"Hindi noh! Kapal nito!" inis na inis ang boses nito pero yung mukha nito.. Kilig na kilig ito. Hindi na kasi mapuknat ang ngiti sa mga labi nito.
"Sus deny pa more. I know you're smiling now. At alam kong kinikilig ka na naman diyan."
"Di ah! Akala mo lang iyon! Kapal mo talaga!"
Sus.. Hindi daw pero hayun nga at ang lawak-lawak ng ngiti nito. Natatawang napailing-iling na lang siya. He's really fond of watching her acting that way from afar. Malayo nga ito pero mas nakikita niya ang reaction at ang totoong damdamin nito. She looks happy even with that simple conversation.
"What are you doing?" tanong niya at nakapamulsang sumandig siya sa puno habang pinapanuod niya ito.
"Uhmm wala.. Ikaw?"
"Watching.."
"Nanunuod ng?.." usisa nito.
'Ikaw..' sa isip-isip niya.
"Siguro ang ganda-ganda ng pinapanuod mo noh? Anong movie iyan?"
"Uhmm yeah.." nakangiting sagot niya. "Ang title? The girl at the corridor." lihim na lang siyang natatawa sa mga sinasabi niya.
"Huh? May movie bang ganyan?"
"Meron.. Bago lang siya."
"Ganon? Ngayon ko lang narinig."
"Creine!"
Sabay silang napatingin sa lalaking tumawag sa pangalan ng dalaga. Kumunot ang noo niya nang makitang may lumapit ditong lalaki.
"Oh Tristan?"
At sino naman itong mukhang kangaroo na ito?
"Magbi-break ka na ba? Sabay na tayo?"
Naningkit ang mga mata niya. Eh kung i-break din kaya niya ang leeg at mukha nito nang magtanda ito?
"Crei-" Hindi na niya natapos ang balak niyang sabihin dito nang putulin nito ang sinasabi niya.
"Wait lang bunny.. I'll call you later.."
"Sandali lang.. Don't tell me- Creine? Hello Creine?" Nang tingnan niya ang cellphone ay ganon na lang ang inis niya nang makitang pinutol na nito ang tawag. He gritted his teeth. Napatingin siya sa kinaroroonan ng dalawa. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga palad nang makitang masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang naglalakad. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit naiinis at nayayamot siya sa nakikita niya. It felt like he doesn't like what he just saw.
Kainis na babaeng iyon. Sasabihing mahal siya tapos makikipaglunch kasama ang iba? Sandali lang. Humanda ito sa kanya. Nagngigitngit ang kalooban at habol ang hininga sa matinding inis na tinungo niya ang entrance ng building upang puntahan ang dalawa.
Nasa hagdan na siya nang makitang makakasalubong na niya ang mga ito habang pababa ang mga ito sa hagdan.
Nakahalukipkip na huminto siya sa pag-akyat at hindi maipinta ang mukhang binigyan niya ang mga ito ng matalim na tingin. Nagitla at natigilan si Creine nang makita siya.
"Revin.. Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito.
"Ano sa tingin mo?" tinaasan niya ito ng kilay.
"Siguro mambababae ka na naman." nakasimangot na sabi nito.
Mambababae? This girl is really something and superb. Mabababae? Tapos na.. Pero ang problema, wala siya sa mood.
"Tss.." napabuga siya at naiinis na nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdan. "Oo, mambababae ako.." Naiinis na nilampasan niya ito. Binigyan muna niya ng isang nakamamatay na titig ang lalaking kasama nito bago niya tuluyang iniwan ang mga ito doon. Medyo nakakalayo na rin siya sa paghakbang nang tumigil siya sa paglalakad at nilingon ang mga ito. Para lang lalong mainis nang makitang wala na ang mga ito. "Buset.. Di talaga niya ako pinigilan? Damn it!" Naiinis at nagmamarakulyong bumalik siya sa pinanggalingan upang habulin ang mga ito. Tila anumang oras ay gusto niyang mambasag ng mukha. Malalaki at mabibilis ang mga hakbang na naglakad siya palapit sa mga ito. Nang makalapit siya sa mga ito ay mabilis niyang hinagip ang kamay ni Creine at malalaki ang mga hakbang na kinaladkad niya ito paalis sa building na iyon.

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...
Chapter 6 (Part 1) - Jealous
Magsimula sa umpisa