeng gawin kundi sarilinin nalang ang sakit na nararamdaman. sino nga ba naman siya para kaawaan ng iba.
"Anong ginawa niyo sa kwartong yun? nagsex kayo? ano masarap ba?" nanlalaki muli ang kanyang mga mata at sinugod niya ito ng sampal. but this time hinawakan siya nito sa magkabilang braso at marahas na hinalikan.
"Ito ba!! ganito ba humalik ang boss mo!!" hindi binibuka ni tina ang kanyang bibig habang si nilo nama'y mariing kinakabig ang kanyang ulo. kinakagat nito ang kanyang labi subalit matigas si tinang pinanlalabanan ang pisikal na sakit na binibigay sa kanya ni nilo.
"ANO!! HALIKAN MO AKO PUTANG INA!!" binitawan siya ni nilo at wala siyang ginawa kundi ang takpan ang kanyang mukha.
Ano pa? ano bang iniisip nito sa kanya? isa siyang kaladkarin babae?isang prostitute? bitch?whore?
napahagulhol siya at nalalasahan niya ang sariling dugo sa kanyang labi. Ang pisikal na sakit ay tila dinadaig ng sakit sa kanyang puso. nakakapanghina ng katawan.animo'y lahat ng mga buto niya sa katawan ay nagkakalasan at nahuhulog sa lupa.
Napaupo siya habang nakatakip ang mukha. Wala na siyang ibang maisip kundi ang umiyak nalang. She cannot endure the pain anymore. Pano niya ito matatakasan?
Tuluyan na ngang nagbago ang nilong kanyang minamahal. Nilamon na ito ng sobrang galit na siya mismo ang nagbigay,
Ilang minuto ang lumipas. wala siyang ibang marinig kundi ang sariling hikbi. pinapakiramdaman niya rin ang lalaking kasama subalit ng tiningala niya ito ay nakaupo ito sa kanyang harapan. pula ang kulay berde nitong mga mata.

BINABASA MO ANG
A war with the Tycoon
RomanceCristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya sa kanyang pamilya. Nagmahal, Pinangakuan. Iniwan, Nasaktan, Nagbago... Pain changed her life. Sim...